Chapter 01

2381 Words
“Kailan practice niyo para sa Mapeh, Isa?” Napatigil ako sa pagsasara ng lunch box ko nang marinig ko ang boses ni Farra na nabanggit ang pangalan ko. Kaagad ko siyang nilingon na ngayo’y katabi ni Shina. Kasalukuyan kaming nasa classroom ngayon at kakatapos lang kumain ng tanghalian. Sa bandang likuran kami pwumesto habang nakapalibot ang upuan ng pabilog. “Wala pang schedule na ginagawa leader namin,” sagot ko saka ibinalik ang tingin sa lunch box. Sinara ko ito at inilagay sa loob ng bag ko bago kinuha ang tumbler ko upang ininuman ito. “Tara, CR?” pagyayaya ni Asher. Agarang tumayo sina Farra, Ashley at Shina kaya naman tumayo na rin ako. Dala-dala ko ang tumbler ko habang naglalakad kami papuntang CR na nasa pangalawang palapag pa. Ang comfort room kasi rito sa ika-apat na palapag ay ipinasara ng principal, hindi ko alam kung bakit. At wala na rin akong balak alamin. Nang makarating kami sa 2nd floor ng building namin, nakasalubong namin si Tanner, na ikinatahimik ni Asher na kanina pa daldal nang daldal. “May girlfriend na ‘yon, Asher! Si Hiroshi na lang kasi ang piliin mo!” bulyas ni Ashley. “Si Hans din may girlfriend na, mag-move on ka na,” pabalik na tugon ni Asher dahilan para tarayan siya ni Ashley. Nagsisimula na naman ang dalawang 'to. Mamaya nito ay baka magkapikunan pa. “Toxic naman relasyon nila,” She smirked. “I’m still the better ex.” “Better ka nga pero hindi naman sa ’yo seryoso ang tao, anong silbi nun?” Napalingon kaming lahat kay Farra nang bigla siyang sumingit sa usapan ng dalawa dahilan para matahimik ang lahat. Dahan-dahan kong ibinaling ang tingin kay Ashley para tingnan ang reaksyon niya sa nasabi ni Farra. Natahimik kaming lahat. Ashley’s corner eyes crinkled when she turned around and faced Farra, standing between me and Shina. Na tila ba ay hindi niya nagustuhan ang tinuran nito. Nagkatinginan kami ni Shina at nagtalo gamit ang mga mata. Pinanlakihan ko siya ng mata at binibigyan ng senyales na putulin ang katahimikan na kaagad naman niyang ginawa. “Naiihi na ako, bilisan na natin, baka mag-start na din ang klase,” sambit ni Shina na kaagad hinila si Farra papalayo sa amin at nauna nang pumasok sa loob ng banyo. Lately, Farra and Ashley wasn’t in a good term. Hindi alam nila Asher at Shina ang tungkol sa naging away ng dalawa. Ang alam lang nila ay nagkaroon ng tampuhan, ngunit ako, alam ko kung ano. Noong nakaraang linggo, narinig ko silang nag-aaway sa may corridor sa building ng library patungkol sa pag-amin ni Ashley na mahal niya pa ang ex-boyfriend. Farra and Ashley had a connection to Hans. Si Farra, pinsan ni Hans habang si Ashley ay ex naman ni Hans. Simula’t sapul, against si Farra sa relasyon ng dalawa, kahit na pinsan niya pa si Hans. Farra didn’t want Ashley to be hurt because of Hans. Hans known in our squad as a “puro lang salita at magaling lang sa una”, kahit si Farra ay sumasang-ayon rito. When Hans transfers to our school, sinabihan na kami ni Farra na ‘wag magpapadala sa mga salita nito incase na i-approach kami. Everyone agreed and promised to Farra until one unexpected day, Ashley confessed to us that she and Hans are in a relationship. Farra got mad but still accepted Ashley’s decision. But later on, they broke up. It’s been a week since that happened and