Jm POV Ilang araw na sa kanya ang lop top ng Papa niya mula nang mabanggit ito ng Papa niya. Pero hindu niya ito mabuksan dahil may password ito. Mula ng mabanggit ng Papa niya ang lop top nito ay hindi na ulit ito nagising kaya naman hirap siyang buksan ito. Gusto niya itong ipabuksan sa computer shop kaso inaalala niya na baka malaman ng Ninong niya. Kaya naman nagpasya na lang siyang itago ito. Sana lang ay gumising na muli ang Papa niya. Hanggang ngayon ay hindi pa alam ng Ninong niya kung saang hospital naroon ang Papa niya kaya palihim na lang silang umaalis ng Mama niya. Alam rin ng mga kapatid niya kung san ang Papa nila. At minsan ay nagsasalitan sila ng kambal niya para bisitahin ang Papa nila. Maliban sa kapatid nilang babae . Sa tagal ng Papa nila sa hospital ay hindi p

