After we bought some valentines presents, we went to the parking lot like Ate Lara said earlier. Nandoon na rin sila pagdating namin. “Binili mo ba ang buong mall? You're taking too long,” bungad niya nang makapasok kami ni Ate Abbie sa sasakyan habang si Kuya Thwer at inaayos ang mga pinamili ko sa likod ng sasakyan. Bago pa ako makasagot, bumalik na sa loob si Kuya Thwer kaya naman nagsalitang muli si Ate Lara. “Let's go,” utos niya. Kaagad naman itong sinunod ni Kuya Thwer, inistart nito ang makina bago pinaharurot patungong condo. Nang makarating kami roon, doon na pinag-late lunch ni Ate Lara ang dalawa since ilang oras na lang ay magtutungo na kami sa Pinos. Pinag-order ni Ate Lara si Ate Abbie kaya naman mabilis lang iyong order na dumating sa condo since ang resto na pinagord

