Kahit late ng nakatulog si Iamy, pinilit pa rin niya ang magising ng maaga. Kailangan na niyang pumasok sa araw na ito, para na rin magkakaroon siya ng pagkakataon na kausapin si Shaun. "Wow! Ikaw ba iyan, Iamy? Isa itong malaking himala, at ang aga mong nagising ngayon." "No comment. Bad morning, okay?" Mabilis na kinuha ni Iamy ang kanyang tuwalya para maunang maligo kay Czarina, na kagigising lamang. "Hoy, madaya ka ha. Kunting bilis lang po sa pagligo, dahil mala-late na tayo girl." "Oo na, huwag ka ng maingay d'yan kundi bukas pa ako lalabas dito." Tumahimik na lamang si Czarina, para mapabilis ang kilos ni Iamy sa loob ng banyo. Hindi naman s'ya nito binigo, dahil natapos din s'ya ng 30 minutes. Kaya kaagad na sumunod si Czarina, para maligo na rin. She checked her phone, pero

