Nagtataka ako nang magising ako na andito ako sa hospital. Samantalang ang alam ko naliligo ako kanina habang umiiyak. Bumukas ang pintuan at nakita ko si Kuya na nakatingin sa akin at umupo sa bakanteng upuan. "Kamusta pakiramdam mo bunso." Tanong sakin ni Kuya. "Bakit andito ako kuya anong gingawa ko sa hospital. Ang naalala ko nasa banyo ako kanina at..."Hindi na matuloy ni Ezra ang sasabihin. " Alam mo ba bunso, kinabahan ako kanina nang makita kita na dinudugo habang naliligo ka. Anong nangyari sayo at bakit ka umiiyak kanina pagtawag ko."Wika ni Kuya. Muling tumulo ang luha ko matapos kong maalala ang mga nangyari. Lumapit sakin si Kuya at niyakap ako habang umiiyak ako sakanya. "Tama na ang pagiyak mo bunso, makakasama yan sa dinadala mo, baka mapaano pa ang magiging pama

