Jasmine POV
At dahil day off niya ngayong araw ay hindi siya maaga gumising. At hindi rin naman siya ginising ng kanyang mga magulang.
Pagkagising niya ay agad siyang nagtungo sa banyo para maghilamos at pagkatapos ay nagpunta na siya sa kusina para magtimpla ng kape.
Mahilig siyang magkape lalo na sa umaga. At bago siya pumasok ay sinasabay niya ang kape sa kanyang agahan. Hindi na ata mawawala sa buhay niya ang pagkakape.
Nang nasa kusina na siya ay nakita niya ang kanyang Nanay na naghahanda ng kanilang kakainin sa tanghalian. Dahil linggo ngayon ay ang buong akala niya ay nasa simbahan ang mga ito ngayon. Simula nang magkatrabaho siya ay bihira na lang siya makapagsimba.
"Hindi kayo nagsimba,Nay?" tanong niya rito habang nagtitimpla ng kape. Sa ganitong oras ay nasa simbahan pa lang ang mga ito.
"Tinanghali kami gumising ng Tatay mo." sagot nito. "Kahit ang kapatid mo, eh, hindi rin gumising ng maaga."
"Saan po sila, Nay?" muli niyang tanong rito habang palinga linga.
"Nandon sa likod. At nagtatanim pa ata." sabi nito. "May napadaan kasing natitinda ng mga patubong talong at kamatis kanina kaya yun bumili ang Tatay mo."
Napatingiti siya sa sinabi ng kanyang Nanay.
"Himala at naisipan ni Tatay magtanin, Nay?" natatawang tanong niya rito.
"Sabi ko nga sa kanya kanina, eh, wala tayong pagtataniman. Eh gagawan daw niya ng paraan. Sinama pa ang kapatid mo." natatawa ring saad ng Nanay niya.
Hindi mahilig magtanim ang Tatay niya kaya naman nagpasya siyang puntahan ang mga ito pagkatapos niya magkape.
Nasa pinto pa lang siya ay nakita na niya nga itong nagtatanim. Inilibot niya ang tingin sa kabuuan ng likod ng kanilang bahay. Nilinisan nga ng mga ito ang iyon dahil nagmukhang maluwang ang likod ng bahay nila.
Mukhang masaya ang dalawa sa pagtatanim. Kaya nman naaliw siya sa panunood sa mga ito kaya minabuti muna niyang wag muna lumapit sa mga ito.
Ngayon lang niya ulit nakita ang dalawa na ganon kasaya. Huling beses na nakita niya ang mga ito na masaya ay nung araw ng 18th birthday niya.
Hindi siya naghanda ng magarbo nung debut niya dahil hindi naman nila kayang gumastos ng malaki. Hindi man magarbo ang naging selebrasyon niya na yun pero masayang masaya naman siya nung araw na yun.
Nagulat siya nang yakapin siya ng Nanay niya sa likoran niya. "Ang saya nila panoorin no!" nakangiting saad ng Nanay niya.
Ngumiti rin siya. "Matagal ko na rin silang di nakikitang ganyan, Nay." sabi niya.
"Sana palagi na silang ganyan." saad ng Nanay niya.
"Oo nga po, Nay."
"Magluluto muna ako." paalam ng Nanay niya saka bumalik na ito sa kusina.
"Sige po, Nay, puntahan ko lang po sila." Pagkasabi niya ay lumapit na siya sa mga ito. At napalingon naman ang mga ito sa gawi niya
"Pwede ba akong tumulong?" tanong niya sa mga ito.
"Mamamatay lang yung halaman, Ate." pabiro ni Jr.
Ngimisi siya. "For your information, mas magaling ako magtanim sayo." sabi niya kahit hindi naman talaga marunong magnanim.
Nagtatanim naman siya nung nag aaral pa lang siya pero namamatay. Kaya naman sinabihan siya na magdidilig na daw siya kesa mag tanim. Kaya mula nun hindi na niya sinubukan na magtanim.
"Talaga lang, ha." sabi nito sabay abot sa kanya ang maliit na pala.
Alam ng Tatay niya na hindi siya nakakapagpabuhay pero hinayaan lang siya nito na magtanim. Kaya naman sinubukan niyang itanim ang natitirang patubo na kamatis.
Ilang sandali pa ay pumasok na rin sila sa loob. Dahil nakapagluto na rin ang Nanay niya ay kumain na rin sila pagkatapos magpalit ang Tatay niya at ang kapatid niya.
Habang kumakain sila ay tudo kwento ang mga ito kung ano ang ginagawa nila habang nagtatanim.
"Si Tatay muntik na niyang mapala yung paa ko kanina." sabi ng kapatid niya.
"Pano ba naman kasi, eh, lapit na lapit ka sakin." natatawang sabi naman ng Tatay niya.
"Nagbubunot po ako ng damo, Tay."
"Ang luwang sa kaliwang banda mo dumikit ka pa kasi." sabi nito na tumatawa pa rin.
Napapatawa na lang ako sa mga kwento ng mga ito. Hanggang sa matapos sila kumain ay tuloy pa rin ang tawanan nila.
Nang matapos nga silang kumain ay nagpasya siya na siya na lang maghugas ng pinagkainan nila. Ata hinayaan na lang niya ang mga magulang niya na manood sa tv sa munting sala namin. Habang ang kapatid ko ay nakaupo pa rin sa may mesa namin at pinapanood ako.
"Ate." mahinang tawag nito sakin. "Salamat." anito na ikinalingon niya. Naalala niyang di pa pala niya naibibigay ang hinihingi nitong pera kahapon.
"Mamaya na lang yung pera, Jr." sabi niya at tinuloy na ang kanyang ginagawa.
Lumapit ito sakin. "Promise, Ate, pag nakagraduate na ako babawi ako sa mga ginawa niyo sakin para makapagtapos." seryoso ang mukha nito pero kita mo ang saya sa mga mata nito.
Humarap siya dito. "Makita ko lang kayo na nasa maayos okay na ako don." sabi niya. "Kila Tatay at Nanay ka na lang bumawi. Pasayahin natin sila. Kasi hindi habang panahon magkakasama pa tayo.
Tumango ito na nakangiti at iniwan na siya nito. Nang makaalis ito sa tabi niya ay nagpatuloy na siya sa paghuhugas. Nang matapos siya ay nagpunta agad siya sa kwarto niya para kunin ang perang hinihingi ng kapatid niya.
Dahil wala ang kapatid niya sa sala ay nagtungo siya sa kwarto nito. Nang makapasok siya sa kwarto ng kapatid niya ay namangha siya sa mga nakita niya. Dahil sa tagal na rin na hindi niya ito napapasok ay talaga namang namangha siya. May mga nakadikit doon na mga papel at may mga drawing.
Namuo ang mga luha sa gilid ng mga mata niya habang iniisa isa lahat ng drawing. Lahat kasi ay drawing nito na magkakasama sila. Ang lahat ng iyon ay pangarap ng kapatid niya.
"Para sa inyo lahat yan, Ate." sabi ng kapatid niya na nakatitig sa kanya. "Nagpupursige ako, Ate, para kila Tatay at Nanay. Hindi ko kayo bibiguin, Ate. At tutuparin ko lahat ng yan para sa inyo." naiiyak na saad niyo.
Niyakap niya ito. Hindi niya akalain na ganon na pala kataas ang mga pangarap nito para sa pamilya nila. Wala naman kasi itong nababanggit sa kanya kung ano ang mga plano nito.
"Alam na ba nila Nanay at Tatay ang tungkol sa mga yan?" tanong niya rito na ang tinutukoy ay ang mga drawing nito.
