CHAPTER 02

1810 Words
Isang magandang ideya ang pumasok sa isip ni Railey pagkatapos niyang kumain. Napangiti ito ng matamis at tiningnang maigi si Reslyn dahil labis itong nagtataka na nakikita niya sa kanyang maamong mukha. "Alam ko na sa ice skating arena tayo pupunta," masayang saad ni Railey. “Hindi ko alam iyan, pero ikaw na nga ang bahala," wala sa sarili nitong sagot. "Kahit saan basta masaya at mag-eenjoy tayo ng bongga,“ nakangiti pa nitong sabi at ipinagpatuloy ang pagkain. Dahil si Railey ang bahala dinala siya nito sa ice skating arena pagkatapos nilang kumain. “Wow! Ang ganda po dito kuya Rail at ang lamig pa, kaya lang hindi ako marunong mag-ice skating.“ Malungkot ang kanyang boses habang tinatanaw ang malawak na ice skating arena. Mangilan-ngilan lang din ang naglalaro ng ice skating kaya malawak ang space na pwede nilang Tinawanan lang siya ni Railey at hinila papasok sa loob. Tinulungan pa nitong isuot ang kanyang ice skating blade at inalalayan na tumayo pero umupong muli si Reslyn tsaka pinanood na lang si Railey na unang nag-ice skating. Masaya itong magpaikot-ikot sa ice skating hanggang sa binalikan nitong muli si Reslyn. Tuwang-tuwa nitong pinanood si Railey, habang paikot-ikot ito sa gitna ng ice skating. Nakaikot na ng dalawang round si Railey, kaya kinuha na nito si Reslyn para turuan. Nanginginig pa ang mga tuhod sa sobrang takot at giniginaw na rin siya sa lamig. “Kuya Rail, natatakot ako hindi talaga ako marunong mag-ice skating. Pwede bang manonood nalang ako sa'yo? Mas masaya at nag-eenjoy akong panoorin ka eh,“ tanggi ni Reslyn. Bumalik si Railey at kinuha ang dalawa niyang mga kamay tsaka nilagay sa kanyang beywang. “Huwag kang matatakot, humawak ka lang sa akin, at ako ng bahala sa'yo basta sumunod ka lang sa akin, Res. Let’s just enjoy together,“ tumango lamang si Reslyn bilang tugon sa sinabi ni Railey. Noong una natutumba pa silang dalawa, pero sa katagalan unti-unti ng nakukuha ni Reslyn ang kanyang balance. Hanggang sa nakapaglakad na itong mag-isa at hindi na nakahawak kay Railey. Pero nasa likuran pa rin niya ang lalaki para alalayan siya kapag natutumba o nadadapa. Mabilis naman natuto si Reslyn, kaya pareho na silang nag-eenjoy lalo pa at solong-solo na nila ang buong ice skating arena dahil wala ng ibang naglalaro. “Ang saya ko po Kuya Rail, pwede bang bumalik ulit tayo dito? Tapos isasama natin si daddy tsaka si Pauline at ninang Amanda,“ puno ng excitement sa mga mata nito, tsaka muling umikot mag-isa. "Oo naman pwede tayong bumalik dito next week," habol na sagot ni Railey. Pinanood na lamang niya ang kanyang kaibigan na masaya habang paikot-ikot pero hinayaan niya lang na madapa at matumba para masanay itong tumayo sa sarili nitong sikap. Ayaw pa sanang paawat ni Reslyn, dahil nag-eenjoy na itong maglaro ng mag-isa kaso marami na ang pumasok para maglaro kaya decided ng umuwi si Railey. “Ayoko ko pang umuwi Kuya Rail.“ Tutol si Reslyn na umuwi pero wala naman itong magagawa dahil tinangay na siya ni Railey palabas ng ice skating arena. Dumiretso na silang dalawa sa parking lot at kaagad pinaandar ang sasakyan. Walang imikan silang dalawa sa loob ng sasakyan, habang binaybay nila ang daan pauwi sa bahay nila Reslyn. “Hindi na ako papasok Res, kasi may pupuntahan pa ako bago umuwi,“ pagpapaalam ni Railey sa kanya. “Ayon lumabas din ang totoo, kaya ka nagmamadaling umuwi na tayo dahil may date ka pang iba,“ himutok na sabi ni Reslyn at bubuksan na sana nito ang pintuan, pero napigilan ito ni Railey. “I don't have other date, okay? Magkita lang kami ni coach Tony, dahil may ibibigay lang siya sa akin. So, please trust me.