Mabilis lumipas ang araw hindi ko akalain na naka dalawang buwan na ako sa pinapasukan ko. Sa araw araw unti-unting nakilala ko ang boss ko, mabait naman pala siya, minsan may pagka maloko lang lalo na pagdating sa babae, isang beses nahuli ko may lumabas na babae sa opisina, nagulat ako pagpasok ko ang boss ko nagtataas na nang pantalon at gulo gulo ang buhok. Nang makita niya ako isang nakakalokong ngiti lang ang binigay niya sakin napailing nalang ako sakanya.
Naging kaibigan ko nadin si Max at sina Rose, Rowena at Chelle nakasundo ko sila agad dahil nadin sa mga kalokohan at mga bagay bagay na pagkakaparehas namin.Nagkayayaan nga kami pagtapos nang trabaho ay pupunta kami ng bar.
Sumapit na ang alas kwatro at nagligpit na ako sa table ko para makagayak na, wala si sir maaga umalis may pupuntahan daw, kaya kami nalang naiwan ni Max.
Nakarinig ako nang pagkatok sa pintuan.
"Ezra tapos ka na ba? tara na, nasa baba na daw sila Rose hinihintay tayo."wika ni Max
Sabay na kaming bumaba at nakita namin sina Rose na naghihintay.
"Well, well, well mukhang may lakad ang mga panget na to? wika ni Kim
.
"Ha ha narinig ko sila kanina na mg babar daw ang mga yan, mghahanap siguro ng papatol sakanila ang papanget kasi." sabi naman ni Zel
" Huy! babaeng espasol wala ka kadala-dala ah, FYI lang sa atin lahat dito kayo ang mga higad tulad niyo pa kami sa mga gawain niyo." Inis n sabi ni Chelle habang nakatikwas ang kilay
" Halina kayo girls wag na natin silang patulan masstress lang tayo sakanila, saka yung mga ganyang itchura hindi dapat pag-aksayahan ng oras."tugon ni Ahje na may halong pang iinsulto.
"Ah! Halika ditong babae ka akala mo siguro natatakot ako sayo dun tayo sa labas para patas ang laban, kapal ng feslak mo singkapal nang mga poste ng meralco. Para sabihin ko sayo hindi ako natatakot sayo hindi pa pinapanganak ung taong pangingilagan ko, halika sumugod ka ng makita mo hinahanap mo." Sabi ni Rose kay Ajhe
Sa sobrang gigil ni Rose sa impaktang fuckers na si Ajhe, hindi pa kmi nakakalayo ng building ng biglang sumugod ang bruha, buti na lang agad napansin at pinatid sya ni Rose ayun sumubsob ang mukha niya sa kanal. Sabay sabay kaming nag tawanan na magkakaibigan.
Susugod sana muli si Ahje nang makita ito ni Rose mabilis niyang hinatak ang buhok ni Ahje sabay ngud-ngod nito sa kanal puro tuloy putik na itim ang mukha nito
"Ano papalag kapa? kaya pa ba ng powers mo?" habang ang mga kaibigan nia ay inaalalayan syang tumayo.
Sinasabi ko naman sayo, di lang kita pinapatulang bruha ka nakuha mo ngaun ang gigil ko kaya ayan ang napala mo. Sa susunod kasi wag puro angas gamit gamit din ng utak pag may time. Ay! sabagay wala ka nga pala nun paano ka gagamit ng utak eh puro katawan lang ginagamit mo." wika ni Rose sabay sabay na naman kming nagtawanan na magkakaibigan.
"Tama na yan Rose agad na sabi ni Rowena t Chelle. "
Lets go girls! wag na natin sila pag aksayahan ng oras ang mga higad na yan, so ewww kadiri ang fesklak. Linis kana baka iwan ka pa ng boylet mo pag na look niya na ganyan ang itsura mo ang baho muna." wika ni Max at sabay sabay na kami nag alisan mag kakaibigan habang tumatawa.
"at biglang sumigaw si Ahje "Humanda ka sakin Rose makakaganti din ako sayo grrrrr..." wika na ahje.
