Chapter 4

1654 Words
Jm POV Kasalukuyan na siyang nagluluto sa kanilang restaurant nang lapitan siya ni Gwen. Isa sa mga kahera niya. May dala dala itong papel. "Sir, may nagpasa po ng resume." sabi nito. "Okay!" sabi niya na hindi man lang niya ito nililingon. Meron kasi siyang tinatapos na putahe. "Just put it on my office. Tatapusin ko lang to." dagdag niya. Kahit hindi siya ang namamahala ng restaurant nila ay meron siyang sariling opisina. Pero bihira siya pumasok doon dahil isa siyang chef at kailangan siya ng mga staff niya. Isa pa hindi naman talaga siya ang namamahala rito. "I'm done!" sabi niya na nakangiti. Meron kasi siyang iniembento na putahe kaya ayaw niya magpaistorbo at alam ng lahat staff niya yun kaya hindi siya kinukulit. Hindi lang siya ang taga luto pero siya kasi ang head sa lahat ng chef kaya dapat meron at meron siyang panibagong putahe. Nang matapos siya sa niluluto niya ay agad niyang nilagyan ang mga platito para sa mga staff niya. tig iisa ang mga ito para lasap na lasap nila ang bagong putahe niya. "It's my special canton." sabi niya nang maihain niya na ito. Napataas ang kilay niya nang makita niyang ubos na ubos ang inihain niya. "Anong lasa?" tanong niya sa mga ito. "Ang sarap, Sir!" sabay sabay na sabi ng mga ito. "Sigurado ako sir magiging best seller natin to." sabi ni Jeff. Isa rin itong chef pero nagpalipat ito sa dining. "Oo, Sir." sabi naman ni Michelle. Isa rin sa mga dining niya. Ngumiti siya sa mga ito. "Then, by next week, isasama na natin yan sa menu. Hopefully magustuhan nila Mama at Papa." sabi niya. Lahat kasi ng bagong putahe niya ay nakasalalay pa rin sa mga magulang niya bago ito isama sa menu ng restaurant nila. "Okay, guys, back to work. Check ko lang yung resume sa office." paalam niya sa mga ito. Kahit iwan naman niya ang mga ito ay kampante siya dahil may tiwala naman siya sa mga ito. At na train naman niya ng maayos kaya nakakapagday off din siya. Pagkapasok niya sa office niya ay agad niyang nakita ang resume na pinasa kanina lang. Nasa ibabaw ito ng maliit niyang mesa. Binasa niya ng mabuti ang nilalaman nun. Pero hindi tulad ng ibang kompanya na matataas ang standard na hinahanap nila. Ang hinahanap niya ay yung may kakayahan na gampanan ang responsibilidad sa trabaho. Wala rin siyang pakialam kung college graduate man ito o high school lang. At kahit pa elementary ito basta kaya niya ang trabaho. Pag kasi ang Papa niya ang tumingin sa resume ng mga aplikante ay puro college graduate ang kinukuha nito. Kesyo mas may alam raw ang mga ito. Para sa kanya wala sa edukasyon iyon kundi sa kakayahan ng tao. May mga kilala siya na nakapagtapos nga ng kolehiyo pero wala pang trabaho. May mga kompanya rin na hindi naghahanap ng may degree. Sa katunayan may tatlo siyang staff na elementary graduate lang. Si Michelle na dining, si Robert na isa rin sa dining niya na dating dish washer at si Marco na ngayon ay bago niyang dish washer. Meron din siyang dalawang high school graduate lang na si Jeff na isang chef pero mas pinili maging dining sa ngayon dahil nagsawa na raw magluto. At si Jane na chef tulad niya. Nang mabasa na niya ang resume ay agad niyang tinawagan ang number na nakalagay rito. Ilang sigundo lang ay may sumagot na sa tawag niya. "Hello! Can i speak with Bryan Hedalgo?" bungad niya sa kabilang linya nang sagutin nito ang tawag niya. "Ako po yun. Sino po sila?" balik tanong nito sa kabilang linya. "This is from JUANCHO'S." sabi niya na ang tinutukoy ay ang kanilang restaurant. Ang restaurant nila ay galing pa sa Lolo niya na ipinangalan sa Papa niya. "Interesado ka pa ba?" tanong niya rito. "Yes po,Sir." bakas sa boses nito ang tuwa. "Pwede ba kitang imbitahan bukas?" "Opo, Sir." "Okay. Punta ka rito bukas. And please wear a white polo or polo shirt then black pants. For orientation. 10 o'clock in the morning." "Thank you po, Sir" pasasalamat nito. Pagkatapos ay pinatay na niya ang linya. Pagtapos niyang tawagan ang aplikante ay nagpasya na siyang bumalik sa kusina. Malapit na siya sa pintuan ng kusina ay napalingon siya sa isang babae sa may sulok. Sumingkit ang mata niya para kilalanin ang babae. Nanlaki ang mata niya nang matukoy niya na ang kapatid niyang babae ito. Agad niya itong nilapitan. "Sweetie." sambit niya nang malapitan niya ito. Ito ang tawag niya rito at siya lang din ang nagtatawag sa kanya ng ganon at gustong gusto naman nito. "Anong nangyare?" tanong niya rito nang makita niya na naluluha ito. Niyakap siya nito. "Kuya, tinutukso nanaman nila ako." sabi nito na napaiyak na. Nasa grade 6 pa ito pero kung titingnan ay mukha na itong nasa high school dahil matangkad ito. Matured na rin ito mag isip. Yun nga lang ang kahinaan nito ang tuksuhin ito ng mga kaklase nito. Masungit ang