CHAPTER 01

1843 Words
Magkababata sina Reslyn Beran at Railey De Guzman kaya malapit na ito sa isa't-isa maging ang kanilang mga magulang ay matalik din na magkaibigan. Anim na buwan ang tanda ni Railey sa kanya at dahil solong anak lang siya kaya tinuring na niya itong little sister. Sabay na silang lumaki at nag-aaral sa parehong school mula Elementarya hanggang High School. Ngunit nagkahiwalay lamang sila ng tumuntong sa Kolehiyo. Magkaiba kasi ang kanilang kursong kinuha pero sa parehong University lang ang kanilang pinapasukan sa sikat na UP-Diliman. Parehong Sophomore students, kursong Business Administration si Reslyn, samantalang Civil Engineering course naman si Railey. Maging schedules nila ay magkapareho rin maliban nalang sa subjects. During lunch at break time lang sila nagkikita para sabay kumakain. Pagkatapos naman ng kanilang klase tsaka hinahatid ni Railey pauwi sa kanilang bahay si Reslyn. Ito na rin ang nakasanayan niya ang ihatid-sundo s'ya ni Railey kahit kapitbahay lamang sila sa loob ng isang exclusive subdivision sa Quezon City. Sa unang taon nila sa University of the Philippines Diliman ay naging madali lang para sa kanilang dalawa at nagkaroon pa sila ng oras para mag-bonding. But during their second year of college, everything changed. They're both busy and endeavored at different fields of interest. Sumali si Railey sa basketball team as full time varsity player. Kaya ginugol na nito ang kanyang spare time sa pag-eensayo. Halos wala ng oras ito para makipagkita kay Reslyn. Dahil ito naman ay naging abala rin sa kanyang sinalihang extracurricular activities for drama and speech club. Ngayong nalalapit na ang kanilang Intramurals 2019, parehong naging abala na ang lahat ng department para sa kani-kanilang presentations ng bawat year level. Kaya sina Reslyn at Railey, ay kapwa abala sa pag-eensayo sa kanilang sinalihan na activities. Si Railey ay puspusan ang pag-eensayo niya bilang MVP sa kanilang Basketball Team, Spc Stallions. Samantala, si Reslyn ay naging abala rin sa kanyang first lead role as Cinderella, and their group will represent the Sophomore team of BS-BA Department. Palagi silang nag-eensayo sa gabi pagkatapos ng kanyang huling klase kaya hindi na sila magkasabay na umuwi ni Railey. Sabado at Linggo na lang ang kanilang pahinga dahil walang pasok. Hindi naman sila ino-obliga na mag-practice during weekends. Araw iyon ng linggo, walang pasok at ensayo si Reslyn kaya minabuti niyang magpahinga tsaka matulog na lamang sa kanilang bahay buong araw. Dahil sobrang toxic ito sa pag-aaral at pag-eensayo upang maging handa sa kanilang pagtatanghal para sa darating na Intramurals 2019. Sunud-sunod na katok sa pinto ang nagpapagising sa antok pa na diwa ni Reslyn. “Pasok!“ Inaantok pa ang boses nito pero nagising ang kanyang diwa ng marinig ang boses ni Railey. “Hey, my sleeping Cinderella, will you please get up now? Magsisimba muna tayo sa Manila Cathedral,” tawag nito kay Reslyn. Hindi na muling nagsalita si Reslyn sa loob, kaya marahang binuksan na lang ni Railey ang pintuan tsaka pumasok, dahil di naman ito naka-lock. Humiga na rin siya sa kanyang tabi, “I missed you, Res!“ malambing nitong sabi at yumakap pa mula sa likuran tsaka ginawaran ng mabining halik ang kanyang batok. “Hmmm— Anong nakain mo at ganito ka kalambing sa akin ngayon!?“ pagtataray nitong tanong at humarap sa kanya. “Anong kailangan mo at ang aga mong nambubulabog sa aking tulog?" Hindi ito sumagot bagkos pumikit lang ang mga mata tsaka isinubsob pa ang kanyang mukha sa leeg ni Reslyn. “Hoy Rail, ano ka ba?!“ Tapik-tapik nito sa kanyang balikat, but all of a sudden, she heard him snoring a little. Pinilit nitong alisin ang mga kamay sa pagkakayakap sa kanya, pero mas lalo lang itong humihigpit, kaya hinayaan na lamang niya itong makatulog sa kanyang tabi. Pero kapwa naman sila nakatulog ng mahimbing na magkayakap. Naalimpungatan si Reslyn ng maramdaman ang marahang paghaplos-haplos sa kanyang buhok. At bumungad ang nakangiting mukha ni Railey pagkamulat ng kanyang mga mata. “Good morning, my Cinderella,“ he gently kissed her forehead. “Morning too, Kuya Rail. Kanina ka pa ba nagising?“ nakangiti pa nitong tanong sa kanya at bumangon na sa kama. “Kagigising ko lang din naman kaya lang gutom na ako. Bangon kana d'yan at tara na sa kitchen, handa na rin ang almusal na niluto ni Nanay Lucing,“ inaya na siya agad para sabay silang kumain ng almusal. Tumayo ito ng kama at naunang pumasok sa banyo para maligo. At ease na itong kumilos sa loob ng bahay ng mga Beran. May tiwala naman ang ama ni Reslyn sa kanya kaya malaya itong makapasok at makalabas sa kanilang bahay na walang pag-alinlangan. “Kuya Railey bilisan mo nga d'yan maliligo na ako at magsisimba pa tayo pagkatapos natin kumain ng almusal!“ mahinang katok nito sa pintuan ng banyo. “Gusto mo bang sabay na tayong maligo para may maghilod naman sa iyo at makatipid tayo sa tubig,“ nakangiti nitong tugon mula sa loob. “Tse! Bwisit ka! Naghihilod naman ako noh. Baka ikaw nga d'yan ang walang hilod-hilod kapag naliligo,“ asar-talo na sagot ni Reslyn. Hindi na niya matiis kaya lumabas na lang ito sa kanyang kwarto at pumunta sa guest room para doon na lang maligo. Kalahating oras din na naligo si Reslyn, kaya pagkalabas nito'y nabungaran n'ya ang nakasimangot na mukha ni Railey, habang matiim na nakatingin lamang sa kanya. “Buong akala ko, nalunod ka na sa sobrang tagal mong maligo. Kaya pwede ba, huwag mo ng tagalan din ang pagbibihis, dahil naiinip na ako. At doon na kita hihintayin sa sala,“ mahaba pa nitong litanya bago tuluyan lumabas ng guest room. Lumipat na si Reslyn sa kanyang kwarto para magbihis ng kaswal na damit. Mabilis na pagbibihis at pag-aayos lamang ang kanyang ginawa para bumaba kaagad. Nakita ni Reslyn na masayang naglalaro ng Chess ang kanyang ama at si Railey habang umiinom ng kape. “Hi! Ang daya ninyong dalawa, hindi niyo naman ako hinintay para maglaro,” nakanguso nitong saad at tumabi pa kay Railey sa upuan. Ilang saglit lang nagdeklara ng checkmate si Railey, sa kalaban nitong si Antonio Beran, ang ama ni Reslyn. “Talo ka na daddy, kay kuya Rail! Kaya pahinging allowance para makapasyal na kami sa bayan,“ tuwang-tuwa na sabi nito at inilahad pa ang kanyang dalawang palad. “No, Tito! Nagbibiro lang 'yan si Reslyn at aalis na po kami para makauwi rin ng maaga.“ Magalang na paalam ni Railey kay Antonio, na nakangiti lamang ang matanda sa kanila. "Sandali, aalis na ba kayo n'yan? Kumain muna kayo ng almusal bago umalis," pigil nito sa dalawa. "Sorry Tito, pero alanganin na po sa oras ng mass. Ang bagal kasi ng isa d'yan!" pagpaparinig nito kay Reslyn. "Ako?!" irap nitong hiyaw sa kanya. Pero hindi pa rin tumigil si Reslyn, “Teka lang daddy, pahingi muna akong pera,” pahabol nitong saad pero nahila na siya ni Railey palabas ng bahay. Inalalayan siya nito para makapasok ng sasakyan at hindi na mangungulit pa sa kanyang ama. “Bye, daddy!“ Agad naman na paalam ni Reslyn at kumaway pa sa kanyang bunsong kapatid na si Pauline. "Mag-ingat kayong dalawa sa byahe. Railey, dahan-dahan lang sa pagmamaneho dapat buo pa rin ang anak kong makauwi ng bahay," paalala ni Antonio sa kanya. "Opo, tito Anton. Bye, po." Pinasibad kaagad ni Railey ang sasakyan para mabilis silang makarating sa Manila Cathedral kung saan sila magsimba. “Ang kulit mo talaga, it was just a fun game with Tito Antonio,“ sabi nito kay Reslyn pagkalabas nila ng sasakyan. Ngunit tinawanan lamang nito si Railey at nauna pang naglalakad patungo sa loob ng simbahan. Hinabol ito ni Railey ng biglang may nabangga itong babae. Napaigik pa iyong babae sa sobrang sakit ng kanyang pagkadapa sa sementadong daan. Kaya kaagad naman itong dinaluhan ni Railey at inalalayang makatayo. Bumalik si Reslyn at nakita nitong may kausap na ibang babae. “Kuya Rail, ano ba ang nangyari sa kanya?“ may bahid ng pag-alala sa mukha ni Reslyn. “Ok lang ako, pasensya na rin hindi kita nakita kanina paglabas ko ng simbahan, medyo nagmamadali lang po ako. Sorry, may hinahabol kasi ako, kaya hindi kita nakita agad." Humingi ng paumanhin ang babaeng nakabanggaan kanina ni Railey. “I'm sorry Miss, pero sa susunod tingnan mo rin ang iyong dinadaanan, para hindi ka makabangga at makaabala ng ibang tao. Tara na sa loob kuya Rail!“ pagtataray na tugon ni Reslyn. “Tama na iyan Res, kasalanan ko rin naman dahil nabangga ko siya. Ahhhmm, sorry din po talaga sa'yo, Miss?“ tanong ni Railey sa babae. “Iamy po,“ maiksi nitong sagot. Tumango lamang si Reslyn at hinila na si Railey papasok sa loob ng simbahan. Tahimik ng nakikinig ang dalawa sa banal na misa hanggang sa matapos ito. Pagkalabas nila ng simbahan nagpalinga-linga si Railey sa direksyon kung saan niya iniwan si Iamy, pero wala na doon ang babae. Nakaramdam si Railey ng pagkadismaya at panghihinayang, dahil hindi niya nakuha ang buong pangalan at numero nito. Ngunit inaasam pa rin n'ya ang makita itong muli balang araw. Pagkatapos magsimba nina Railey at Reslyn, pumunta sila sa SM Mall of Asia, para doon mamasyal at manood ng sine. Si Reslyn ang namimili ng movie na kanilang panonoorin, at ang napili niya ay ang movie ng Lizquen na “Alone Together”, paborito kasi nito si Enrique Gil. “Naks! Ang corny mo naman Res, Lizquen pa talaga ang pinili mong movie?“ Mapang-asar nitong tanong pero binalewala lamang ni Reslyn, dahil ito naman talaga ang nais niyang panoorin kasama ang kanyang best friend. "Ako ang pinapili mo sa movie, tapos ngayon nagrereklamo ka?" Mula umpisa hanggang katapusan ng movie ay kinikilig pa rin si Reslyn, kahit nandoon yung feeling na umiiyak siya, dahil sa labis itong nasasaktan at nangangarap din, na makasama habang buhay ang lalaking kanyang mamahalin. Saglit nitong tiningnan si Railey na pansamantalang naging abala sa kanyang cellphone. Naging balisa ito habang may kausap at ka-text. “Ano ba 'yan Kuya Railey, naiintindihan mo pa ba yung pinapanood natin?" biglang tanong ni Reslyn, at gulat na napatingin ito sa kanya. "Kanina ka pa d'yan busy sa cellphone mo, sino ba yang ka-text at kausap mo?“ nagmamaktol na tanong ni Reslyn. Nagulat man si Railey, pero nasagot naman niya ng maayos ang mga katanungan ni Reslyn. “Ka-text ko lang si coach Tony, may meeting kami bukas kasama iyong cheering squad ng aming team. At ipakilala na rin sa amin ang magiging team muse.“ Mahaba pa nitong paliwanag pero hindi na ito pinansin pa ni Reslyn dahil naging abala uli sa kanyang pinanood. Natapos din ang kanilang movie date, kaya tumuloy na silang dalawa sa Old Spaghetti House, para makakain ng late lunch. “Saan mo gustong pumunta pagkatapos nating kumain?“ malumanay na tanong ni Railey. "Kahit saan basta masaya at mag-enjoy tayong pareho," puno ng excitement sa kanyang sagot. Masayang pinagsaluhan nila ang lunch at kapwa busog na busog silang lumabas sa Old Spaghetti House.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD