Paglabas ko, dumeritso agad ako sa upuan doon at doon naupo. Hindi ko na pinansin si Keon na alam kong napatingin sa akin. Pinaikot ko ang dila sa loob ng cheeks ko habang nasa malayo ang paningin, sinusubukan ikalma ang sarili. “What’s that face?” tanong ni Keon nang lapitan ako nito. I rolled my eyes in frustration. “Nakakainis si Ate Lara eh, hindi ako pinayagan makita si Momma. Wala naman masama kung gusto ko makita ang Momma ko eh! Tsk!” pagra-rant ko rito. Totoong naiinis ako! Bakit kasi ayaw niya? Huwag niyang sabihin sa akin na may tinatago na naman siya? Hanggang kailan niya ba paulit-ulit gagawin ang pagsisinungaling na yun?! Never namin naging maganda yun! Okay pa sana kung white lies pero kung hindi, hindi ko alam kung magagawa ko pa ba siyang patawarin sa lahat ng baga