now Ashley told her that he still loves Hans, which made Farra get mad the second time around. “Mauna na ako sa room, hindi ako magsi-CR,” sambit ni Ashley nang mawala na sa paningin namin sina Farra at Shina. Bago pa kami makasagot, tinalikuran na niya kami at naglakad pabalik sa classroom. Hinayaan na lamang namin siya at sumunod papasok sa banyo. Nang makarating kami roon, si Shina lang ang nadatnan namin. “Oh? Nasaan ‘yung isa?” tanong ni Asher. “Malay ko do’n, paglabas ko wala na e.” Napailing na lamang ako at pumasok sa isang cubicle. We took a couple of minutes inside the comfort room before we went back to classroom. Pagdating namin, hinahanda na ng mga kaklase namin ang mga gamit ni Ma’am na gagamitin para sa presentation niya ngayong araw. I was about to sit when my phone vibrated. Mabilis ko itong kinapa sa bulsa ng palda ko saka naupo. From: Ate Lara We’ll have dinner tonight. If you want to come, go to Ate Liza’s restaurant at 7pm. I’ll wait for you there. Ilang minuto ko pang tinitigan ang mensahe mula kay Ate Lara bago nag-sink in sa akin ang sinabi niya. Napakunot ang noo ko. Kailan pa siya nandito? Hindi ko alam ang tungkol dito. “Hoy, andito na si Ma’am!” pabulong na sigaw sa akin ni Shina kaya naman napabalik ako sa wisyo. Kaagad kung inibalik ang cellphone sa bulsa ko bago pa ito makuha ni Ma’am. Bumalik din sina Asher at Shina sa kanya-kanya nilang mga upuan. Si Shina at Ashley ay napapagitnaan ako, habang si Asher ay nasa harap naming tatlo at katabi si Farra. Pagkatapos ng klase ni Ma’am, dalawang subject pa bago ang uwian. “Goodbye, Ma’am!” Paglabas ni Ma’am, kaagad kung inilabas ang phone ko at tinignan muli ang text ni Ate Lara. Nagdadalawang isip kung pupunta ba ako o hindi. “Isa, vacant ngayon ‘di ba?” rinig kong tanong ni Asher. Iniangat ko ang paningin ko at nilingon siya. “Oo, hanggang uwian.” “Yes!” pumalakpak si Asher. “Thank you!” pagpapasalamat nito saka humarap kay Shina. “Shina, tara canteen!” Isinara ni Shina ang notebook niya bago dismayadong nilingon si Asher. “Naglilibot si Chief during class hour, ayokong mapunta sa guidance ‘no!” “Aish! Nagugutom ako, nakakainis naman!” pagrereklamo ni Asher. “Anong klaseng tiyan ang meron ka, Asher? Kakain lang natin ng lunch ah,” singit naman ni Ashley dahilan para bigyan siya ng masamang tingin ni Asher. “Anong gusto mong sabihin ha?!” “Ang takaw-takaw mo!” “Hindi ako matakaw!” “Matakaw!” Ibinaba ko ang phone ko at sumandal sa upuan ko habang pinapanood sila na tuluyang mag-away dahil sa tiyan ni Asher. Sa aming magkakaibigan si Asher ang pinaka matakaw pero kahit na ganoon ay hindi pa rin siya tumataba, lahi na nila yata iyon. “Stop shouting at her, Ashley.” Napatigil sila nang marinig nila ang malamig na boses ni Hiroshi. Dahan-dahan at sabay-sabay kaming napalingon sa gilid kung saan siya nakatayo habang seryoso ang tingin kay Ashley na tila ay kakainin ito ng buhay. Parang may kung anong dumaang hangin na nagpabigat ng paligid na pati ako ay walang masabi. “Stop shouting at her, I'm warning you,” he threatened. Ashley was about to stand when I held her hand to stop her. Kung hindi ko ito pipigilan, paniguradong magkaka-record na naman ang section namin sa guidance. Bumalik sa pagkakaupo si Ashley at tinignan lang si Hiroshi. As Hiroshi turned and face