Napuno ng tawanan at kulitan sa loob ng canteen sa lantaran na pag-amin ni Dhane sa harapan mismo ni CJ. Pulang-pula na nga ang kanyang pisngi sa sobrang hiya at kilig na kanyang nadarama sa mga sandaling iyon. Hanggang sa lumabas na nga ang talento ng kanyang mga kaibigan at biglang tumayo para kumanta. Pinangungunahan pa ito ni Menchie na unang tumayo at kinuha kaagad ang kanyang kutsara para gawing microphone. [Menchie] Tumikhim muna ito bago nagsimulang kumanta sa Intro. “Palagi kitang naaalala Ang iyong mukha at porma Sa tuwing ikaw ay nakikita Sobrang kilig na kilig ako na talaga..” Nakangising ipinasa ang kutsara kay Macolline at gulat pa nitong tinanggap tsaka ipinagpatuloy ang pagkanta. Palipat-lipat na naman ang kanyang tingin kanila Dhane at Dhembert na nakangising pina

