Chapter 17 "Iniisip mo pa rin iyong kanina?" tanong ni Jacques nang makasakay na kami sa kotse niya. Ako ang nasa tabi niya, si Josue naman ay nasa likuran, naglalaro sa ipad na iniregalo sa kanya ng binatang kasama namin. "Ang alin?" pagpapatay-malisya ko. Ngumiti siya at hinuli ang kamay kong nasa hita ko. He wrapped his fingers around mine while shifting into second gear. "'Yong kalmahan mo lang, baka mahulog ka na sa'kin," pang-aasar niya. Tumawa pa siya ng mahina at pinisil ng marahan ang kamay kong hawak niya. "Pinaalala mo pa talaga. Nakalimutan ko na nga." Sumimangot ako at umirap sa kanya kahit sa daan ang pokus ng tingin niya. "Totoo ang nararamdaman ko sa 'yo, Alyn. My emotions have recently burst in place. Parang gusto na nga kitang iuwi sa bahay at huwag nang pabalik

