Jasmine POV Naabalikwas siya nang marinig niya ang katok mula sa pintuan ng kwarto niya. Ilang araw nanaman ang lumilipas at hindi nanaman nagpaparamdam si Jm sa kanya. Hindi na rin ito pumapasok sa isip niya sa mga nagdaang araw. "Jasmine, wala ka bang pasok?" tanong ng Nanay niya na nasa labas ng kwarto niya. Napatingin siya sa orasan ng cellphone niya. "Naku po. Malalate na ako." bulong niya habang nagmamadaling tinungo ang pintuan ng kwarto niya. "Bakit di niyo ako ginising kanina, Nay." sabi niya pagkabukas niya ng pinto. "Kanina pa kita kinakatok." sagot ng Nanay niya. Napamaang siya sa sinabi ng Nanay niya. Kasalanan pala niya kung bakit late siya nagising. "Pasensya na po, Nay." pagkasabi niya ay iniwan na siya nito. Sumunod naman siya sa Nanay niya patungo sa kusina. H

