Chapter 1 - Ezra's Love-
High School Graduation at Ismael Mathay Sr. High. School
Batch 2006.
“Ezra! Ezra, bruha ka tulala ka na naman. Ano ba yang iniisip mo?” Sabi ng kaibigan kong si Lorraine, kaibigang matalik, sanggang dikit sa lahat ng bagay at marami kaming mga bagay na pinag-kakasunduan.
“Huh! Wala naman, naiisip ko lang ilang araw nalang graduation na natin. Ito na un Bruh, sa wakas gagraduate na tayo sa panibagong journey ng buhay natin. Mamimiss kita, Bruh, buti kapa makakapag-aral kana sa gusto mong pasukan dahil bumalik na ang papa mo. Ako kaya, kelan ko makikilala ang papa ko?"
“Anyare sa’yo masyado ka yatang seryoso at madrama? Akala mo naman saan ako pupunta.Hoy! babae sa probinsya lang ako pupunta makadrama ka wagas, pwede naman tayo magkita every bakasyon, wag ka ng malungkot. Pwede naman tayo mag video call.” Wika ko.
“Iniisip mo pa din ba ang tatay mo?”
“Siyempre naman,lagi ko sya iniisip.Kung buhay pa ba sya, kamusta na siya. Ang dami kong gustong sabihin sa kanya ’pag ngkita kami. Hello! Tay, ako ito si Esang malaki na.Kilala n’yo po ba Ako?
Walang araw, oras na lagi kong hinihiling na makita ka,Hindi po ako galit sa inyo kasi sabi ni lola–si lolo daw ang dahilan kung bakit di ko kayo nakilala dahil pinagbantaan kayo.”
Kring! Kring !Nagbell na pala saka ko lang namalayan na umiiyak na pala ako habang kausap ang kaibigan ko.Tuwing naiisip ko ang tatay ko lagi nalang ganito. Yung pakiramdam ko na feeling ko lagi akong kulang.
Niyakap ako ng aking kaibigan para palakasin ang loob ko .
“Hayaan mo,darating din yong tamang panahon para magkita kayo nang tatay mo,Bruh.Sa ngayon ,relax ka lang.” Ani ng kaibigan ko.
“Tara na nga at ma-kakain tayo.Libre na kita para mawala yang iniisip mo.”
Papunta sina Ezra at Lorraine sa canteen.Naka salubong nila ang ka-klase nila at manliligaw ni Lorraine.
“Hi Raine, lalo kang gumaganda araw-araw sa paningin ko.”
“Alam mo, Anthony kanina maganda yung araw ko kaso nakita kita,sumama bigla yong pakiramdam ko.”
“Grabe ka naman sakin, Raine. Ganyan ba lagi tingin mo sakin pampasama ng pakiramdam mo. Malinis naman 'yong intensyon ko sa’yo, kilalanin mo muna ako bago mo ’ko pag-salitaan ng ganyan.” Natigilan din si Raine sa kanyang sinabi.Mukhang napasobra yata yong pang-aasar nya kay Anthony.Lingid sa kaalaman ng binata matagal ng may pagtingin sakanya ang dalaga.Lagi lang talaga nya itong iniinis para matago ang totoo niyang damdamin sapagkat alam ni Raine na walang patutunguhan ang relasyon nila dahil pagkatapos ng graduation ay aalis na sya.
“Ehem ,Ehem, parang ang init grabe.Masarap kumain ng icecream. Anthony, wag mo pinagpapansin ’yang si Raine .Ang totoo niyan matagal ng may gusto sa’yo ’yan.Tinatago niya lang,nag-papakipot,iniisip niya kasi aalis na siya after graduation at baka walang patutunguhan ang relasyon nyo kung sakaling sagutin ka nya.”
Lumiwanag bigla ang mukha ni Anthony.
“Talaga, Ezra, willing naman akong maghintay kong sasagutin niya ako.Saka mag-kikita naman kami every vacation or pwede ko siyang dalawin.”
“Tama na yan.Libre mo na kami, Anthony. Sige bibigyan kita ng chance na manligaw pero sana maging maayos tayo kahit malayo sa isat isa,”
“Oo Raine,Pangako.” Masayang sabi ni Anthony.
Masaya si Ezra kung ano man ang nangyayari sa kanyang kaibigan,nangangarap din sya magkaroon ng boyfriend pero sa ngayon ay wala pa sa isip nya,dahil naniniwala sya sa kasabihan na kusa mong mararamdaman kapag dinapuan kana nito.
Maaga palang ay gumayak na si Ezra. Araw ng kanyang Graduation, lingid sa kaalaman ng kanyang Lola Gloria eto ang sopresa niya dito.Gagraduate siya with honors.Alam niyang magiging masaya ang kanyang Lola sa nakuha niyang karangalan.
“Lola, gising na po graduation ko ngayon.”
Napabalikwas ng bangon c Lola Gloria at masayang ngumiti sa kanyang apo.
“Esang apo,napakaganda mo naman apo.Hindi kapa nag-aayos nyan,kamukhang-kamukha mo ang iyong ama,para kayong pinag-biyak na bunga.Sayang nga lang at di mo siya nakilala,pero naniniwala ako apo makikita mo din ang iyong ama sa tamang panahon.”
“Si Lola talaga ang aga mag-paiyak,okay lang po ’yon. Kapag dumating yong oras na 'yun la, Ako na Ang pinaka masaya sa buong mundo.Alam ng Diyos na wala akong hinihiling araw-raw kundi ang makilala ko ang aking ama.Tara na La, kumain na tayo ng agahan at nakapagluto na ako para maaga tayo makagayak.
Salamat la, sa lahat lahat.Mahal na mahal ko po kayo. Balang araw ay makakabawi din po ako sa inyo.”
________________✂️
“Allow me to introduce our class valedictorian.
Let's give her around of applause to Miss Ezra Mikaela Madrigal," nanlaki ang mata ng Lola ni Esang. Hindi niya lubos akalain na ang apo nya,ang class valedictorian kaya labis labis ang kanyang kaligayahan sa kanyang apo,mga luha nya na ayaw ng tumigil dahil sa lubos na kaligayan.
“To all graduates and esteemed faculty,
Today marks a new beggining for us all. It's a momentous occasion that signifies a great accomplishment in our academic journey.We made it! Through the sacrifices and challenges we faced, every obstacle and achieved this great milestone.
As we move forward,let us embrace new challenges and continue to excel. We have the knowledge,skills, and passion to make difference in this world. A piece of advice always strive for excellence and never give up.
To my Lola this is for you, you are my inspiration and my angel,this award is nothing without you Lola thank you for all the sacrifices. I love you Lola and I really meant it..
Cheers to the Class 2006
Congratulations, Best of Luck in our next journey in College .Thank you ,everyone. Again, congratulations.”
Palakpakan ang maririnig sa loob ng gym ng school at sabay sabay nag-iyakan,
nagyakapan ang mga estudyante.
Nakita ni Ezra ang matalik nyang kaibigang si Lorraine. Niyakap niya ito at binati nya kasama ang mga magulang nito at nagpaalam na siya para hanapin ang kanyang lola .
Niyakap niya ng mahigpit ang kanyang lola at umiyak siya.
“Lola, para po sainyo, ito po ang sopresa ko para sa inyo.Sana po ay proud po kayo sa akin.”
“Apo, kahit wala nito ay proud ako sa’yo. Kung buhay lamang ang iyong ina ay isa siya sa masaya dahil sa nakamit mong karangalan.Masayang-masaya ako La, pag-bubutihan ko pa para maging proud pa po kayo sa akin.Salamat La." Madamdaming saad ko sa aking lola.