“ Saglit na tumahimik si Reslyn dahil sa tinuran ni Railey, hindi lang kasi siya sanay na masyado itong seryoso at ramdam pa niya ang sweetness nito sa kanya. “Yes, kuya Rail!“ nakangiti niyang sagot at humalik pa ito sa pisngi ni Railey bago lumabas. “Thank you! Ingat ka sa pagda-drive, text mo ako ha, kapag nakauwi ka na sa bahay,“ malambing nitong sabi at kumaway pa bago ito umalis. “I will, Res. Don’t worry tatandaan ko lahat ng mga bilin mo sa akin,“ sagot naman ni Railey bago pinaandar ang kanyang sasakyan. Masayang pumasok ng bahay si Reslyn at pakanta-kanta pa itong mag-isa kaya nagtataka si Antonio sa biglaang pagbabago ng kanyang anak. “Hmmm.. Mukhang ang saya yata ng date ninyo ni Railey? May nangyari bang dapat kong malaman?“ sunud-sunod na tanong ni Antonio kay Reslyn pero tumawa lang ito. “It's nothing dad, masaya lang ako dahil natuto na akong mag-ice skating, tinuruan ako ni kuya Rail kanina,“ yumakap ito sa kanyang ama at humalik sa pisngi. Ngumiti na lamang si Antonio bilang tugon kay Reslyn at hinayaan na itong pumasok sa kanyang kwarto pagkatapos nitong magbigay galang sa kanya. Naiwan mag-isa si Antonio na malalim ang iniisip. Malungkot ang mukha nito habang kinakausap ang larawan ng kanyang butihing asawa. “Kung sana nandito ka lang Jesusa, makikita mo sana ngayon ang pagdadalaga ng ating prinsesa. At sana kapwa natin magabayan s'ya lalo na sa usaping pag-ibig," yakap nito sa larawan. He took a deep breath, "miss na miss kita mahal kong asawa, sana'y naririto ka para masubaybayan nating dalawa si Reslyn sa kanyang pagdadalaga. Saan ka man ngayon mahal ko, sana lagi mo kaming gabayan,“ kausap ni Antonio sa picture frame ni Jesusa at muling niyakap habang nakapikit ang kanyang mga mata. Nasa loob na siya ng kanyang kwarto, at kaagad nag-shower. Dala na rin ng sobrang pagod, nakatulog na pala ni Reslyn, hindi na niya hinihintay pa ang tawag o text mula kay Railey. Kaya pagkagising niya kinaumagahan nakita niya sa kanyang cellphone ang 5 miss calls at 3 texts. Kaagad na binasa ang unang text, “Hi Res, I'm home now.“ She opened his second text, “Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko? Galit ka ba sa'kin? Please reply ASAP!" Napangiti na lamang si Reslyn habang binabasa ang mga mensahe nito, kaya kaagad niyang binasa ang pangatlong text, “Hey, my Cinderella! Tulog ka na ba talaga? Hindi mo na sinasagot ang tawag at text ko? Okay, good night and sweet dreams.“ After reading, kaagad nitong dinayal ang numero ni Railey at sa pangatlong ring sinagot naman ng binata ang kanyang tawag. “Good morning, Kuya Rail!“ masayang bati nito sa kanya. “Good morning, my Cinderella!" bungad ni Railey sa kabilang linya. "Saan ka ba kagabi? Hindi mo naman sinasagot ang aking tawag, o kahit mag-reply man lang sa mga text ko?“ may himig tampo at pag-aalala sa kanyang boses. “Sorry na po, kasi tulog na ang diwa ko kagabi sa sobrang pagod. Anong oras ka na nakauwi kagabi?" balik tanong ni Reslyn sa kanya. "Hinihintay ko naman talaga ang tawag mo kagabi, kaso nadaig na ako ni antok eh,“ hinging paumanhin ni Reslyn. Malalim ang buntong hininga ni Railey sa kabilang linya. “Okey, get ready at susunduin na kita, para sabay na tayong pumasok sa school," utos nito kay Reslyn bago matapos ang tawag kaya aligaga ng bumangon ang dalaga para maligo at makapag-ayos patungong paaralan. Hindi na