"Ok see you next round, let me know kung saan at kailan darating ako," wika nmn ni Rose na nakataas ang kilay.
First time ko makarating sa bar ganito pala ang itchura nito iba ibang kulay ng ilaw, maingay , may nagsasayaw, naninigarilyo at nagiinuman.
Sa edad ko na bente-dos ngayon lamang ako napasok sa ganitong lugar kaya bagong experience ito sakin.
Nakaupo lamang ako sa table namin habang iniinum ko ang inorder nila Rowena na drinks habang sila nila Max ay nagsasayaw sa dance floor. Wala naman ako alam sa ganyan kaya nanatili nalang ako sa upuan at patingin tingin sa paligid.
Habang lumalalim ang gabi nakakaramdam nadin ako ng konting tama sa iniinum namin kaya medyo malakas nadin ang loob ko at nakikisabay sakanila.
Maya-maya lang naglapitan na ang mga kaibigan ko, marahil ay napagod na kakasayaw.
Nag-paalam ako sakanila na pupunta muna ako sa restroom, nakakaramdam na ako nang konting hilo kaya medyo mabagal nadin ang lakad ko papuntang banyo.
"Ayyyyyyy! " nagulat ako nang bumangga ako sa isang pader akala ko katapusan ko na, napapikit nalang ako sa pag aakalang babagsak ako pero laking gulat ko na may humawak sa aking bewang, dahan dahan ko minulat ang aking mata, ganun nalang ang gulat ko nang makita ko si Sir. " Sorry sir ikaw po pala yan, buti nalang nasalo niyo po ako kong hindi baka bumagsak na ako sa semento. Salamat po sir." at ngpaalam na ako sakanya.
"wait! hawak niya ang aking braso para pigilan akong umalis. Sino kasama mo dito sa bar?" tanong ni Sir sa akin.
"Ayun po sila sir, si Max at new found friends ko po sa ibang department." wika ko sakanya
"Go ahead, pumunta kana sa restroom at hihitayin kita, doon kayo magtable nang mga kaibigan mo sa table namin para mas safe at walang bumastos sainyo." sabi ni sir.
Pumasok na ako sa banyo at nag bawas parang puputok na ang pantog ko kaya ng matapos ako laking ginhawa sa pakiramdam. Lumabas ako at nakita ko si sir naghihintay sa akin, sabay kaming nagpunta sa table ng mga kaibigan ko.
" Sir andito din Po kayo?" gulat na tanung ni Chelle
" Yes lipat kayo ng pwesto doon kayo sa mga kaibigan ko para safe kayo kahit malasing kayo at ihahatid namin kayo Isa-isa sa mga bahay niyo." wika ni sir
Mabilis lumipas ang oras at may mga tama na ang mga kasama ko, maingay nadin nag mga kaibigan ko, panay na sila hampas sa mga katabi nila na kaibigan ni sir close na close agad sila, napapailing na nga lang ang kaibigan ni sir. Nakakaramdam nadin ako ng tama kaya hilong hilo na ako diko nadin kaya kong magpapatuloy pa to kaya tahimik nalang ako sa isang sulok habang pinanunuod sila.
"Let's go na girls, hatid na namin kayo, may pasok pa bukas." pag aya ni sir
Nagtayuan na kaming lahat para umalis, pero natigilan Ako ng makaramdam Ako ng pag ikot ng Aking paningin, Buti nalang naging maagap si sir sa akin at naalalayan niya Ako.
"Ezra since malapit kami ng bahay ni Chelle kami na ang mag-kasabay, tapos si Max at Rowena Naman. Ikaw bahala kana sa buhay mo malaki kana." sabi ni Rose sabay tawa ng mga kaibigan kong lasing.
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, pero si sir hinawakan niya ako at dinala sa kotse niya, sakanya daw ako sasabay. Sumabay na ako at di na nginarte saka gabi na, baka mapaano pa ako sa Daan kapag umarte pa ako, saka si sir naman ang kasama ko.