Kasalukuyan na kaming pabalik sa resto ni Ate Liza para mag-dinner nang magtanong si Ate Lara. Nasa labas lamang ang tingin ko at tahimik, pinagmamasdan ang mga bahay at kotseng nadadaanan namin habang si Ate Lara naman ay naging abala sa Ipad niya. Mukhang marami na naman siyang tratrabahuin. Hindi naman nagtagal si Ate Lara nang matapos niyang manggaling sa office ni Tito Jester kaya agad din kaming nakabalik patungo sa resto ni Ate Liza.
“Gusto mo bang lumipat sa bahay sa college?” tanong niya na ikinagulatang ko.
“Ayos na ako sa bahay, Ate,” sagot ko.
“How about sa condo ko? Malapit lang ‘yon sa Ateneo.”
Kumunot ang noo ko.“Sino nagsabi na mag-aaral ako sa Ateneo?”
Tinaasan niya ako kilay nang marinig niya ang tanong ko. “Ako. Ako magpapa-aral sa’yo.”
Umiling-iling ako. “Hindi mo na ‘yon kailangan gawin.”
“But I want to...we all know here, that it’s hard in college kapag walang sumusuporta sa’yo. ”
Bumuntong hininga ako. “Ako na ang bahala do’n. Tska matagal pa ‘yon. I’m just 15 years old, 2 years pa bago mangyari ‘yon.”
“But we need to plan your future, Luisa. Hindi ka ba natatakot?”
Tinanggal ko ang pagkakakabit ng seatbelt sa akin ng huminto ang sasakyan sa tapat ng resto ni Ate Liza.
“Bakit naman ako matatakot?” Taka akong tumingin sa kanya. . “I can handle myself. Kaya ko naman ngang magtrabaho once na eighteen na ako para na rin masuportahan ko sarili ko. Ayoko ring umasa na lang kay Momma. Tara na,” pagyaya ko at nauna nang bumaba.
-----
The dinner went well. When we enter inside, Ate Kia was already there, Ate Lara’s bestfriend. Bestfriends na sila simula noong elementary pa sila. Hindi ko na matandaan ang story ng friendship nilang dalawa since matagal na ring naikwento sa akin ni Ate Lara ‘yon basta ang alam ko lang magkaibigan na talaga sila noon pa man.
Saglit rin kaming sinaluhan ni Ate Liza ngunit hindi rin nagtagal dahil maraming nasidatingang mga customer. Last month lang nagbukas ang maliit na resto ni Ate Liza. It also located in the 9 street over 10. Ate Liza is the owner of this resto. Noong nakaraan lamang ito bumukas kaya naman bilang pagsuporta sa kanya, dito na kami nag-dinner. Kakilala si Ate Liza ni Momma kaya naging malapit na rin siya sa amin, lalo na sa akin since palagi akong tambay rito.
Malapit lang sa din ang resto sa school kaya minsan ay dito ako dume diretso.
“I did your suggestion,” she whispered to me.
My eyes widened when I heard what she say. I was about to replied when she stood up and welcomed her customers. Tinap niya na lamang ako sa shoulder senyales na kailangan na niyang asikasuhin ‘yon kaya naman ay tinanguan ko na lamang siya.
“What suggestion?” nagtatakang usisa ni Ate Lara habang hinihiwa ang karne at inilalagay sa plato ko.
“Ate I can do it!” suway ko dito.
Akma ko sanang kukunin ang tinidor at kutsilyo sa kanya nang binigyan niya maala ‘back-off’ na tingin kaya wala na akong nagawa kung hindi ang hayaan siya kahit na bine-baby na niya ako. Sa buong oras, tahimik lamang ako at tanging nasa pagkain lang ang nasa atensyon ko habang sila ay may pinag-uusapan na hindi ko naman maintindihan at hindi naman ako interesado malaman. Isa pa, abala ako sa pagkaing nakahain sa harap namin dahil hindi naman ako ganoong kumain kanina pag-alis ko sa bahay. Masarap din ito.
Ako ang naunang matapos kumain kaya nagpaalam muna ako na gagamit ng comfort room.
“Bumalik ka kaagad,” bilin ni Ate Lara.
Hindi ko siya pinansin at dumeristo sa may dulo kung saan naroroon ang CR ngunit imbes na pumasok sa may CR ay pumasok ako sa katabing pintuan nito kung saan ang daanan papuntang rooftop.
Lumingon-lingon muna ako sa paligid bago pasimpleng pumasok roon. Nagulat pa ako at napahawak sa dibdib ng biglang bumukas ang LED lights na nailagay na pala ni Ate Liza.
Sa loob ng pinto iyon, mayroong ilang steps ng hagdanan bago makapunta sa rooftop. Tanging LED lights ang naging ilaw ng hagdan kaya naman ay dahan-dahan lamang ang hakbang ko hanggang sa makarating ako sa dulo.
Nang binuksan ko iyong pinto, dumampi sa balat ko ang preskong hangin.
Sinara ko ito at mabilis na inilibot ang paningin sa paligid, hinahanap ang kaninang tinutukoy ni Ate Lara na kaagad ko namang nakita ngunit napakunot ang noo ko ng may makitang lalaki.
A guy wearing a white t-shirt, black jogger and paired by white shoes was standing in the front of the mini and creative living room and taking picture of the flower beside the bookshelf like he was loving it. Ito na yata ang tinutukoy ni Ate Liza kanina. Noong nakaraan, tinanong ako ni Ate Liza kung ano raw ang pwedeng gawin sa rooftop, malawak kasi ito at isa pa, mahangin at magandang tumambay kapag gabi.
Nag-suggest ako na gawan ng kahit na munting sala na ginawa naman niya. Mayroong siyang tinayong apat na haligi na magiging gabay sa inilagay niyang transparent na bubong. Sa loob nito ay mayroong ding maliit at malambot na sofa na mukhang magkakasya ang apat na tao, sa gitna mayroong mesa habang sa isang gilid ay mayroong mataas at maliit na bookshelf na may katabing halaman ng yellow rose.
Pinagmasdan ko ang lalaki nang mabuti. Kung titignan ay parang magka-edad lang kami, matangkad nga lang siya. Mukhang yayamanin din ito tignan kahit nakatalikod base sa suot at balat.
Ang maganda niyang buhok ay nakatumba papunta sa kanan, nakasuot rin siya ng salamin base sa nakikita ko mula rito sa likod habang ang mga biceps niya ay halatang alagang gym. Infairness, as his age, he already achieve the other guys wants to their biceps.
“It’s stunning, right?” I asked.
Mabilis niyang naibaba ang phone niya at itinago sa bulsa saka humarap sa akin, na akala mo ay mayroon siyang ginawang mali. Gulat rin ang mukha niya kaya nanlaki ang mga mata nito lalo na nang magawa niyang humarap sa akin. Grabe! Mukha na ba akong multo para maging ganoon ang reaksyon niya?
I smiled at him. “Do you want me to take a picture of you?” I offered my right hand so that he would give me his phone. “Don’t worry I am good at this,” I uttered.