" Robert may balita naba sa paghahanap mo.? Kailangan na natin makita ang kapatid mo, gusto ko na siyang mayakap, ni hindi ko man lang siya nakita habang pinagbubutis ng kanyang ina." madamdaming pahayag ni Don Floresto Alfonso Reyes " Daddy hinaluhog ko na ang lugar nila sa dati nilang tinirhan sa Novaliches. Ang sabi ng mga nakatira doon, lumipat na daw sila ng tirahan, dahil nasama ang lugar ng dati nyong kinakasama sa relocation nang gobyerno. Ang balita ko may pabahay sa Bulacan malapit sa Angat daw doon daw sila naisama sa binigyan ng pabahay ng gobyerno." paliwanag ni Robert sa ama. " Eh! ano pang hinihintay mo, ang tumuwid na ang paa ko, hindi ko pa nakikita ang kapatid mo, paganahin mo ang lahat nang koneksyon na meron tayo, kong kinakailangan dagdagan mo ang mga kinuha mung ta

