Chapter 6

1809 Words
"Good job for today guys! Keep up the good work!" Malakas na wika ni Rose. It is the end of the month and they're on the top of the monthly performance. "Siyempre TL, it's all because of your help." Sabi naman ng isa sa mga team members niya. Napapangiti na lamang siya, hindi niya alam kung nagsasabi ito ng totoo o sadyang sumisipsip lang sa kanya. "Siyempre with the help of you guys. Let's celebrate to that! Ano team eat out?" Tanong niya. "Go ako TL. San yan?" Sabi ng baklang si Shy. "Pass ako TL, biglaan naman kasi." Reklamo ng isa pa. Madalas talaga iyong mag reklamo kapag mga team gala. "Ok let's organize our team building nalang after this pay day. G?" Tanong niya. "Ang di sumama mag aambag parin." Natatawa pa niyang dagdag. Pumayag naman ang buong team. Ilang buwan na din kasi since their last team building na ginanap sa isang resort somewhere in Bulacan. "Ok, then it's a deal." Sabi pa niya. "Sige na guys, you can go. Ako maya maya pa ko onti may tinatapos lang akong report sa mga boss." Pagtataboy niya sa mga empleyado. "Ok TL. Bye po! Happy off!" Sabi pa ng mga ito. "Happy RD team, pahinga malala ha!" Biro pa niya. Nagsialisan na din ang mga ito at naiwan siya sa kanyang station. It's Saturday morning na, later ay wala siyang shift dahil saturday and sunday ang day off ng team Rose. Simula ng nag ta top sila sa performance ay good schedule ang nakukuha nila. Aside sa weekends off ay opener pa sila which is more more money dahil pasok sa banga ang night differential. Tiningnan niya ang suot na wrist watch at nakitang alas otso y medya na ng umaga. Kailangan na niyang tapusin ang ginagawa para makauwe. Tiyak na hinihintay na siya ng anak. Panigurado ay puno na naman ang messages niya galing dito. Unless, tulog pa din ito dahil sa pagpupuyat sa mobile games. Nang matapos ay napagpasyahan na niyang umalis. Gusto na niyang makauwe para makatulog na. "Pre, baka ma late ako ng konti. Na- flat yung tire ko. I think mag bus nalang ako since dadaan naman diyan." Wika sa baritonong boses ng isang binata. Dapat ay magkikita sila ng tropa niya sa malapit na mall pero yun nga at na flat ang sasakyan niya. Ilang sandali pa ay may nakita na siyang air-conditioned bus na papalapit. Pinara niya iyon at agad na sumakay. Swerte naman niya dahil may bakante pa doon. Nang maupo ay napansin pa niya ang katabing babae na lulugo lugo ang ulo. Marahil ay pang gabi ang trabaho nito kung kaya't puyat. Lihim siyang natatawa sa itsura nito. Nang matigilan siya dahil sumandal pa ito sa kanya habang nakapikit pa din ang mga mata. Gusto niya sanang gisingin ang babae pero nag alangan siya. Hinayaan na lamang niya itong matulog sa kanyang balikat. Isang pilyong ngiti ang sumilay sa kanyang labi at dahan dahang kinuha ang cellphone sa kanyang bulsa. Palihim siyang kumuha ng selfie habang nakasandal ito sa kanya. Mataman pa niyang pinagmasdan ang muka nito. Sa palagay niya ay nasa twenty five o kaedad niya ang babae. Maganda ito, mistisahin at malakas ang appeal kahit tulog. Napapailing na lamang siya sa kanyang ginawa at binalik ang phone. Nang mapansin na malapit na siyang bumaba ay bahagya niya iyon ginising pero sumagot lang ito sa kanya ng.. "Hmm?" Habang nakapikit ang mga mata. Kung kaya't dahan dahan niyang inayos ang ulo nito at isinandal sa upuan. Tumayo na siya at sinulyapan pa ng isang beses ang dalaga saka napangiti. Ibang klase matulog. Parang