Chapter 2 - Sideline -

980 Words
Maaga ako namili ng aking paninda sa Divisoria ganito Ako tuwing walang pasok para kahit paano ay makatulong kay Lola sa mga gastusin sa bahay, buti na nga lang kahit paano ay malaki ang naiwan na pension ni Lolo kay Lola. kaya kahit papano ay malaking tulong din sa amin. Kailangan ko magsumikap para sa amin ni Lola dahil kami nalang ang magkasama. Isa pa matanda na si Lola kailangan nya nadin ng sapat na pahinga. Nadaanan ko ang isang boutique shop na palagi namin tinatambayan ni Lorraine kamusta na kaya yun, malamang enjoy siguro un sa kasama ang papa nya, masaya ako sa kaibigan ko at nakumpleto na ang pamilya nya alam ko balang araw dadating din Ang Isang himala na magpapabago sa buhay ko. "Esang kaya mo yan ikaw ay isang matapang, maabilidad, at higit sa lahat isang babae na kayang harapin lahat nang hamon sa buhay. FIGHT! FIGHT!" Pagpapalakas ng loob ko sa aking sarili. Isang umaga nagising ako sa lakas ng tunog ng cellphone ko tumatawag sa akin c Lorraine, "Hello! Bruh napatawag ka?" "Bruhhhhh! kami na ni Anthony talagang wala siyang sinayang na oras, grabe! Ang saya saya ko." Kinikilig na wika ni Raine sa kabilang linya. "Oww! Talaga, masaya ako para sayo dahil natagpuan mona ang magmamahal saiyo ng tunay." Sagot ko sa aking kaibigan sa kabilang linya. "Kamusta naman kayo ni Lola nakapag enroll ka na ba? tanong nang kaibigan ko sa akin. "Diko alam Bruh eto nga at nagtitinda ako ng kong anu ano para makaipon sa pasukan, alam mo naman ang kalagayan namin ni Lola."sagot ko sa kaibigan ko. "Hayaan mona Bruh, alam ko magagawan mo yan ng paraan ikaw paba, idol kaya kita pagdating sa mga diskarte." "Nah! wag mo ko intindihin ang totoo nyan natutuwa ako sa mga nangyayari sayo, dahil yong dating gusto mo lang ngayon nakukuha mona Bruh, kong ano man ang achievement at kasiyahan mo parang kasama mo na din ako don, Diba were best friends forever no matter what.. Thank you always." "Hay naku! ikaw talaga ganito nalang kapag kailangan mo ng kahit na anung tulong andito lang ako willing naman si papa na tulungan ka kasi alam naman nya na ikaw lang ang bff ko." "Salamaat Bruh! "Bye na Bff, binalita ko lang yon sayo, aalis kasi kami nila papa bye uli bff." "Bye." Maaga palang ay nakapwesto na ako ng mga paninda ko sa palengke, kapag araw ng Linggo maraming namimili dahil malapit lang ang palengke sa simbahan, tuwing matatapos ang misa ang tao ay dadagsa sa palengke para mamili ng mga pangangailangan nila. "Ineng! mayroon kaba dito na panghaplas sa likod kapag sumasakit? Tanong ni Manang sa akin." "Opo La, madami pong klase ng panghaplas dito lahat po yan ay maganda para sa panghilot. Eto la, maganda po eto kasi may menthol na kasama di masyado mainit my cooling effect po bagay po eto sainyo kaya nakaksigurado po ako na nagugustuhan nyo po yan." tugon ko kay Lola" Tiningnan ako ni Lola. "Parang may kamukha, ganyan na ganyan ang hitsura nya nung kabataan nya, pero napaka imposible naman, pagpasensyahan mo na ako ineng, dahil kong ano ano ang aking sinasabi dala nadin siguro ito ng nagkakaedad na." Sambit ni Lola . "Wala po iyon la, madami naman po magkakahawig sa mundo, baka nagkataon lang po na medyo hawig ko po, salamat nga po pala sa pagbili, Godbless po Lola magiingat po kayo, sa susunod po uli." Sabi ko kay Lola at nagpaalam nadin agad at umalis na. Parang Ang weird ni Lola.. Mabilis naubos ang mga paninda ko dahil sa dagsa ang tao ay maraming namili. Tuwing araw ng linggo diko kinakaligtaan ang dumaan para magdasal, mga pasasalamat na laging binibigay ng Diyos sa akin, minsan man salat sa maraming bagay pero umuusad parin isang pasasalamat na dapat meron man o wala di nakakalimot sa may taas. Isa din sa pinagdasal ko Ang kalusugan ni Lola lately kasi nakikita ko parang nahihirapan sya at may iniindang sakit kaya nag-aalala ako sa kalusugan nya. Dinalangin ko rin sa kanya ang matagal ko nang gustong mangyari, kahit matagal patuloy padin akong aasa na muli din magtatagpo ang landas namin nang aking ama, kahit kelan di ako nag tanim ng galit sa kanya kahit na iniwan nya ako at di na nagpakita. Iniisip ko nga sana may mga kapatid ako para may magtatanggol din sakin balang araw. Ipinanalangin ko din kong kalooban nya na makapag aral ako ng college o kung hindi ay maluwag kong tatanggapin, alam ko naman na walang imposible pagdating sakanya. "Esang! Esang! Ang Lola mo! nahirapan huminga magmadali ka pumunta sa hospital at sinugod siya nila Berting sa hospital nakita nila na namumutla at hawak ang dibdib nya." Wika ni Aling Belen." "Ano po!? Kinakabahan na sagot. Nagmamadali ako halos madapa na ako, lakad at takbo na ang ginawa ko para makarating ng mabilis sa Hospital. Umiiyak ako habng naglalakad, wala akong pakialam kong ano ang isipin sa akin ng mga tao ang importante sakin makarating kay Lola, siya nalang ang natitira kong pamilya at natatakot ako na baka pati siya ay mawala pa saakin, diko kakayanin dahil nasanay ako na simulat maliit ako sya na ang nag-alaga sa akin, kaya diko alam kong ano ang gagawin ko sa mga oras na to grabe ang kaba ko. Nakarating na ako sa Hospital at tinanung ko ang Nurse Station kong san dinala si Lola. Nakita ko si lola na tulog at may nakakabit na swero sakanya, umiiyak ako habang hinaplos ko ang kulobot na mukha ni Lola dala nadin ng kanyang katandaan. "Lola laban lang ahh, wag mu ko iiwan diko kakayanin la, alam mo na ikaw lang ang nakaka-intindi sakin, kakampihan sa mga kalokohan ko at higit sa lahat ikaw nalang ang meron ako at nagmamahal sakin, kaya La laban lang po wag kayong susuko."Kausap ko kay Lola habang natutulog .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD