Chapter 1
Jasmine POV
Napabalikwas siya sa pagkakaidlip sa pagyugyog sa kanya ng kasama niya sa trabaho na si Ericka. Kasalukuyan pa lang siyang nasa kalagitnaan ng kanyang lunch break. Dahil may isang oras naman siyang break at iniidlip niya ang mga natitirang minuto sa break niya pagkatapos kumain.
"May naghahanap sayo" sabi ni Ericka nang magmulat siya ng kanyang mga mata.
Napakunot siya ng noo. Sa ilang taon kasi niya sa trabaho ay ngayon lang may naghanap sa kanya.
Lumaki kasi siya na walang malalapit na kaibigan. Kahit nung nag aaral pa siya ay hindi siya nakikihalubilo masyado sa maraming tao. Ngayon ngayon lang siya nagkakaroon ng kaibigan mula nang magkatrabaho siya.
"Sino raw?" tanong niya rito at kibit balikat lang tanging isinagot nito.
Nag inat muna siya bago nagtungo kung saan naroon ang taong naghahanap sa kanya. Nasa labas ito kung saan siya nagtratrabaho. At dahil salamin lang ang pader nito ay nakita na niya agad yung taong naghahanap sa kanya. Nakatalikod ito at naka t-shirt at short lang ang suot nito. Sa tanya ay nasa 50's na ito. Mukang mayaman ito. Kumunot ang noo niya sa kadahilanang hindi niya ito kilala.
Nang makalapit siya rito ay agad niya itong tinanong kung sino ito. "Sino po sila?" maalumanay na tanong niya rito.
Humarap ang lalaki. "Ikaw ba si Jasmine?" balik tanong nito sa kanya.
"Opo. Ako nga po." may halong pagtata sa loob niya. Bakit siya kilala nito? Samantalang hindi naman niya ito kilala.
"Ako pala si Robert Jimenez." pagpapakilala nito sabay lahad ng kamay nito. Nakipagkamay naman siya. "Tatay mo ba si Wilfredo Solidad?"
"Opo. Bakit po?"
"Nasa hospital kasi siya." nagulat siya sa sinabi nito. "Nabangga ko kasi siya kanina."
Construction worker lang ang Tatay niya at bibihira ito magkaroon ng trabaho. Dahil may edad na rin ito. Sinabihan na niya ito na wag na magtrabaho mula nang magkatrabaho siya pero mapilit ito at paminsan minsan lang naman daw siya magkatrabaho kaya pinayagan na rin niya ito sa gusto nito.
Hindi man kalakihan ang sinasahod niya bilang isang barista pero sumasapat na rin para sa pang araw araw nila at napagpapaaral rin niya ang kapatid niya.
"Kamusta po siya?" tanong niya rito.
"Okay naman siya. Hinihintay na lang yung findings sa kanya. Iniwan ko na siya sa hospital para puntahan ka. Tinanong ko kasi kung may number siya sa pamilya niya para matawagan ko at maipaalam yung nangyare pero wala raw siyang cellphone. Kaya tinanong ko na lang kung saan may malapit siyang kamag anak. At ikaw nga yung tinuro niya. Since malapit lang naman kaya pinuntahan na kita." mahabang pagpapaliwanag nito.
"Malubha po ba yung lagay niya?" tanong niya rito.
"Okay naman na siya. Nag alala lang kasi ako sa Tatay mo. Baka kasi may hindi pa okay sa pagkakabangga ko sa kanya kaya minabuti ko nang dalhin siya sa hospital. Tsaka wala ka ng babayaran sa hospital."
"Salamat po." sagot niya sabay ngiti rito.
Nginitian rin siya nito. "Aalis na rin ako. Sabi pala niya wag ka na mag undertime, hihintayin ka na lang daw niya sa hospital."
"Maraming salamat po." pagkasabi niya ay nagpatiuna na rin itong umalis. Isang magandang sasakyan ang pagmamay ari nito.
Dahil ilang oras na lang din ang duty niya ay di na siya nag undertime tulad ng sabi ng lalake kanina.
Dahil isang hospital lang naman ang meron sila sa bayan nila ay agad na siyang nagtungo roon. Iisang hospital lang ito pero malaking hospital ito. Meron itong anim na palapag. Maluwang din ito at magagaling din ang mga doktor nito. Maasikaso pa ang mga nurse. Sa pinakababa ay para sa mga taong kapus sa buhay. At yung limang palapag ay para sa may kaya naman sa buhay.
Pagkarating niya sa hospital ay agad siyang nagtanong sa nurse station kung saang kwarto ang Tatay niya. Laking gulat niya nang sabihin ng nurse na nasa pangalawang palapag ang Tatay niya. Naalala niya ang sinabi ng lalake kanina na bayad na ang lahat.
"Tay, kamusta po kayo?" agad na tanong niya sa Tatay niya nang makarating siya sa kwarto nito. "May masakit pa ba sa inyo?" nag aalalang tanong niya sa Tatay niya.
"Ayos lang ako, Anak." sambit naman nito. "Wag ka ng mag alala."
"Sinabi ko na kasing wag na kayo magtrabaho. Kaya pa naman at di pa naman tayo kinakapos."
"Kaya ko pa naman, Anak."
"Tingnan niyo ang nangyare sa inyo?"
"Wala naman nangyareng masama sakin."
"Simula ngayon, Tay, hindi ko na kayo pinapayagang magtrbaho." pagalit na sabi niya rito.
"Oo na. Titigil na ako. Wag mo na lang mabanggit sa Nanay mo ang nangyare."
"Tingin niyo di niya malalaman?" tanong niya rito. "Sa dami ng kakilala ni Nanay ay malamang bukas malalaman din niya."
Hindi sikat ang Nanay niya pero marami ang nakakakilala rito sa lugar nila. Higit na mas kilala ang Nanay niya kesa sa Tatay niya.
Umayos nang pagkakaupo ang Tatay niya sa kama saka hinawakan ang kamay niya at may inabot itong maliit na sobre.
"Huling sahod ko na yan, Anak." saad nito. "Nagpaalam na ako kanina sa boss ko. Idagdag mo na yan sa pang baon ng kapatid mo."
Bumuntong hininga muna siya saka naupo sa tabi nito. "Tay, sa inyo na yan." nakangiting sabi niya rito. "May natitira pa naman ako dito tsaka magsasahod na rin ako sa susunod na araw. Ang mabuti pa ayain mo na lang si Nanay. Mamasyal na lang kayo kasi alam ko matagal niyo nang di nagagawa yun."
Mula nang magkaisip siya ay di na nakapamasyal ang mga magulang niya na silang dalawa lang. Palaging silang magkapatid lang ang pinapasyal ng mga ito.
"Tay, totoo po ba yung sinabi nung lalake sakin kanina?" pag iiba niya sa usapan. "Ang sabi kasi niya nabangga niya raw kayo? Eh, wala naman kayong galos?"
Ngumiti ito bago sumagot. "Boss ko yun, Anak." sagot nito. "Nagmagandang loob siya nung bigla akong mahilo habang nagtratrabaho." Puno ng pagtataka sa mata niya sa sinabi nito.
Kung boss niya ito bakit iba ang sinabi nito sa kaniya?
"Bakit iba yung sinabi niya sakin, Tay? Tsaka binayaran niya yung bill niyo tapos binigay pa sahod niyo?"
"Basta ang sabi ko sa kanya wag niya sabihin sayo na nahilo ako. Baka yun yung naisip niya."
Habang palabas sila ng hospital ay hindi pa rin niya maiwasang mapaisip. Sobrang bait naman ng boss ng Tatay niya para tulungan ito.
Nang makauwi na sila sa bahay ay agad na sinalubong ng Nanay niya ang Tatay niya. Marahil ay alam na nito ang nangyare sa kanyang ama.
"Hay, sa wakas at umuwi ka rin." sabi ng Nanay niya. "Kanina pa ako nag aalala sayo. Ano bang nangyare at ngayon ka lang?" Nag aalalang tanong nito sa Tatay niya.
Nagkatinginan sila ng Tatay niya. Ang buong akala niya ay alam na nito ang nangyare. "Hinintay ko lang kasi yung sahod ko, Mahal." pagsisinungaling nito.
"Eh, bakit sabay kayong dalawa na nakauwi?" tanong muli ng Nanay niya.
"Nagkasabay po kasi kami sa may sakayan, Nay, kaya sabay po kami." pagsisinungaling din niya.
Mabuti na lang at hindi pa nakakarating sa Nanay niya ang tungkol sa nangyare sa Tatay niya. Kung hindi ay magdamag nanaman silang makakarinig ng kung ano ano sa Nanay niya.
Mabunganga lang ang Nanay niya pero hindi naman ito nananakit. Isang araw lang ay okay na ulit ito. Ayaw lang nito na nagsisinungaling sila. Pero dahil sa nangyare sa Tatay niya ay nagawa nilang dalawa ang maglihim.
"Ate, may kailangan akong bilhin para sa project namin next week." sabat ng kapatid niya. Mabuti na lang at sumabat ang kapatid niya. Hindi na mapapahaba pa ang pagtatanong ng Nanay niya.
4th year college na ang kapatid niya kaya lahat ng hilingin nito ay binibigay niya basta para sa pag aaral nito. Ayaw niyang hindi ito makapagtapos. Dahil huminto siya sa pag aaral para lang makapagtapos ito dahil hindi na kaya ng mga magulang nila na pag aralin silang dalawa.
"Bukas ko na lang ibigay, ha." nakangiting sabi niya rito.
"Thank you, ate." tuwang tuwang sambit nito.
"Jr, siguraduhin mo lang na hindi sayang ang paghihirap namin sayo." sabi ng Tatay niya sa kapatid niya. " Lalo na yang Ate mo. Huminto yan para lang sayo."
