“Who’s that?” usisa ko kay Shina nang bitawan niya ako noong makaikot na kami sa street namin, sa 8th street. Hindi niya ako sinagot. Sumilip siya sa kabilang kalye at tinanaw ang lalaki kung naroon pa ba o pumasok na. At nang masiguradong nakapasok na ang lalaki, nagpakawala siya ng buntong hininga. "Sino 'yon, Shi? 'Di mo raw sinasagot dm's niya. Famous ka girl?" pang-aasar ko rito kaya naman sinamaan niya ako ng tingin. "Kasama ko lang 'yon sa banda!" tugon niya, halatang naiirita na, na ikinatawa ko. "Eh ba't 'di mo sinasagot ang dm's kung kabanda lang naman pala? May crush 'yon sa 'yo, 'no?" pangungulit ko. She rolled her eyes at me. "Ugh! Shut up, Isa! I'm going, keep safe," sambit niya at inirapan akong muli bago ako tinalikuran at naglakad patungo sa kabilang street kung

