“Saan ka galing? Ang tagal mo naman mag-CR,” tanong ni Ate Lara gamit ang malamya niyang mga boses nang maupo ako sa tabi niya pagkatapos kong manggaling sa rooftop. Taka akong lumingon sa kanya, nagtataka sa pagkalamya niya na kanina naman ay hindi ganoon. Kumunot ang noo ko, anong nangyari dito?
Hindi ko siya sinagot nang napansing wala na si Ate Kia sa kanina niyang pwesto.
“Oh? Nasaan na si Ate Kia?” pagtatanong ko sakanya.
“Let’s not talk about her.” Kinuha niya ang shoulder bag niya at isinukbit sa balikat. “Tara na, ihahatid pa kita,” anyaya niya at naunang tumayo kaya naman ay kinuha ko ang bag ko saka hinabol siya palabas. Hindi na rin ako nagsalita o nagtanong pa kung anong nangyari dahil alam kong may hindi naging magandang nangyari between her and Ate Kia. Ewan ko ba sa dalawang ‘to pero noong nakaraan pa, pansin ko lagi silang may away o hindi kaya pagkakaintindihan. Hindi naman ako nagtanong pa dahil ayokong magmukhang tsismosa. Nang makaalis kami sa resto, buong byahe hanggang sa makarating kami sa bahay ay walang nagsalita.
Nasa labas lang din ang tingin ko, iniisip ang lalaking nakita ko kanina sa rooftop. Infairness, noong kinuhaan ko siya nang litrato, ang pogi niya. May itsura, mabango at ang tangkad pa. Kagaya ko, mukhang nagustuhan din niya ang ginawa ni Ate Liza na siyang sinuggest ko. I’m not expecting na ganoon pala ang kakalabasan nun. Mukhang mahilig din ang lalaking ‘yon sa ganoong lugar dahil halata naman ‘yon sa mukha niya. Kanina nang makuhaan ko siya ng litrato na ilang takes lang, agad na akong umalis habang pinagmamasdan niya ang kinuha kong litrato sa kanya kaya naman ay hindi ko na nalaman kung anong pangalan niya. Hindi ko naman din balak na malaman ang pangalan niya kahit na pogi pa siya. Baka mamaya ay may girlfriend pa ‘yon, edi sana ako pa ang nalagot, hindi ba?
Sa labis na pag-aalala nun, hindi ko na namalayang malapit na pala kami sa bahay. Kung hindi pa bumusina si Kuya Thwer sa dumaang bata ay hindi pa ako mababalik sa realidad.
Nasa malayo pa lamang ay tanaw ko na si Momma na nasa tapat ng gate at palinga-linga na mukhang may hinihintay. Paglabas ko ng kotse kaagad ko siyang tinawag at patakbong lumapit.
“Momma, bakit nasa labas pa kayo?” tanong ko rito ngunit hindi niya ako sinagot, sa halip ay nilingon niya si Ate Lara na lumabas rin ng kotse.
“Salamat sa paghatid kay Luisa,” sambit nito.
Ate Lara just bitterly smiled at Momma and nodded before turning her attention on me. “Sunduin kita dito bukas ng umaga, sa condo ko ka na magpalipas ng weekend.” Ibinalik niya ang tingin niya kay Momma. “Kung gusto mo rin pong sumama, I’ll arrive tomorrow morning,” dagdag niya bago pumasok sa loob.
Ate Lara and Momma is not that okay. Hindi ko rin sila maintindihan minsan dahil minsan sobrang close nilang dalawa, minsan naman ay hindi. Minsan nagkakailangan, minsan hindi nagpapansinan. Para tuloy daig pa nila ang hindi pamilya.
Hinintay rin muna namin ni Momma na umalis ang sasakyan bago kami pumasok sa loob. Ganoon naman ang gawain namin tuwing may bumisita sa amin. We are waiting outside until they left on the street. Kapag nakalabas na sila sa street namin, saka na lamang kami pumapasok ni Momma.
Nang mawala na sa paningin namin ang kotse nila Ate Lara, pumasok na kami ni Momma. Nakaakbay pa ito sa akin habang ako naman ay nakayakap sa may bewang niya.
“How’s your dinner with your cousin?” she asked when we entered.
Dire-diretso siyang pumasok sa may kitchen area habang ako ay huminto at nandito sa may maliit na hallway at nagtatanggal ng sapatos. Ayaw ni Momma na nagpapasok ako ng sapatos. I secretly smirked when I heard what she asked.
Mahina akong napabuntong hininga. She’s lying again.
Nilagay ko ang sapatos sa katabi ng mga nakahilera kong ibang mga sapatos saka naglakad papunta sa may living area. Ilang hakbang lamang ang ginawa ko dahil maliit lang naman ang bahay namin. Hindi siya ganoong kalakihan, hindi naman siya ganoong kaliit. Sakto lang para sa amin ni Momma.
“It’s fine. Ate Lara bought me again some perfume.” Inilapag ko ang dalawang maliit na paper bag sa center table saka umupo sa sofa at kasabay no’n ang paglapit sa akin ni Momma na may dala-dalang baso ng tubig at platito na naglalaman ng vitamins.
“Oh.” Inilapag niya ito sa tapat ko na kaagad ko namang kinuha. Kinuha ko ang capsule at mabilis na ishinoot sa loob ng bibig ko at nagmamadaling uminom ng tubig. At habang inuubos ko ang laman ng baso, kinuha ko ang isang paper bag at inabot kay Momma na kinuha naman niya kaagad.
“Oh? Ano ‘to?” tanong niya. Senenyasan ko muna siya ng ‘saglit’ saka inubos ang tubig.
Nang maubos ko na ang laman ng tubig, inilapag ko ito sa center table at humarap sa kanya upang sagutin ang nagtataka niyang reaksyon.
“Pinapabigay ni Ate Lara, hindi ko alam kung ano,” sagot ko. Tumango-tango lang siya at inilapag sa gilid ng upuan ang paper bag na ipinagtaka ko.
“Hindi mo bubuksan?” tanong ko.
Nginitian niya ako. “Mamaya na.” Tumayo siya. “May gagawin pa ako, ikaw, umakyat ka na sa kwarto at magpahinga na, maaga ka pa bukas,” utos niya at kinuha ang baso at palatito na ginamit ko.
“You’re not going, Momma? But Ate Lara invited you.”
“I have work tomorrow, Luisa, so I can’t. Papasok na lang ako roon sa kwarto mo para ihanda ang mga gamit mo pagkatapos ng gagawin ko. Sige na umakyat ka na do’n.”
Dahil sa wala na akong choice, tumayo na ako at kinuha ang mga gamit ko. Hindi ko naman mapipilit si Momma na sumama kahit na gustuhin ko pa. I sighed when I entered my room. Binuksan ko ang ilaw at kaagad na binagsak ang katawan sa malambot na kama. Iniiwasan nga talaga nila ang isa’t-isa sa hindi ko malamang dahilan. Ayoko ring itanong sa kanilang dalawa dahil hindi ko naman hilig ‘yon.
“When will you stop lying, Momma?” I whispered.