"Tay, pangako po hinding hindi ko sasayangin lahat ng sakripisyo ninyo." sagot naman ng kapatid niya. "Hintayin niyo isang araw isasabit niyo yung pangalan ko dyan sa labas ng bahay ATTORNEY WILFREDO SOLIDAD JR." sabi nito habang kinakampay ang mga kamay nito sa ere.
"Siguraduhin mo dahil hindi na ako magtratrabaho." sabi ng Tatay niya.
Natigilan ang mga ito sa sinabi ng Tatay niya. "Totoo ba yan, Mahal?" hindi makapaniwalang tanong ng Nanay niya sa Tatay niya.
"Oo mahal. Kaya nga hinintay ko pa ang sahod ko kasi huling araw ko na sa trabaho kanina." pagsisinungaling ulit ng Tatay niya.
"At ikaw rin ang susunod na mag aaral ulit, Jasmine." sabat ng Nanay niya.
"Hindi na ho kailangan, Nay." sagot niya. "Matanda na ho ako."
"At bakit hindi?" tanong ng Tatay niya.
"May trabaho na ho ako,Tay."
"Mag aaral ka ulit" sabi ng Nanay niya.
"Sige ho, pag iisipan ko ho." sabi niya para hindi na mangulit ang mga ito.
Mula nang magkatrabaho siya ay nawala na sa isip niya na mag aral muli. Mataas man ang pangarap niya ay mas minabuti na niyang ipagpaubaya na lang sa kapatid niya ang mga pangarap niya.
Kaya naman ginagawa niya ang lahat ng makakaya niya para lang hindi ito tumigil sa pag aaral. Kahit maraming nagsasabi na nalipasan na siya ng panahon dahil sa pagka abala niya sa trabaho.
Maging ang mga Magulang nila ay nag aalala na rin kung makakapag asawa pa ba siya. Dahil kahit isa ay wala pa siyang pinapakilala sa mga ito. Pero kahit papaano ay proud pa rin siya na no boyfriend since birth siya.
Dahil maaga pa naman ay nagprisinta na siya na siya na muna ang magluluto ng kanilang hapunan.
Pagkatapos niyang magbihis ay agad niyang tinungo ang kanilang kusina. Maliit lang ito pero dahil sa Tatay niya ay nagawan nito ng paraan para magmukhang maluwang ito.
Inihanda muna niya lahat ng mga gagamitin niya sa pagluluto bago siya nag umpisang magluto.
Nang matapos siyang magluto ay tinawag na niya ang mgaito para makakain na sila ng hapunan.
"Ang sarap ng luto mo, Ate." sambit ng kapatid niya.
"May kailanganka kase kaya pinupuri mo ang luto ko." pabirong sabi niya rito.
"Hindi ako nagbibiro, Ate. Pang restaurant ang luto mo."
"Sus." bulas niya. "Kumain ka n lang dyan at baka magbago pa isip ko, hindi ko maibigay ang kailangan mo."
"Ate, naman." pagmamaktol nito.
Nagtawanan ang mga magulang nila dahil sa usapan nila ng kapatid niya.
"Pasensya ka na, Anak, kasi napahinto ka sa ag aaral dahil samin." malungkot nq sabi ng Tatay niya.
"Tay, kung hindi ako huminto, eh, baka hindi makakapqgtapos si Jr." sabi niya.
"Ano?" tanong ng kapatid niya.
"Oh, bakit? Pag hindi ako huminto, eh, baka ikaw ang huminto. Kaya umayos ka. Pag ikaw talaga hindi nakapagtapos. Kakalbuhin talaga kita." pagbibiro niya.
"Hindi mo ako makakalbo, Ate, kasi magtatapos ako." sabi nito. "Pag ako nakaagtapos, Ate, bilhan mo qko ng bagong cellphone, ah." kumikindat na sabi nito.
"Mukha mo." sabi niya. "Ako nga hindi makabili ng bagong cellphone tapos bibilhan pa kita?"
"Syempre regalo mo na yun sakin."
"Hihirit pa ang loko." busal niya.
Muling nagtawanan ang mga magulang nila dahil sa mga usapan nilang magkapatid.
Huminto man siya sa pag aaral ay wala siyang pinagsisisihan. Dahil kapalit naman nito ay ang katuparan ng mga pangarap ng kanyang kapatid.
Hindi man niya alam kung ano ang pangarap ng kapatid niya ay sigurado siya na para sa kanila ang binubuo nitong pangarap.
Nang matapos silang maghapunan ay agad siyang nagtungo sa kanyang silid para magpahinga.
Pagkapasok niya ay humiga siya sa kama niya.
Habang nakahiga siya ay sumagi sa isip niya na sa wakas ay may magmamartsa na rin sa pamilya nila. At may isasabit na rin na diploma ang mga magulang niya sa pader ng bahay nila.