"Sa tingin ko oo, Ate." sagot nito. "Hindi ko alam kung pumapasok sila dito sa kwarto ko pag wala ako. Pero kahit naman malaman nila, wala naman problema, Ate, kasi para sa inyo namn lahat yan."
Bahagya niyang ginulo ang buhok nito. "Oh, yan na yung pera." sabi niya sabay abot ng pera rito na agad naman nitong tinanggap.
Ilang sandali pa ay lumabas na siya sa kwarto nito. Nadatnan niya pa rin sa sala ang mga magulang nila na masayang nanonood ng tv kaya nagpasya na lang siyang lumabas ng bahay nila.
May maliit na upuan malapit sa may pintuan nila kaya don siya pumyesto. maliit lang ang espasyo ng bakuran nila sa harap at mas mluwang pa ang espasyo sa likuran ng bahay nila.
Nang makaupo siya ay inilabas niya ang kanyang cellphone. Luma na ito pero maayos pa rin tingnan. Ito ang regalo niya sa sarili niya nung unang beses siyang sumahod. Mura pa ito noon.
Napahinto siya nang may makita siyang hiring sa isang page na nilike niya nung naghahanap pa lang siya ng trabaho. Nag apply siya rito noon pero hindi siya pinalad na makapasok. Isa itong sikat na restaurant sa kabilang bayan nila.
"Sayang naman." sigaw ng isip niya. "Kung kailan may trabaho na ako saka pa kita nakita ulit." Ito lang kasi ang alam niyang kompanya na hindi mataas ang standard sa empleyado.
Bumuntong hininga siya saka sumandal sa pader. Napapaisip siya kung mag aapply ba siya o hindi. Hindi naman maitatanggi na mas malaki ang sasahurin niya rito pero may trabaho na siya pero wala rin naman masama kung susubukan niya.
Napailing siya dahil sa iniisip niya. "Ano ba yan, Jasmine?" tanong niya sa sarili niya.
"May gumugulo ba sa isipan mo, Anak?" sa gulat niya ay nabitawan niya ang kanyang cellphone.
"Wala po, Nay." pagsisinungaling niya.
Umupo ito sa tabi niya. "Alam ko kung ano nangyare sa Tatay mo kahapon." lumaki ang mga mata niya sa sinabi nito. "Pero alam ko na ayaw ipaalam ng Tatay mo sakin ang nangyare."
"Sorry po, Nay, nagsinungaling kami ni Tatay." paghingi niya rito ng paumanhin.
Hinaplos nito ang likod niya. "Ayos lang, Anak. Ang mahalaga ay okay kayong dalawa."
"Hindi na po mauulit. Pangako po, Nay." sabi niya saka niya niyakap ito.
"Malapit ng grumaduate ang kapatid mo. Matutupad na rin niya ang mga pangarap niya."
"Oo nga po, eh."
"Sana pag nawala kami makita man lang namin na nasa magandang buhay na kayong dalawa." napakunot noo siya sa sinabi nito.
"Para naman kayong nagpapaalam, Nay.' sabi niya
"Matanda na kami ng Tatay mo. At hindi magtatagal ay mawawala na rin kami dito sa mundo."
"Pero matagal pa yun, Nay. Magkakapamilya pa kami ni Jr at magkakaapo pa kayo kaya dapat kayo ang mag aalaga sa magiging anak namin."
"Ikaw?" natatawang tanong nito. "Hindi ko nga alam kung may balak ka pang mag asawa." sabi nito sabay tawa.
"Nay, naman." pagmamaktol niya.
Sa edad ba naman kasi niyang thirty ay wala pa siyang asawa ni boyfriend ay wala pa. Kaya siguro ganon na lang ang iniisip ng kanyang mga magulang na hindi na siya mag aasawa pa.
Pangarap pa rin niya magkaroon ng sariling pamilya pero sa ngayon ay hindi pa yun ang priority niya kundi ang mga .agulang at kapatid niya.