Jasmine POV "Bakit dito ka sa labas naghihintay?" tanong ni Jm sa kanya nang makababa ito sa sasakyan nito. Nagpasya kasi siya na sa labas na lang niya ito hintayin. Hindi naman mainit sa kinaroroonan niya dahil may puno na nakaharang sa araw sa kinatatayuan niya. Kampante na siya sa panliligaw ni Jm sa kanya dahil alam na ng mga magulang niya at walang problema ang mga ito kay Jm. "Wala naman na akong kasama sa bahay kaua dito na lang kita hinintay." sagot niya. Umalis ang Nanay niya para mamalengke dahil darating ang kapatid niya mamaya. Ang Tatay naman niya ay tinawag ng kumpare nito para magpatulong magluto at kaarawan ng inaanak nito ngayon. "Kahit na. Dapat sa loob ka na lang naghintay. Pano kung may nangyare sayo rito." sabi nito. Napatulala siya sa mga sinabi nito. Hindi

