Subo-subo ko ang mamon sa bibig ko nang sabihin iyon ni Andrei dahilan para lingunin ko siya. Masyadong malakas ang boses niya kaya naman pati ang kabilang table ay nabaling ang tingin sa kanya, nagtataka. Napatigil siya at napalingon sa paligid niya bago ako nilingon ulit na nasa bibig pa rin ang mamon. “Tsk. Nevermind.” Nahihiya siyang tumayo at nagmamadaling lumabas ng canteen, tinatakbuhan ang mga matang nakatingin sa kanya. ‘Anong problema nun?’ tanong ko sa isip ko. Para siyang batang naubos na ang pasensya dahil hindi kinakausap ng kasama niya. Kahit kailan talaga ay palagi siyang umaaktong bata. Napailing-iling na lamang ako at binalik na lang ang atensyon sa pagkain. Kinagat ko ang mamon at nginiya-nguya ito. Pagkatapos kong kumain, saglit akong nagpaalam sa mga kasama kon

