Ang dami kong appointment ngayong araw na to, halos diko na nga mabigyan nang attention ang aking kasintahan dahil kahit siya ay abala sa maraming ginagawa. Kailangan kasi namin matapos ang lahat nang ito, mga natambak na trabaho pagkadating namin galing bakasyon. "Sweetheart alis muna ako ikaw muna bahala dito sasama ko uli si Max may outdoor meetings nanaman ako, baka gabihin ako, hindi na kita masundo dito." wika ni Glenn. " Okey lang babe sa bahay nalang muna ako uuwi para mas malapit sa opis pagpasok ko bukas.Madami pa ako tatapusin tingnan mo gabundok magagalit na sa akin si Max kapag diko natapos to ngayon."tugon sa akin ng mahal ko. " I have to go na sweetheart, ingat sa paguwi tatawagan nalang kita mamaya, Bye! sweetheart." paalam sa akin ni Glenn sabay halik at yakap sa akin.