kapatid niya pero may pagkaiyakin pa rin ito. Lalo na pag tinutukso siya ng mga kaklase niya. Hindi dahil pinagtatawanan siya kundi dahil meron silang nirereto rito. Pero ayaw ng kapatid niya kaya patuloy pa rin itong tinutukso. Dahil mabilis lang din naman ito napaiyak. Sa tuwing tinutukso siya ay nagka-cutting classes ito at pinupuntahan siya. Dahil bata pa ito ay hindi niya ito pinapayagan na magbyahe mag isa kaya naman lagi niyang pinaghihintay si Kuya Berto sa eskwelahan nito para hintayin na ito hanggang uwian. Hindi naman madalas at bibihira lang naman siya magpunta sa restaurant nila. "I'll call your teacher first." sabi niya rito sabay labas nang kanyang cellphone. Alam na ng teacher nito pag tumatawag siya. At sinasabihan naman nito ang mga kaklase nito kaya pansamantala nanaman nilang hindi tutuksuhin ang kapatid niya. "Okay, Sweetie, lets go inside." sabi niya. Agad naman itong sumama sa kanya sa loob. Sinulyapan niya si Kuya Berto na nasa loob ng sasakyan ng pamilya niya. Nginitian naman siya nito. Sa tuwing pupunta ang kapatid niya sa restaurant nila ay pinapauwi na niya si Kuya Berto. Dahil malapit lang naman ang bahay nila rito kaya naman pinapasundo na lang niya ito pag gusto ng umuwi ang kapatid niya. Dahil ilang beses na rin siya nitong pinupuntahan kaya naman sinabihan niya ang mga staff niya na pag naroon ang kapatid niya ay wag ililingat ang kanilang paningin sa kapatid niya. May isang staff siya na pinatutuunan ng pansin ang kapatid niya para bantayan. At pag andon nga ang kapatid niya at kahit marami silang gagawin ay meron at merong tao para tingnan ang kinaroroonan ng kapatid niya. Dinala niya ito sa office niya. "Dito ka muna, okay?" sabi niya rito. "Just go inside the kitchen if you're hingry." pagkasabi niya ay iniwan na niya ito. Kahit ito ay hindi mapakali sa loob ng office niya. Mas gusto nito na nasa labas siya kaya ang mga staff niya ay sinasabihan niya. At alam na ng mga ito ang gagawin pag andon ang kapatid niya. Nang makabalik siya sa kusina ay agad siyang tumulong sa pagluluto dahil may mga pending na. Medyo marami na ang tao dahil peak hours na rin. Malapit lang kasi sila sa dalawang eskwelahan ng kolehiyo kaya pag peak hours na ay halos estudyante na ang kumakain sa kanila. Makalipas ang ilang sandali ay pumasok ang kapatid niya sa kusina. "Kuya, i'm hungry na." bungad nito. Kahit marami silang pending ay sinisingit pa rin niyang ilutuan ang kapatid niya at tinutulungan din naman siya ng ibang staff niya sa kusina kaya naman hindi naging sagabal iyon para hindi masira ang pending orders nila. "Thank you, Guys." pasasalamat niya sa mga ito nang matapos na ang pagkain ng kapatid niya. "Ako na ang magbibigay nito sa kapatid ko." pagkasabi niya ay lumabas na siya ng kusina. Nakita niya ang kapatid niya sa labas ng office niya. Meron kasi itong maliit na garden doon. At meron ding aquarium na sakto lang din ang laki. Pinalagay niya iyon nang bigyan siya ng sariling opisina. Para naman ganahan siya dahil mas narerelax siya pag may nakikita siyang halaman. Pwede rin itong puntahan ng ibang costumer dahil meron itong isang mesa at dalawang upuan. Kaya inaya na niya itong pumasok sa loob. At dahil ayaw niyang naiistorbo ito sa pagkain kaya lagi niya itong sinasabihan na sa office na lang ito kumain pag nagpupunta ito sa restaurant nila. Paglabas niya ng office ay tinawagan na niya si Kuya Berto para sunduin ang kapatid niya. Isang oras pagkatapos niyang tumawag rito. Nasa bungad na siya ng pintuan ng kusina nang mapalingon siya sa paligid. Halos ukupado lahat ng mesa kaya napangiti siya dahil kahit papaano ay hindi pa rin sila nawawalan ng costumer. At dahil meron pa silang pangalwang palapag ay pwede pa pumiyesto ang ibang costumer doon kung sakali na wala ng bakanteng mesa sa baba. Bago siya pumasok sa kusina ay lumapit muna siya sa isang kahera niya dahil malapit lang naman ito sa pintuan ng kusina. "Sabihan mo na sila na maglunch na yung isa para makakain na rin yung iba." bulong niya kay Angela na isa sa mga kahera. Tanging tango lang ang sagod nito dahil may costumer ito at naiintindihan naman niya ito. Dahil tatlo naman ang kahera niya kaya okay lang na maglunch ang isa at salitan na pagbalik ng isa. Pagkasabi niya ay pumasok na siya sa kusina. At ang mga ito naman ang sinabihan niya na isa isa nang kumain para hindi magulo ang mga pendings na order nila. Dahil malapit na silang magsara ay iilan na lang ang kumakain sa kanila. At pinauwi na niya yung ibang staff niya. At dahil hindi naman sila 24 hours na open kaya merong opening at closing. Para hindi naman sila gaanong pagod. Siya lang ang halos maghapon na nagluluto. Magbubukas sila ng 8am hanggang 10pm ng gabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD