Chapter 2

1622 Words
Jm POV "Sige na, Tol, pumayag ka na." pamimilit ng kambal niya sa kaniya. Gusto kasi nito na magpanggap siya bilang kambal niya dahil may date daw ito at ang girlfriend nito. Kaya pinapakiusapan siya nito. Ilang beses na nila itong ginawa nung nag aaral pa sila at wala naman nakakapansin dahil para silang pinagbiyak na bunga. Ang tanging palatandaan nila ay ang mga ugali nila. sobrang energetic ang kambal niya samantalang siya ay may pagkatahimik at laging nasa sulok lang. "Hindi nga pwede." sabi niya rito. "Anong alam ko sa pagdodoktor? Mamaya may nagpacheck up hindi ko naman alam anong gagawin ko." dagdag niya. Kahit kambal sila ay magkaiba sila ng trabaho. Doktor ang kinuha ng kambal niya samantalang siya ay mas pinili niya maging chef. Hindi lang dahil sa may sarili silang restaurant kaya yun ang pinili niya kundi dahil sa tahimik lang ang pagluluto. "Ngayon lang, Tol, promise di na mauulit." pamimilit nito. Nginisian niya ito. "Hindi" singhal niya. "May date pala kayo sana sinabay mo na sa day off para di ka nagkaproblema." dagdag niya. Pareho silang nakaday off kaya nasa bahay lang sila pareho. "Ano nanaman yan?" masungit na tanong ng isa pa nilang kapatid na babae na si Princess. Menopause baby ang isang kapatid niya. labinlimang taon ang agwat nila rito. At kahit labinlimang taon pa lang ito ay kung magsalita ay parang ito pa ang nakakatanda sa kanila. At kahit masungit ito ay mahal na mahal niya ito dahil may mabuting puso rin ito. At malapit ito s kanya kesa sa kambal niya "Ito kasing kuya mo nangungulit. Gusto pumunta sa mars." patawa niyang sabi na ikinanuot noo naman ng kambal niya. "Haysssst!" singhal naman ng kambal niya sabay talikod sa kanila. "San ka pala pupunta? At parang bihis na bihis ka?" tanong niya sa isang kapatid niya nang makalayo ang kambal niya sa kanila. "Wala namang pasok ngayon, ah." "Kuya, pupunta ako sa bahay ng classmates ko." sagot nito. "May project kasi kaming kailangan tapusin." "Papuntahim mo na lang sila dito. Ipagluluto ko kayo." sabi niya na ikinangiti naman nito. Gustong gusto nito ang mga niluluto niya kaya pag naririnig nito na ipagluluto niya ito ay parang nanlalambot ang puso nito at napapasunod na lang ito sa lahat ng sinasabi niya. Agad naman nitong tinawagan ang mga kaklase nito para papuntahin ang mga ito sa bahay nila. Nang matawagan nito ang mga kaklase nito ay agad na rin siyang nagtungo sa kusina para ihanda ang mga kailangan niya sa pagluluto. Mahilig sa fries ang kapatid niya kaya ito ang una niyang niluto. Dinagdagan din niya ito ng sandwich at nachos. Meron din siyang nilutong egg omelette. Pagkatapos niya magluto ay sakto naman na dumating ang mga kaklase ng kapatid niya. Sinabi niya na sa terrace na lang sila gumawa ng theses ng mga ito. Medyo maluwang ang mesa doon kaya don niya ito pinapunta. Patanghali na pero hindi mainit sa terrace nila dahil sa naglalakihang puno ng mangga na nasa bakuran nila kaya hindi ramdam ang init. Nang maihanda niya ang mga pagkain ay dinala na niya ito sa terrace at inayos iyon sa gilid ng mesa. Pagkatapos ay nagpasya na siyang magtungo na sa kanyang kwarto. Akmang aakyat na sana siya sa pangalawang palapag ng kanilang bahay dahil nandon ang kanyang kwarto nang biglang tumunog ang kanyang cellphone na nasa bulsa ng maong pants na suot niya at agad naman niya itong sinagot. "Hello!" bati niya sa kabilang linya. "Sir, may problema po tayo." bungad ni Jeff sa kabilang linya. Isa sa mga staff ng restaurant nila. "Anong nangyare?" tanong niya rito. "Umalis po si Angel." sagot nito. "Ha? Bakit daw?" maalumanay na tanong niya rito. "Nagkaemergency po sa probinsiya po nila, Sir. Hindi na raw po niya maharap magpaalam kaya ako na po inutusan nila na tumawag." paliwanag nito. "Kaya pa naman dyan, diba?" sabi niya habang hinihilot ang sintido niya. "Opo, Sir." "Sige tatawagan ko siya. Update niyo ako pag kailangan niyo ako dyan, okay?" "Opo, Sir." Kahit isa lamang siyang chef sa restaurant nila ay siya ang inatasan ng Papa niya para humawak sa mga staff nila. Ang gusto ng Papa niya ay siya na ang magpatakbo sa mga negosyo nila pero ayaw niya kaya sa kanya na lang ipinagkatiwala ang paghawak sa mga tao ng restaurant nila. Ayaw rin naman ng kambal niya. Pagkapatay ng linya ay agad niyang tinawagan si Angel para alamin kung hanggang kailan siya mawawala o kung babalik pa ba siya. Nang matawagan niya si Angel ay may halong lungkot na gumuhit sa kanyang mukha dahil sa sinabi nitong hindi nito alam kung makakabalik pa siya kaagad dahil inatake sa puso ang Tatay nito. Napaqbuntong hininga siya bago siya nagtungo sa kanyang kwarto. Nang makapasok siya ay agad siyang umupo sa may gilid ng kanyang kama para mag isip kung ano ang