Dahil sa sinabi ng dalawa, sabay kaming napakuha ng basong may laman ng tubig ni Keon. Nilagok at inubos ang tubig na naroroon ay nilapag sa harap ko ng wala ng laman dahilan para matawa si Ate Shane at Kuya Jojy. “By the way, we have something to say,” pag-iiba ni Ate Shane nang usapan kaya naman napalingon kaming dalawa ni Keon sa kanilang dalawa. Umayos ako ng upo habang ang mata ay nasa kanila. Hinawakan ni Kuya Jojy ang kamay ni Ate Shane na nakapatong sa gilid ng upuan niya. Namilog pa ang mata kong sinundan ang galaw ng kamay ni Kuya Jojy na ngayon ay mahigpit nang nakahawak kay Ate Shane. Dahan-dahan kong inangat ang nagtatakang tingin ko hanggang sa makita ang mga mukha nilang kapwa mayroong malawak na ngiti habang magkadikit ang parehong palad. “Me and Shane...” Kuya Jojy

