“Kasing ganda mo ang langit,” rinig kong sabi niya kaya naman automatikong nabaling ang tingin ko sa kanya na kasalukuyang nakatingin sa akin na mayroon pang malawak na ngiti. I chuckles. Inirapan ko siya. “You’re complementing me too much,” I commented. “Baka lumaki na niyan ang ulo ko.” “You deserve it,” he replied. Mahina akong natawa. “Paano ko namang deserve 'yon?” Inirapan ko ulit siya sabay na binalik ang tingin sa unahan. Pinagdikit ko ang mga tuhod ko saka 'yon yinakap nang makaramdam ng lamig dahil sa malamig na hangin dito. “You’re beautiful, inside and out,” sagot niya na ms lalong kinalawak ng ngiti ko. “Should I say thank you for that?” muli kong tanong, nanatiling nasa unahan ang tingin. “You don’t need to say it, alam ko namang thankful ka so you’re welcome.”

