“Is this my girlfriend, right?” tila hindi makapaniwalang tanong ni Kuya Jojy sa amin, naniniguradong pagmamay-ari niya ang magandang babaeng nasa harap niya. Kaagad kaming natawa dahil doon bago tumango bilang sagot. Nang masagot namin ang kaniyang katanungan, binalik niya ang tingin niya kay Ate Shane kaya naman napagdesisyunan na lamang namin ni Keon na lumayo ng kaunti. We let them have their time for each other. Tinuruan na lamang ako ni Keon na lumangoy na hindi ko makuha-kuha ang binibigay niyang instructions hanggang sa ilang oras ang makalipas. Fast learner naman ako kapag nasa school ako pero bakit pagdating sa ganito, ang hirap kong matuto. Nang hindi na namin namalayang nakababad na pala kami roon ng ilang oras, tinawag na kami ni Ate Shane upang oras na para umahon at kuma

