Chapter 5

1764 Words
-Present- Nagising si Rose sa tunog ng kanyang cellphone. Kinapa niya iyon at nakuha sa ilalim ng kanyang unan. Nang tingnan ay napabalikwas siya ng bangon ng makita kung ano'ng oras na! "Lester kanina pa pala tumutunog tong alarm ko hindi mo manlang ako ginising!" Pupungas pungas siyang bumangon at kumuha ng tuwalya. Nine forty five na kasi ng gabi at eleven ang shift niya. Kinse minutos na ang nasayang sa oras niya. Normally kasi ay nine thirty siya bumabangon para hindi siya nagkukumahog sa byahe. "Mama ginising kita kanina, ang sabi mo saglit nalang!" Sagot ng labing dalawang taong gulang niyang anak. Busy nanaman ito sa nilalarong online games sa kanyang cellphone. Ilang saglit lang ay lumabas na sa CR si Rose. Nakapag suot na ito ng kanyang bra at panty habang pinapatuyo ang kanyang buhok. Nasanay na ang anak sa kanya. Madalas talaga siyang palakad lakad sa loob ng bahay nila na na naka underwear lang lalo na kung nagmamadali ito. "Kumain ka na ba?" Tanong ng ina habang naglalagay ng lotion sa kanyang mga binti. "Opo, nag- prito ako ng hotdog diyan. Tinirhan kita." Sagot naman nito na hindi ma alis alis sa screen ng phone ang mga mata. Muling tiningnan ni Rose ang oras at nagmamadaling nag bihis. Nag sandok na lamang siya ng kanin sa kanyang baunan at nilagay ang dalawang hotdog na natitira doon. Kumuha din siya ng biscuit at nilagay sa bag. "Sige na nak, aalis na ako at baka ma traffic pa ako. Isarado mo ang pinto ok?" Ani Rose sabay halik sa pisngi ng anak pagkatapos niyang isuot ang puting rubber shoes na nabili sa online shop. "Opo." Sagot ng anak. "At itigil na yang cellphone! Matulog ng umaga, huwag kang mag pupuyat!" Dagdag pa niya bago isinara ang pinto. Napapailing na lamang siya. Antok na antok parin siya pero kailangan niyang bumangon para sa kanyang anak. Sa dami ng bills na binabayaran ay kailangan niya talagang mag sumikap na mag trabaho. Kinuha niya ang kanyang cellphone at binuksan ang messages niya. May bago siyang message sa GC kaya binuksan niya ito para basahin. TL, hindi po ako makakapasok today. Nilalagnat po ako. TL baka ma late lang po ako ng very slight. Naiiling na nag reply siya sa group chat ng team niya. Ok, please take meds. Sagot niya sa unang nag chat. Make sure you can come to work. Sagot naman niya don sa na late daw. Ganito talaga ang trabaho niya. Sobrang stressful sa trabaho at madalas pang mga pasaway ang mga tean member niya. She is working in a well known BPO company sa Taguig. 4 years na siya sa present company niya. She was an agent for a year tapos nag apply siya as a nesting ambassador and now she is a team leader for over a year. So far ay goods naman ang performance niya eversince she was promoted. Pumara siya ng bus at nagmamadaling nakipagsiksikan sa mga pasahero. Sa bandang pasay pa kasi siya manggagaling and it will take almost an hour sa travel time niya dahil sa traffic. Since rush hour at uwian ng mga nagta trabaho sa mall at ibang establishment ay wala ng naupuan si Rose kaya minabuti na lamang niyang tumayo ngunit ilang minuto lang din ay may bumabang pasahero sa harapan niya kung kaya't nakaupo siya agad. Napasandal siya sa upuan ng bus. Minsan talaga ay nakakapagod ang byahe niya. Puyat na puyat pa siya dahil kinailangan niyang umattend sa school meeting ng kanyang anak kaninang umaga. Ganito na ang naging routine niya simula ng