kanyang gagawin. Dahil sa pagkawala ng isa sa empleyado nila ay kailangan niya humanap ng kapalit nito kaya hinagilap niya agad ang kanyang loptop para magpost sa mismong page ng restaurant niya na hiring sila para mas mabilis siyang makahanap. Siya mismo ang gumawa ng page nila. Para mas mabilis niyang mapromote ang mga bagong putahe sa kanilang restaurant. Nang makapagpost siya online ay naisipan niyang maglaro muna sa loptop niya gaya ng lagi niyang ginagawa kapag wala siyang magawa. At dahil maaga pa naman ay may oras pa siya. Hanggang sa di niya namamalayan ang oras at napasarap siya sa paglalaro. Bigla siyang napahinto nang may kumatok sa pinto ng kwarto niya. "Anak, kakain na tayo." sigaw ng Mama niya sa likod ng pinto. "12 na pala." sambit niya habang nakatingin sa suot niyang relo. "Lalabas na po, Ma." sigaw niya rito. Pagkapatay niya sa loptop niya ay agad na siyang lumabas. Pagkarating niya sa kusina ay nadatnan niya ang Mama niya at ang kapatid niyang si Princess. Wala ang kambal niya at ang Papa niya. "Nasan si Papa, Ma?" tanong niya sa Mama niya nang makaupo siya. "Nagpunta ang Ninong Manuel mo dito kanina sinundo siya." sagot nito. "Magpapatayo raw sila ng branch sa Cavite kaya titingnan daw nila yung lupa na binibenta malapait sa bayan don." dagdag ito. Ang Papa niya at ang Ninong Manuel niya ay makasosyo sa negosyo. Magkapatid ang mga ito. Ang mga ito rin ang namamahala sa restaurant nila at sa iba pang mga negosyo ng mga ito. "Si Mj, Ma?" "Umalis. Di ko alam kung saan nagpunta. Basta ang paalam niya lalabas raw sila ng girlfriend niya." "Mabuti naman at naisipan niya yung sinabi ko kanina." sigaw ng isip niya. "Ikaw naman." baling niya sa kapatid niyang babae. "Tapos na ba yung ginagawa niyo?" tanong niya rito. "Hindi pa, Kuya, pero konti na lang." sagot nito. "Pinauwi ko na rin mga classmates ko, Kuya." "Mabuti naman kung ganon." "Thank you sa snacks kanina, Kuya." pasasalamat nito sa kanya. "Basta para sayo." sabi niya sabay pisil sa pisngi nito. Natawa siya sa reaction nito. Pinakaiinisan kasi nito ang mapisil sa pisngi. Nang matapos sila kumain ay nagtungo siya sa terrace para magpababa ng kinain. Dahil hindi ramdam ang init sa terrace nila ay medyo malamig ang sumisimoy na hangin. Naupo siya sa isang upuan doon at sumandal. Napatingala siya ng bahagya. Lumaki ang mata niya nang may makita siyang bunga ng mangga. Napangiti siya. Sa tagal ng panahon ay ngayon lang niya ito nakitang namunga. Kaya agad siyang naghanap ng pwedeng gawing panungkit. Wala siyang makita sa may gawi niya kaya nagtungo siya sa likdo ng kanilang bahay. Nang makarating siya sa likod ay nadatnan niya ang kanilang kasambahay na si Ate Susan na nagsasampay ng mga nalabhang damit. "Oh, Sir, anong ginagawa niyo rito?" tanong nito sa kanya. "Naghahanap po ako ng panungkit." sagot niya rito. "May nakita kasi akong bunga ng manga sa harap." "May ginawa si Berto sa may gilid, Sir." Sabi nito na ng tinutukoy ang ang kanilang Family driver na asawa rin nito. "Nakita rin kasi niya na may bunga yung mangga sa harap kaya gumawa siya para pag may gusto raw manungkit ay may gagamitin." Nginitian niya ito. "Thank you po, Ate Susan." pasasalamat niya rito. Agad naman niyang kinuha yung panungkit. Nang makita at makuha na niya ang ginawang panungkit ni Kuta Berto ay bumalik na siya sa harap at sinungkit na nga niya ang ilang bunga ng mangga. Dahit sa excitement ay agad na niya itong binalatan. Inalok niya sa Mama niya at kapatid niya ang manga. "Ma, Princess, gusto ng mangga?" tanong niya sa mga ito. "San mo nakuha yan?" balik tanong naman ng Mama niya. "Sa harap, Ma, sinungkit ko." sabi niya. "Kayo na muna ang kumain at medyo masakit ang tyan ko." "Ikaw, Princess?" tanong niya sa kapatid niya. "Ayoko, Kuya. Sayo na lang yan." sabi nito. Dahil ayaw ng mga ito kaya nagpasya na lang siyang siya na lang mag isa ang kakain nun. May pagkamaasim at may pagkamatamis ang mangga kaya naubos niya lahat ng binalatan niya. Dahil sa kabusugan ay bigla siyang nakaramdam ng antok. Kaya nagpasya na siyang pumasok para matulog muna sa kanyang kwarto. Hihiga na sana siya sa kama niya nang makita niya na andon pa pala ang kanyang loptop sa ibabaw ng kanyang kama. Kaya hindi muna siya humiga. Binuksan muna niya ito at kinalikot. Sinubukan niyang tingnan kung may mga nakabasa na ba o kung may nagpasa na ba ng resume sa post niya sa page ng restaurant nila pero napanguso siya nang makita niyang wala pa kahit isa. Ilang sandali pa ay humiga na siya para umidlip muna. Mabilis lang siyang makatulog hindi tulad ng iba na inaabot ng ilang oras bago makatulog. Kaya ilang minuto pa lang nang pumikit siya ay kaagad din siyang nakatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD