Dahil sa tinuran niya mas lalong nagsalubong ang kilay ko. Kaagad kong inirap sa kanya ang paningin ko bago padabog na pumasok sa loob. “Parang bata,” rinig ko pang sabi ni Keon bago ko isinara ang sliding door. Imbes na sagutin siya, hindi ko na lamang ginawa. Sira ang mukha ko nang nagtungo sa kusina upang magtimpla ng gatas. Dire-diretso na sana ako patungo doon nang bigla na lamang ako mapatigil nang marinig ang usapan nina Ate Lara at Ate Kia. “Wala ka pa talagang balak sabihin?” rinig kong tanong ni Ate Kia na kinabuntong hininga ni Ate Lara. “Balak ko na pero hindi lang talaga ako makakuha ng magandang tyempo eh.” “Hindi ka makahanap ng tyempo o hindi ka pa talaga handang sabihin sa kanya ang totoo kasi natatakot ka sa magiging reaction niya, ganoon ‘di ba?” Pagkatapos s