mantika, pano nalang kung manyak katabi niya. Eh di nahipuan na siya. Bulong niya sa sarili at tuluyan ng bumaba ng bus. Mag a- alas dyes na ng dumating si Rose sa condo na tinutuluyan nila ng anak. Medyo nakabawi siya ng tulog sa bus na sinakyan. Kahit paano ay hindi na ganoon ka bigat ang mata niya. Binati pa siya ng guard pag pasok niya ng building. Kilala na din kasi siya ng mga ito dahil almost three years na since lumipat siya don. Nag apply siya ng pag ibig financing para sa condominium na yun. Studio type lang naman ang kinuha niya dahil dalawa lang sila ng anak at nas mura kasi ang monthly payment sa studio type. Pagkasakay ng elevator ay pinindot na niya ang eleventh floor at isinara iyon. Nag text pa siya sa anak na nasa elevator na siya, ngunit pagdating niya ay nakailang pindot pa siya ng doorbell bago ito mag bukas ng pinto. "Kakagising mo lang?" Tanong niya sabay halik sa pisngi ng anak. "Nagising na po ako kanina, natulog lang ako ulit." Pupungas pungas na sagot nito. Inilinga niya ang paningin sa buong kabahayan. May iilang kalat sa ibabaw ng lababo na umagaw ng kanyang pansin. "Anak, ilang beses ko ba sinabi sayo na wag mag iiwan ng mismis dito?" Sabi pa niya sabay kuha noon at tapon sa trash bin. "Magkaka ipis tayo dito eh." Dugtong pa niya. "Nakalimutan ko lang po ma." Sabi pa nito sabay balik sa higaan. Napansin naman ni Rose ang tila pananamlay ng anak kaya agad niya itong nilapitan at hinawakan sa leeg. "May lagnat ka ha?" Nag aalalang sabi niya. Agad niyang kinuha ang lagayan ng gamot at kumuha ng biogesic at isang basong tubig para ipainom dito. Pinunasan din niya ng towel ang likuran nito. "Anak ilang beses ko bang sinasabi na pag nagkakasakit ka magsabi ka sakin." Sabi pa niya. "Ayoko na po kasi mag aalala kayo ma, lagnat lang naman." Sagot pa nito. "Natural! Mama mo ako, sino pa bang magaalala sayo kundi ako!" Ani Rose. "Eh si papa kaya ma? Nagaalala kaya sakin yun?" Natigilan naman siya sa sudden question ng kanyang anak. Hindi siya nakasagot agad at niyakap na lamang ito. 2011 Sa wakas ay tinawag na din ang pangalan ng anak niya. Maaga palang ay nandito na siya sa health center para pumila dahil ilang araw ng may sakit ang anak. Isang taong gulang at apat na buwan noon ang kanyang anak. "Nay, ano pong problema ni baby?" Tanong ng mid wife na naka assign sa health center ng kanilang baranggay. "Pangatlong araw na po ang lagnat at inuubo din po." Sabi niya habang karga karga ang anak na si Lester. Tumayo ang midwife upang tingnan ang bata gamit ang stethoscope na nakasukbit sa leeg nito. "Naku nay! Dapat idineretso niyo na po ito sa emergency. Napakataas ng lagnat at may halak pa sa baga. Pumunta na po kayo ng ospital." Sabi sa kanya ng midwife. "May bimpo po ba kayo diyan? Basain nyo at ilagay sa noo ni baby baka abutan ng kombulsyon sa daan yan." Dagdag pa nito. Natataranta namang ginawa ni Rose ang inutos ng midwife. Binasa niya ang dala dalang bib at ipinatong sa noo ng anak. Dahil saktong pamasahe lamang ang kanyang dala dala ay kinailangan niyang puntahan ang asawa sa trabaho nito. Sakay ng padyak na inarkila ay nagtungo sila sa dating pinagtatrabahuan. "Paul andito ang mag ina mo!" Sigaw ng isa sa mga katrabaho nito ng makita siya at ang anak niya. Maya maya naman ay lumabas ang asawa. "Bakit?" Tanong nito. "Si Lester kailangan daw dalhin sa ospital at baka kombulsyonin." Naiiyak niyang sabi. "Oh, e di dalhin mo