Nagsasara na lamang ang coffeeshop ni Madam L., pero hindi pa rin nagparamdam si Shaun sa kanya. Kaya umuwi na lamang si Iamy sa kanilang dorm na laglag ang mga balikat. Hindi nakakapagod ang maghapon na magtrabaho sa coffeeshop, pero ang nakakapagod ang maghintay sa wala. "Bakit hindi ka man lang nag-abalang tawagan ako, Shaun? May problema ka ba sa akin? May nagawa ba akong mali sa'yo?" Na-i-padyak-padyak pa n'ya ang kanyang mga paa sa ibabaw ng kama. Ito naman ang naabutan ni Czarina pag-uwi nito galing sa paaralan. "Hoy! Baliw ka na ba talaga, Iamy? Hindi ka na nga pumasok sa klase natin kanina, tapos ito pa ang maabutan ko sa'yo? Umayos ka nga d'yan, bangag ka ba?" "Kasalanan mo rin kaya dahil hindi mo naman ako ginising kanina eh. Hinayaan mo lang ako na mapasarap sa aking pagtul

