Tatlong buwan na ang lumipas simula nang dalhin ako ni Daddy at ni Kuya dito sa Ilo-Ilo. Nakaramdama ako ng kapanatagan simula nang pumunta ako dito. Wala nadin ako balita kay Glenn ayaw ni kuya na marinig na binabanggit ko ang pangalan niya kasi iiyak lang daw ako. Apat na buwan na ang tiyan ko, sabi nila masyado daw malaki ang tiyan ko para sa apat na buwan. Sabi ng mga tao dito sa Hacienda baka kambal daw ang anak ko. Maayos ang buhay ko dito, mahal na mahal ako ni kuya at ni daddy, lahat nang ilang taon na hindi nila ako nakasama ay binabawi nila. Nagiikot ikot ako dito sa hacienda, ang dami kasing mga prutas dito dahil panahon nang tag ani. Ang mangga dito ay hitik na hitik sa bunga na kahit maniba lang ay sobrang sarap na. "Senyorita, may naghahanap po sainyo, andito po yong ka