Asher, he smiled. Ang ngiting si Asher lang ang nagiging dahilan. Kung kanina ay mukha siyang leong handa nang manakmal, ngayon ay tilang maamong tuta. He handed a chocolate bar to Asher. “Here. Eat this, so you won’t feel hungry.” Kasunod ng paggalaw ng kamay ni Asher para kunin ang ibinigay ni Hiroshi, kasabay noon ang mga mata naming nakasunod sa bawat galaw na gagawin nilang dalawa. “Thank you, Hiroshi.” After Asher took it, Hiroshi left and went back to his proper seat that was located in the last row. Napailing-iling ako. “Lakas talaga ng lahi nyo Farra,” sambit ko kaya naman nilinggo ako ni Farra. Farra looked at Hiroshi and smirked. Hiroshi was Farra’s cousin too. Halos kalahati yata ng mga Anderson nila ay nag-aaral dito. Ang iba ay seniors na at ang iba naman ay nasa elementary pa. Farra’s family is known as a business man/woman, doctors, lawyers, architects, and actors/actresses. Iba’t-ibang mga passion sa buhay ang tini-take ng mga kasapi ng buong pamilya ng mga Anderson. “I won’t wonder if Asher fell for that guy,” she whispered. *** “Babye, Isa! Keep safe!” sigaw ni Shina nang makalabas kami ng gate ng campus, kumakaway pa ito. I smiled at her and waved back. Tanging kami na lamang ni Shina ang magkasama palabas ng campus dahil ang tatlo ay sinundo ng kani-kanilang mga love of their life. Si Asher ay kasama ang manliligaw na si Hiroshi. Sabi niya, may dinner raw na gaganapin mamayang gabi ang family ni Hiroshi at gusto ng pamilya na makilala ang mga nililigawan ng mga lalaking kasapi ng pamilya. Si Ashley naman, sumabay pauwi sa bestfriend niya habang si Farra naman ay sasabay sana sa dalawa nang dumating ang ex-boyfriend at sinundo ito kaya kami ni Shina, na tahimik ang buhay at walang lovelife, nauna na dahil hindi maganda ang banta ng kulay ng langit. Dapat ngayong biyernes ay gagala kami. Every Friday naman ay lumalabas kami, kung hindi sa bahay ng mga Anderson, sa bahay naman nila Shina. Nakakalayo na ako sa campus nang maramdaman ko ang pagpatak ng mga ulan sa daan. Tumingala ako at tinignan ang maitim na ulap na handa nang bumagsak anumang oras. Napapapikit ako ng mayroong butil ng tubig na tumama sa mukha ko. Napabuntong hininga ako ng maalalang wala akong dalang payong. Sunod-sunod na ang pagbagsak ng ulan kaya naman pinili ko nang tumakbo. Walking distance lang ang campus sa bahay namin kaya ilang metro lang ang tatakbuhin ko. Pagdating ko sa tapat ng bahay nakasalubong ko si Momma na natigilan ng makita ako. “Oh, andito ka na pala. Hindi mo man lang ako hinintay roon, nabasa ka tuloy. Halika ka nga rito,” bungad niya sa akin. Hiningal akong lumapit at sumilong sa tapat ng bahay kung saan naroon siya. “Hay naku kang bata ka, bakit hindi ka kasi nagdadala ng payong? Binilhan na kita noong nakaraan, hindi ba?” tanong niya at inayos ang buhok kong nabasa at napunta na sa unahan, papunta sa likod ng tenga ko. “Nakalimutan ko po kaninang umaga,” sagot ko. Tumango-tango ito at mayroong pag-aalala sa mukha. “Sige na sige na, tara na at pumasok, nang makabihis ka na.” *** “Momma, nag-text sa akin si Ate Lara kanina,” pagkukwento ko sa kanya paglabas ko. Kasalukuyang akong nagpupunas ng buhok gamit ang tuwalya habang si Momma ay naghahanda ng pagkain sa mesa at may suot-suot na apron. Sinuot ko ang tsinelas na nasa