Dalawang lingo na ang nakalipas, simula ng may nangyari sa Lola. Iyak parin ako ng iyak hindi ko alam kong ano ang gagawin ko, masyadong magulo ang utak ko,Hindi ko kakayanin pag nawala sya. Kanina habang kausap ko ang doktor labis-labis na kaba ang aking naramdaman dahil sa sinabi nito na, nagkaroon daw ng ataki ang Lola sa puso, mabuti nga raw agad itong naisugod sa hospital at agad itong naagapan, ngunit kapag muli daw itong aatakihin maaaring di 'nya ito kakayanin. Nandito ako ngayon sa Chapel ng Ospital nagdarasal na sana ay gumaling na ang Lola dahil sya nalang ang tanging pamilya na meron ako.
Panginoon, una po sa lahat nais kong magpasalamat sa mga biyayang ipinagkaloob mo sakin, salamat sa mga pagsubok na alam ko na malampasan namin. Alam ko po na isa lang ito sa mga pagsubok na binigay mo. Lord, baka naman pwede humiling na ipaubaya mona saakin yong kagalingan ng Lola, alam mo naman kong gaano ko siya kamahal dahil sya nalang ang natitira saakin. Naging mabuti naman po ako, kaya po sana ibigay nyo itong laban na ito sakin, Salamat nang marami Lord. Amen.
"Paging! Paging, Doctor Santillan please proceedto the patient room 2024, again paging, paging, Doctor Santillan please proceed to the room 2024."
"2024!? Ang Lola, diyos ko po anong nangyari," nagmamadali akong pumunta sa room ng Lola ko. Nakita ko ang mga Nurse at Doctor na nagkakagulo, halos mabaliw ako kakaisip kong ano ang nangyayari sa Lola."
"Nurse ano po nangyari sa Lola?"
"Nagkaroon ng Cardiac Arrest ang pasyente, pasensya na at nagmamadali ako." "Lola, please lumaban ka Lola, di ko kaya please wag mo ko iiwanan di ko kaya, madami pa akong pangarap La, wala namang iwanan nangako ka sakin lola, Diba." Pagsusumamong hiling ko habang dumadaloy ang masaganang luha sa aking mga mata. "Time of Death 10:00pm. I'm sorry Hija, ginawa na namin ang lahat, sinabi ko naman sayo na kapag inataki muli ang iyong Lola, malaki ang chance na baka ito na ang huling atake nya, bukod dun ay may katandaan narin sya. I'm sorry for your lost." wika ni Doctor Santillan. Para akong wala sa sarili matapos ko makausap ang doctor, hindi ako makapaniwala na ganun kabilis ang pangyayari, sa isang iglap lang nawala ang taong pinakamamahal ko, na parang kagabi lang magkasama pa kami, tapos ngayon ganito na, kong alam ko lang na ito na ang huling sandali ng Lola, sana mas lalo kong pinaramdam sa kanya kong gaano ko sya kamahal. Niyakap ko sana s'ya ng mahigpit at hindi ako umalis sa kanyang tabi.
Tatlong araw lang ang burol sa aming bahay, wala naman na kaming natitirang ka mag-anak na hihintayin. Pagkatapos ng libing ng Lola, ay araw-araw ko s'yang namimiss , lagi na lang akong umiiyak at kayakap ang aking sarili habang nag-iisa. Isang Araw binista ko ang puntod ng Lola wala ako sa sarili habang naglalakad pauwi, nagulat na lang ako ng may sasakyan na , bumubusina sa aking likuran."
"Kung gusto mong magpakamatay h'wag kang mandamay ng inosente." Wika ng lalaki. Bigla akong napatingin sa kanya at walang salita na nilampasan ko sya ayokong makipagtalo sa ngayon dahil ako ay nag luluksa pa sa nangyari sa Lola.
"Shitt!" Pagmumura nito, Biglang hinampas nito ang manibela ng kanyang sasakyan at walang magawa kundi ang paandarin itong muli . Siguro naisip ng lalaki na mukhang may problema ako sa buhay at baka naisip din nito na may plano akong magpakamatay.
Malapit ng dumilim ng makarating ako sa bahay, nagulat ako ng madatnan ko ang matalik kong kaibigan na kasama ang kanyang magulang at nobyo nyang si Anthony."
"Bruh, kanina ka pa namin hinihintay saan ka ba galing?" Tanong ng kaibigan ko.
"Pumunta lang ako sa puntod ng Lola, doon ako nagpapalipas ng oras. Bakit nandito ka?" Balik na tanong ko sa kanya.
"Bruh, wala naman na ang Lola naisip ko na baka pumayag ka na sa bahay ka na, namin tumira aampunin ka daw ng Papa." Wika nito sa akin. Diba Pa pwede sa atin si Bff? " tanong nitong muli sa kanyang Ama.
"Yes, Hija sa amin ka nalang tutal di ka naman iba sa amin at isa pa ay matalik ka na kaibigan ng aking anak at ng sa ganun ay magkaroon din sya ng makakasama sa bahay." Wika ng papa ni Raine.
"Sige na Bff please? muling hiling sa akin ni Raine.
"Raine, Tito, pasensya na po kong ta tanggihan ko po yong offer nyo, sa ngayon kasi gusto ko po muna mapag-isa saka alam ko po na nagmamalasakit kayo sakin gawa ng kaibigan ko si Raine at hindi na rin ako iba sa inyo, pero buo na po ang desisyon ko na mananatili ako rito sa amin, salamat po tito sa malasakit, Sabi ko sa Daddy ni Raine.
"Ikaw Hija, kong nakapagdesisyon ka na ay wala na rin kaming magagawa, pero lagi mong tatanddaan na laging bukas ang aming tahanan para sayo." Muling saad nito sa akin.
"Salamat po, sige na Raine malayo pa ang uuwian ninyo at gumagabi narin. Pasensya na wag kang mag-alala kapag di ko na kaya tatawagan kita." Wika ko.
"Bruh, sige ah aasahan ko yan. Siige, aalis na kami basta tumawag ka sakin. - Tumango nalang ako tanda ng aking pagsang-ayon. Pagka-alis nila Raine pumasok na ako, ito naman ako umiiyak na naman nakatinging sa apat na sulok ng bahay, inaalala ang alaala na kasama ko pa ang Lola, pero kahit anong gawin ko kailangan kong ipagpatuloy ang aking buhay, hindi ako pwedeng ganito na lang marami akong pangarap na gustong matupad. Laban lang gaya ng laging sinasabi ng lola sa akin. Ito na ang huling iyak ko, bukas panibagong araw, panibagong pag-asa. Alam kong makakaya ko ito palagi parin nakabantay si Lola sakin at lagi niya parin akong ginagabayan kaya bukas wala nang luha, puro positive nalang ang iisipin at gagawin ko kasi hindi matutuwa ang Lola kong ikukulong ko ang aking sarili sa kalungkutan. FIGHT!