kumain ng almusal si Reslyn, dahil nandyan na ang kanyang sundo. Mabuti nalang at wala ang kanyang ama, kundi malitanyahan na naman siya nito dahil hindi kumain ng almusal. Nakabukas na ang pinto ng sasakyan para makapasok siya kaagad. “Ang bagal mo talaga kahit kailan, Res kanina pa ako naghihintay sa iyo,“ saad ni Railey pagkaupo nila sa loob ng sasakyan. “Ehh.. Alam mo naman na matagal akong maligo, di ba? Malay ko ba nandiyan ka na pala,“ palusot na naman nitong sagot. “Ibaba nalang kita sa gate ng building n'yo, dahil late na ako sa meeting namin. Don't worry I'll fetch you up by lunch time,“ sabi nito bago huminto ang sasakyan sa tapat mismo ng school building ng College of Administration. Kaagad bumaba si Reslyn, pero bago pa ito tuluyang makalabas ng sasakyan, hinalikan muna siya ni Railey sa pisngi. Napatingin si Reslyn, at ngumiti ng matamis sa kanya. Namumula pa ang kanyang pisngi, "Bye, kuya Rail. Ingat ka sa pagmamaneho mo." "Thank you, Res. Take care! See you by lunch," kumaway pa si Railey bago pinaandar ang kanyang kotse. She's blushing and speechless, kaya nagmamadali na siyang bumaba at isinara ang pinto. Ngayon lang siya nakaramdam ng hiya at pag-aalinlangan sa kanya. Kumaway pa ito bago tuluyang umalis ang sasakyan ni Railey. “Wow, our blushing Cinderella is here! Boyfriend mo na ba iyon, Reslyn?“ kantyaw na sabi ni Mia Joy Bose, ang running President of Drama and Speech Club, at nakangiting lumapit kay Reslyn. “Loka! Ang haba naman ng hair ko, abot hanggang Edsa." Kinikilig pang sabi ni Reslyn pero natigil din agad ito ng binatukan siya ni Jocelyn Baroro, isa sa wicked step sister niya sa palabas nila. “Nangangarap ka na naman d'yan? Kanina pa umuusok ang p***t at tainga ni Ma'am Precious Ayola, dahil parehong late ang mga bida," singit ni Jocelyn sa kanilang usapan. "Kaya bilisan mo na d'yan, kasi kanina pa naghihintay sila sa loob ng Auditorium!“ inis na sabi ni Jocelyn . Mabilis na silang naglalakad patungo sa Auditorium, kung saan sila nag-eensayo. Narinig nilang lahat ang malakas na boses ng kanilang musical director at mukhang galit na nga ito. “Get ready! This is your costume rehearsal, at ang scene, during the party!" galit na announced ni Ma'am Precious. "Teka lang nasaan na ba sina Reslyn at Shaun?" tanong nito at palinga-linga sa paligid. "Ma'am Precious, nandito na po ako. I'm ready!" excited na sagot ni Reslyn. Nakataas ang kilay nito, "Mabuti naman Reslyn at nandito ka na, nasaan na ba si Shaun?" "Just arrived, Ma'am Precious!" taas kamay pa itong naglalakad palapit sa kanila sa may stage. "Good! Dapat lang ma-practice ninyong maigi ni Reslyn iyong part na isasayaw mo si Cinderella, pero please lang Shaun, iwasan mong matapakan ang kanyang paa," pabirong sambit ni Precious. Nagtatawanan ang buong team sa sinabi ni Precious sa kanyang mga estudyante, at mas lalong na starstruck sila ng lumabas sina Reslyn Beran at Shaun Alvez sa magara nitong kasuotan. Sa simula pa lamang ng tugtog, sumasabay naman sina Reslyn at Shaun sa pagsasayaw ngunit sa bawat galaw, madalas tinatapakan ni Reslyn ang sapatos ni Shaun. Matamis na ngiti lamang ang itinugon ng binata sa kanya, para hindi ito mahihiya at maging panatag lang si Reslyn sa kanilang pag-eensayo. Sa katagalan nakuha na rin ni Reslyn ang tamang galaw, habang sumasayaw siya kasama ang kanyang Prince Charming, sa katauhan ni Shaun Alvez. Parehong nag-eenjoy na ang dalawa sa kanilang dance rehearsal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD