Saglit na natahimik ang paligid pagkatapos niyang itanong 'yon out of nowhere. Ganoon pa rin ang pwesto namin. Nanatili kaming magkatabi at nagtititigan na tila hinahayaang malunod ang mga sarili sa isa't isa. Ang kaninang sira kong mukha ay napalitan ng isang ukit ng ngiti sa labi. Napangiti rin siya noong makitang umukit sa aking labi ang matatamis na ngiti sa labi ko dahil sa sinabi niya. Tila muling nabuhayan siya. Mas lalo kong pinalalim ang titigang na mayroon kami. Nakatingin pa rin ako sa mga mata niya at hindi pa rin naaalis ang ngiti na tila ba'y ako na ang pinakamasayang babaeng nabubuhay ngayon sa mundo dahil sa sinabi ng lalaking gustong-gusto ko noon. I just stared at him for a little longer before I raised my middle finger and gave him a death glare that made him smirk