na!" Sabi pa nito na tila wala sa mood. "Wala akong kapera pera dito." Sabi pa niya kay Paul. "Wala din naman akong pera." Sagot nito. "Manghiram ka muna kay ate!" Utos ni Rose sa asawa. "Ano ka ba? Nakakahiya mangutang." Napakamot pa ito sa kanyang batok. "Emergency nahihiya ka? Anong klase ka bang ama??" Naaasar niyang sumbat dito. Kahit kailan talaga ay wala siyang aasahan sa lalaking ito. Wala siyang nagawa kundi ang lumapit mismo sa amo nila ng asawa at makiusap na makabale sila kahit limang daan lang. Mabuti na lang at nagpahiram ito kaya nagmamadali na siyang umalis. "Mommy, hawakan niyo po ng maayos ang kamay ng anak niyo. Tumingin po kayo, wala pong magagawa ang pag iyak niyo kailangan niyong maging matapang para kay baby." Sabi ng nurse na nagsusuot ng dextrose sa anak. Hindi niya kasi magawang tingnan ang anak habang tinutusok ito ng karayom. Natatakot siya dahil ito lang naman ang unang beses na nangyare ito. Never pa siya nakapunta ng emergency para magsugod ng pasyente. Pero ginawa niya ang inuutos ng nurse dahil tama ito. Kailangan niyang maging matatag at matapang. Na diagnose ng phneumonia at bronchal asthma ang anak niya kaya na admit ito. "May kasama po ba kayo maam?" Tanong ng nurse. "Wala po." Sagot niya. "Pano yan? May kailangang bilhin sa labas na gamot dahil walang available dito sa pharmacy? Sa susunod hindi pwedeng mag isa kayong susugod ng ospital. Dapat may kasama kayo." Sermon nito sa kanya. Napayuko na lamang si Rose. Sino nga ba ang masasandalan niya? Wala namang pakialam ang asawa niya. Kung tutuusin ay dapat nagpaalam muna ito para masamahan siya pero ano ang ginawa? Hays. Ayaw nalang niyang isipin. Mas kailangan niyang pagtuunan ng pansin ang anak sa ngayon. "Ako na lang po ang bibili nurse, baka pwede ko po iwan saglit si baby?" Tanong niya. Napa buntong hininga naman ang nurse at walang choice kundi pumayag. "Ano pa ba ang gagawin natin kailangan ni baby yan. Bilisan nyo na lang po." Nagpasalamat na lang siya at dali daling nag tungo sa botika. Muntik pang masagad ang pera niya mabuti at may sumobra pa kaya nakapag paload siya. Tinawagan niya ang mama ni Paul at sinabing na admit ang anak. Pumunta naman ang ito kasama ang isang anak na babae. May dala dala itong damit nilang mag ina at kaunting pagkain. Nag abot din ito ng kaunting pera pandagdag sa gastusin. Isang linggo ang itinagal ng anak sa ospital pero hindi niya manlang nakita maski anino ng kanyang asawa doon. Grabe talaga ang ugali nito. Kayang kaya silang tiisin na mag ina. Maging sa pag labas ay siya pa ang gumawa ng paraan mabuti na lang at may mga charity na nag iikot sa ospital para tumulong sa mga walang kakayanang mag bayad na pasyente kung kaya't nakauwe sila ng walang binabayaran. -Present- Nagising siya ng tanghali at kinapa ang noo at leeg ng anak. Bahagya ng humupa ang lagnat nito. Nakahinga naman siya ng maluwag. Kapag ganitong nagkakasakit ito ay natataranta talaga siya. Pakiramdam niya ay na trauma siya noong dinala ito sa ospital noon. Kung kaya't after ng pangyayaring iyon ay hindi na niya hinayaang magkakasakit pa ito ng malubha. Sa awa ng Diyos ay never ng naulit na maospital ang anak. Pinunasan niya ulit ang pawis nito at pinalitan ng bimpo sa likod. Hinaplos haplos niya ang buhok nito saka hinagkan sa noo. Mahal na mahal niya ang anak. Ito na lang ang tanging motivation niya para mabuhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD