The most unforgettable moment for the newest campus lovers of UP-Diliman Daniel Dhane Lacerna, best buddy of Railey De Guzman and Christine Jhean Timajo, one of the members of Spc Çheering Squad. “Bumalik na tayo sa kanila malapit ng magsimula ang klase ko baka mahuli ako sa subject ni ma’am Precious terror pa naman,” hinila patayo ni CJ si Dhane at nagmamadaling lumabas sa Greenhouse. Sumunod na lamang si Dhane sa kanya at inihatid pa ito sa building ng HRM Department. “See you later honey,” he said, smiling. “Honey ka d’yan!” nakangising iniwan agad ni CJ para pumasok sa kanyang klase. Kumaway muna si Dhane bago tuluyang umalis at nagtuloy sa kanilang building para doon na lamang sa study hall maghintay ng oras. Napatigil sa paglalakad si Dhane ng may napansin na nagtatalo sa likod

