“Thank you,” sambit ko kina Ate Lara at Kuya Thwer at kaagad na sinara ang pinto ng kotse nang ibinaba na nila ako rito sa unahan ng huling street kung saan malapit lang sa school ko. Hindi na kasi pwedeng dumeritso hanggang sa harapan ng school dahil may inaayos na daan kaya naman dito na lang sa unahan ng pang-sampung street, katabi ng kalye kung saan nakatayo ang resto ni Ate Liza, sa pang-siyam na kalye. The last street or the 10’th street was belong to Brunsin University, ang school ko. Halos lahat ng mga shops na nakahilera sa kalyeng ‘to ay sakop ng BU. Dito sa may binabaan ko, mayroon kaagad tindahan ng school supplies, katabi nito ang computer shop at sunod-sunod na ang mga bookstores at isang convenience store. At syempre ang sa dulo ay ang BU. Malayo-layo pa ang lalakarin ko