labas ng pintuan ng banyo bago lumapit sa mesa. Pinulupot ko ang tuwalya sa buhok ko saka naupo para kumain. Natigilan siya sa sinabi ko. Inilapag niya ang mainit na sopas sa gitna ng mesa, pagkatapos nun, nakakunot ang mga noo niyang nilingon ako. “Nasa Pilipinas na si Lara? Kailan lang?” Nagkibit-balikat ako bilang sagot. “Hindi ko rin alam,” sagot ko at nagsandok ng sopas. Pagkatapos naming kumain, tinulungan ko si Momma na maghugas ng pinagkainan namin bago ako umakyat ng kwarto. Hindi ganoon kalakihan ang apartment na inuupahan namin ni Momma. Nasa ikalawang palapag ang maliit na kwarto habang nasa baba naman ang banyo, kusina at sala. Sakto lamang sa dalawang tao. Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama. I stared at the ceiling for almost a couple hours. At natigil lang ‘yon nang kumatok si Momma sa pintuan na ikinagulantang ko. “Magbihis ka na at mag aalas-syete na,” mautowridad na utos niya. Kahit man tinatamad na bumangon, tumayo pa rin ako at nagbihis. I just wore some light blue sweater and a black jogger paired by white shoes. Nilugay ko lang rin ang tuwid at lagpas balikat kong buhok. I also put some light make up and spray some of my favorite perfume that Kuya Luis brought it. Kinuha ko ang shoulder bag at nilagay roon ang wallet, napkin, panyo, pabango, susi at cellphone ko. Bago ako bumaba at lumabas ng kwarto, pinagmasdan ko muna ang sarili ko sa salamin. Nung bumaba ako, nagpaalam na ako kay Momma na aalis na. “Mag-ingat ka,” nakangiti nitong bilin. Tumango ako sabay nginitian siya. Kumaway pa ito nang makalabas na ako ng tuluyan sa gate kaya kumaway din ako bago itinuon ang pansin sa daan. Pag-ikot ko ng kabilang street kung saan nakatayo ang restaurant ni Ate Liza napatigil ako nang mayroong bumusina sa akin. Kaagad ko itong nilingon na may pagtataka sa aking mukha. Napalingon ako sa may backseat nang bumukas ang bintana nito at bumungad sa akin si Ate Lara. “Aish, why didn’t you wait for me there?” she asked. Humarap ako sakanya habang ang kamay ko ay nakahawak sa strap ng shoulder bag ko. “You said, you’ll wait me at the restaurant.” She rolled her eyes. “Okay, whatever. Get in.” Hindi na ako sumagot nang pagbuksan na ako ng driver. Wala na akong choice kung hindi ang sumakay. When I get in, the driver immediately starts the engine. “Kailan ka lang dumating?” tanong ko sabay nilingon siya. Ngumiti siya na tila ba ay inaasahan na niyang itatanong ko ito. “Are you upset?” she asked back. “Nagtatanong ako tapos sasagutin mo din ako ng tanong? Hanep.” She burst into laughter as if what I said was so hilarious. Wala namang nakakatawa. Iniwas ko ang tingin sa kanya at tumingin na lang sa labas ng bintana. “Well, what happen is-” “Wait, nalagpasan na natin ang resto ni Ate Liza,” bulyas ko nang mapansin nadaanan namin ang resto kung saan kami kakain. “Oh, I forgot. Daddy wants to talk to me today. Is that okay to you na puntahan muna natin siya?” Tumango ako bilang pagsang-ayon at tumahimik hanggang sa huminto kami sa tapat ng isang malaking kompanya. “I’ll wait for you here,” sambit ko. “Hindi ka papasok sa loob? Is that okay to you?” Tumango ako. “Are you sure? Okay lang sa’yo?” she worriedly asked Liningon ko siya. “Bakit naman hindi magiging okay?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD