Chapter 18 "Puwede na siyang maging videographer," puri ni Jacques nang panoorin namin ang video na kinuhanan ni Josue kanina. Kapwa kami napapangiti dahil pati ang paghalik ni Jacques sa akin ay na-videohan din niya pati ang mga maningning na bituin na nakalinya sa kalangitan. "I had a good time with you." I told him. "Me, too," he replied. Magpapaalam na sana siya ngunit pinigilan siya ni Josue dahil pundido raw ang ilaw sa kaniyang kuwarto. "Ako na," sabi ko ngunit naunahan na ako ni Jacques. He went into the kitchen to find a chair. Ako naman ay kumuha ng spare bulb sa kabinet na nasa sala. "Kaya ko naman magpalit. Ako nga ang gumagawa ng mga sira dito sa bahay," pakikipagtalo ko pa. He chuckled amusedly. "You really know how to make someone believe that you can do everything

