Hindi na ako nagulat sa narinig ngunit nanigas ako mula sa pwesto ko. I know that Ate Lara and Kuya Luis are my step-siblings and not my cousins. And all this time I know that Momma was lying to me. Alam kong nagsisinungaling siya sa akin ngunit hindi nga lang niya alam na alam ko. All this years, hindi niya alam na alam ko ang kaunting bagay na hindi niya nagawang sabihin sa akin kahit na karapatan ko pa ‘yon. But secrets don't remain secrets. Nalaman ko ang bagay na 'yon noong makita ko ang isang bagay sa kwarto ni Momma, taon ang nakalipas. Hanggang ngayon, tandang-tanda at malinaw pa rin sa aking isipan ang senaryong nangyari noong nakita ko ang kontratang pirmado ni Momma at ng daddy ni Ate Lara, si Tito Jester. Yes, he's my biological father. Nakasulat doon ang mga dokumentong