makapasok siya sa call center. Ilang taon din siyang nagpupursige para sa kanyang anak. Naaalala pa niya noong una palang na dating niya ng Maynila kasama ang kanyang apat na taong gulang na anak ay halos hindi niya alam ang kanyang gagawin. Sumubok lang siya para mabago ang kanyang kapalaran. Hindi na niya kaya ang makisama pa sa dating kinakasama na si Paul. Bukod sa hindi na ito nagbago ay wala siyang nakikitang growth sa taong iyon. Lahat ng bagay ay inaasa lamang sa kanya at sa kanyang magulang. At isa sa mga hindi niya makakalimutang pangyayare na hinding hindi niya mapapatawad ang lalaki.... -2012- Mag uumaga na ay dilat pa ang mga mata ni Rose. Hindi parin kasi dumarating ang asawa niya. Kagabi ay nag text ito sa kanya gamit ang keypad phone na inimbitahan ito ng classmate niya noong high school. Ayon dito ay balikbayan ang kikitaing kaibigan. Sinabihan pa niya umuwe ito ng maaga dahil nga wala silang pang almusal kinabukasan sapagkat hinihintay lang din nila ang sahod niya. Binigyan pa niya ito ng palugit na hanggang alas nuwebe at nagawa pa nitong tumawad hanggang alas diyes. Pumayag naman siya basta't susunod ito sa usapan. Ngunit magdamag siyang hindi nakatulog sa paghihintay sa asawa habang tulog na tulog ang anak na si Lester. Bumangon na siya at nagpunta sa kabilang bahay upang ihabilin ang anak sa mga kapatid ng kanyang asawa. Wala pang isang taon si Lester ay may sarili na silang maliit na kubo. Nagawa niya yon sa pamamagitan ng paunti unting pagbili ng materyales tuwing sasahod sila. At dahil lingguhan ang kanilang sahod at pakyawan ang kanilang trabaho sa factory ay nakaipon sila agad ng gamit at pinatayo iyon. Iniwan niya muna saglit ang anak sa kabilang bahay at pumunta sa kabilang baranggay. Nasa isang kilometro din ang kanyang nilakad dahil wala siyang pamasahe para mag tricycle. Sanay na din siyang mag lakad lalo na pag pumapasok sa trabaho. Sa lugar kasi nila ay hindi mo mararamdaman ang init dahil sa malamig na hangin. Narating na niya ang bahay sa pamamagitan ng pag tanong tanong kung nasaan ito banda. Napahawak pa siya ng kanyang maumbok na tiyan , kumakalam na ang kanyang sikmura. Napapailing siya sa sarili. Apat na buwan na siyang buntis sa pangalawa nilang baby. Pero heto at wala paring pagbabago ang kanyang asawa. Pinagbuksan siya ng gate ng isang matangkad na lalaki at pinapanhik ng malamang asawa siya ni Paul. "Paul, pre andito na yung sundo mo!" Natatawang sigaw nito habang papasok sila. Naabutan pa niya itong sarap na sarap sa pag higop ng sabaw ng nilagang baboy. Napahinto pa ito ng makita siya. "Pauwe na dapat ako eh." Nakangisi na sambit nito sabay inom ng tubig. Tiningnan naman niya ito ng masama. Pano nito naaatim na kumain ng masarap habang alam nitong wala pa silang kain na mag ina? Napaka iresponsable talaga kahit na kailan. "Sige pre, uuwe na ako. Dito na si misis eh. Sa susunod nalang!" Paalam nito sa kaibigan. Lumapit ito sa kanya at akmang aakbayan siya pero pinalis niya ang kamay nito. "Ang aga aga Rose!" Sigaw nito ng makalabas na sila ng gate. Hindi siya umimik at dire diretso lang sa paglalakad. Kuyom ang mga palad dahil sa pag pipigil sa kanyang galit. Gusto na niyang mag salita pero nanahimik na lamang siya. Hanggang sa makarating sa kanilang bahay ay doon lamang niya inilabas ang lahat ng nararamdaman. Umiiyak na hinampas ang balikat ng asawa. "Sinungaling !" Sigaw niya. Hinawakan naman nito ng mahigpit ang braso niya. "Ano bang problema mo? Umuwe naman ako diba?" Sabi pa nito. "Tang ina, umuwe ka? Eh kung hindi kita susunduin hindi ka pa uuwe? Alas diyes? Anong oras na? Alas siyete na ng umaga!" Galit na sigaw niya. Lumapit naman ang binata at madiin na hinawakan ang baba niya. "Pwede ba! Tumigil ka sa kakabunganga mo at naririndi na ko sayo baka ano pa magawa ko sayo!" Singhal nito sa kanya. "Sige! Saktan mo ko! Diyan ka naman magaling ang manakit!" Ani Rose habang umiiyak. Punong puno na siya sa asawa. Pakiramdam niya ay wala itong pakialam sa kanya at sa anak nila. "Selfish ka! Ang sarap ng kain mo don nag papakasaya ka habang kami dito namumuti ang mata sa kakahintay sayo!" Sigaw pa niya. Ini amba ni Paul ang kamay at handang sampalin siya. Kanina pa siya nangigigil sa asawa at naasar sa bunganga nito. Dahil naman doon ay lalong nag ngitngit si Rose sa galit. Dati na kasi siyang sinasaktan nito lalo na kung nalalasing. Isang beses nga ay naumpog siya sa haliging may nakausling pako. Mabuti na lamang at hindi ganoon kalalim ang naging sugat niya sa ulo kaya hindi delikado. Pinagsabihan na din siya ng ilang kapitbahay na halos ka edad lang din niya na ireklamo na sa munisipyo ang asawa dahil baka daw mas malala na ang gawin nito sa kanya. Ngunit dahil mahal niya ito at umaasang magbabago pa ay pinalampas niya ang pananakit nito. Sa galit ay pinaghahampas niya ng kamay ang asawa habang hinahamon ito na sampalin siya. Sa gulat niya ay tinulak siya nito ng malakas. Dahilan upang ma out of balance siya at bumagsak sa lupa. Sakto naman ang pag dating ng kanyang biyenan ng paupo siyang bumagsak. Karga karga nito ang kanilang anak na si Lester at tila kumain na ito doon dahil sa ilang mismis ng kanin sa muka. Sa lakas ng impact ng pagbagsak ay tumama ang kanyang pwet sa kahoy na naroon. Pakiramdam niya ay namanhid ang kanyang katawan. Hanggang sa naramdaman niya ang pag labas ng mainit na likido sa kanyang pwerta. Nang hawakan niya ay nanginginig ang mga kamay na itinaas ito. Dugo! May umaagos na dugo sa kanyang mga binti. Takot na takot siya na hinawakan ang kanyang tiyan at inusal ang pangalan ng asawa. "Paul!" Naiiyak niyang sambit. Nagulat naman ito at ang kanyang ina ng lingunin siya. Nakita pa niyang natataranta itong binuhat siya at itinakbo sa kalsada upang pumara ng tricycle. At dahil umaga at oras ng pasukan ay nahirapan silang sumakay kaya inutusan nalang ng mama niya ang kapatid na sunduin ang tiyuhin nito na may padyak at iyon ang ginamit nila para dalhin siya sa malapit na ospital. Habang siya ay takot na takot na umiiyak habang hawak hawak ang kanyang tiyan. "Ang baby ko, Paul!" Iyak pa niya habang walang tigil ang pag agos ng dugo sa kanyang hita. Hawak hawak siya ng mama ni Paul habang ito ang nag papadyak. Hindi na niya namalayan pa ang sunod na nangyare dahil tuluyan na siyang nawalan ng malay. -Present- Gumuhit ang lungkot sa muka ni Rose ng maalala ang pangyayaring iyon. Hinimas pa niya ang kanyang tiyan at napabuntong hininga. Malaki na sana ang baby niyang iyon kung hindi ito nalaglag. Isa lang ang sinisisi niya sa pangyayaring iyon. Hanggang ngayon ay kinasusuklaman niya ang lalaking iyon. Hinding hindi niya mapapatawad ang dating kinakasama dahil sa lahat ng pasakit na binigay nito sa kanya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD