chapter 1 Aryana
Nay,, Tay,, tignan niyo ang dami ng ani natin ngayong taon, tiyak matutuwa si Don Lucas Hamon dito.. Panigurado, matutupad na ang pangako nya sakin ngayon, na siya na ang mag papaaral sakin hanggang sa magtapos ako..
Pitong Taon ako noon mapadpad kami sa Hachienda Lucas,. Pagmamay ari ni Don Lucas Hamon, at duon narin ako nagkaisip.. Naging paburito ako ng Don, dahil gustong gusto nyo daw ng apo.. Sabi ng aking magulang,, mabait daw ang matandang Don..nagkaroon daw ito ng asawa at anak pero hindi daw nagtagal ay kinuha din sakanya ng may kapal....Taon taon ay nagkakaroon ng pagdiriwang para sa mga tauhan nila sa Hachienda, dahil daw ito sa pasasalamat ng Don.. dahil taon taon maganda ang ani nila,. .. Oo anak, kaya ikaw, pangalagaan mo ang pagkakataong ito, mag aral ka ng mabuti, huwag na huwag mong bibigoin si Don, sabi ng aking nanay,. opo nanay, pangako. pagbubutihin ko ang pag aaral ko,. pangako magtatapos ako para balang araw magkakaroon din ako ng ganitong kalawak na lupain, at kayo naman ang tatawaging Donia at Don, pagmamalaki ko sa kanila..
Napukaw ang aking pagbabalik tanaw ng biglang bumukas ang pinto at pumasok doon ang aking magulang na galing sa taniman.. Oww anak, andyan kana pala,, sabi ni nanay saakin. Opo inay, maaga natapos ang aralin namin ngayon at maaga kaming pinauwi dahil pupunta ang mga guro ngayon sa lamay, huling araw na kasi ngayon ang namayapa naming Principal at bukas na ang kanyang libing..
Sa ngayon nasa huling taon na ako ngayon sa kursong agriculture.. . Ito ang aking kinuhang kurso dahil ito ang pinangako ko kay Don Lucas noon na balang araw magkakaroon din ako ng malawak na lupain na katulad sakanya, at dito ko ibubuhus lahat ng natutunan ko sa kursong ito..
Narinig ko ang pagbuntong hininga ng aking tatay papunta sa kusina, sumunod na lang kami ni nanay para makapagluto na ng hapunan..
Mahina nanaman ang ating ani ngayong taon Mendez, sabi ni tatay kay nanay, habang ginagayak ni nanay ang mailulutong ulam habang ako naman ay naglalagay nang maisasaing na kanin.. . Dalawang taon na ito nangyari sa lupain ang humina ang ani mula ng namatay si Don Lucas at naiwan ang pamamahala ng Hachienda sa kanyang kapatid na si Donia Amara.. Si Donia Amara ay kapatid ni Don Lucas sa Labas... Nasa unang baitang palang ako sa Secondary nuong nagpakita ang Donia kay Don Lucas, , sa una ay hindi pa naniwala ang matandang Don pero napatunayan din ng matandang Don na kapatid nya ito sa labas.. . sa isang taong pamamalagi ni Donia Amara sa Hachienda ay maganda naman ang pakikitungo nya sa aming mga tauhan ng Hachienda. nagbago lamang ang kanyang pakikitungo mula ng magkasakit at mamatay ang matandang si Don Lucas,, lumabas ang tunay niyang pag uugali,. Kung anong magandang asal na pinakita ng Don noon ay siya namang kabaligtaran ng Donia ngayon.. Ang taong taong pagdiriwang nuon ay hindi na nagagawa dahil wala na ang dating masaganang ani, dahil narin sa bagong tagapamahala..
Kung bakit kasi walang ibang kamag anak na naiwan ang matandang Don, hindi sana tayo malulugi ng ganito at humina ang ating ani,, sabi ni nanay, wala namang silbi ang matandang Donia Amara nayan, hindi yata marunong magpahalaga sa iniwang risponsibilidad ng kanyang kapatid na si Don Lucas,, nagagalit pa siya, keso sa katangahan natin kung bakit humina na ang ani at nalugi pa,. patuloy parin ni nanay.. at ang anak nyang si Oliver, wala na nga naitutulong, dumaragdag pa sa problema, reklamo parin ni nanay., Kaya ikaw Amara, huwag na huwag kang mag papaligaw sa lalaking iyon, sabi ni tatay, Bakit naman po ako napasok sa usapan nyo inay, itay, sabi ko.. nagtaka na lamang ako at nagulat sa sinabi ng tatay nayon.. Ang damohong iyon, nagpaalam ba namang kung pwede siya manligaw sayo, sabi ni nanay,. naku Aryana, sinasabi ko sayo, ayaw ko sa lalaking iyon para sayo sabi ni nanay,. Naku inay,. wala pa sa isip ko ang ligaw ligaw nayan, nasa pag aaral palang ang inaatupag ko, sabi ko na lamang, tama yan anak, sabi ni tatay, sikapin mong makapagtapos para meron ka namang maipag mamalaki,. at balang araw maiaahon kayo sa hirap ng buhay, pagpapatuloy ko sa sinabi ni tatay
Nasa kalagitnaan kami ng aming hapunan ng may kumatok sa pintuhan ng bahay namin. . Tao po,, , Aling Mendez, Mang Pablo, si Anton yon., boses palang niya ay kilala ko na siya, siya si Anton, kababata ko.. sabay naring kami lumaki sa Hachiendang ito, at pareho rin kami ng kurso at paaralang pinapasukan,. pareho kaming schoolar ni Anton kay Don Lucas at hindi alam ni Donia Amara, dahil panigurado ipapatigil naman niya ito pag nalaman niya, kahit ganun pa man, kahit malaman niya, wala na rin siya mapapala, dahil isang buwan na lang magtatapos narin kami ni Anton.. Ikaw pala Anton sabi ni nanay pagkabukas niya sa pintuhan,. pasok ka,. may problema ba? halika, kumain muna tayo, sabi parin ni nanay,. hindi na po Aling Mendez, katatapus ko din po maghapunan,. naparito po ako dahil pinapatawag kayo ni ama, Mang Pablo, may dapat daw kayong malaman, sabi ni Anton na buling kay tatay,. ganon ba Iho., sabi ni tatay,. sige tapusin lang namin ang hapunan at susunod narin ako.. . Habang nililigpit ni nanay ang aming pinagkainan, lumabas narin si tatay para pumunta sa bahay nila Anton, habang ako naman ay inayos ko narin ang aking sarili,. dahil maaga pa naman, ay kinuha ko muna ang aralin ko para bukas, pinag aralan ko muna ito at baka may long quiz nanaman kami,. pabigla bigla kasi ang teacher namin minsan., mas maganda na yung handa,...mahigit isang oras din lumipas ng dumating na si tatay, papasok na sana ako sa aking kwarto, habang si nanay ay nasa sala at nanood ng tv.. Kumusta ang usapan nyo Pablo, may problema nanaman ba sa sakahan, bungad ni nanay kay tatay pagkapasok ng pinto na pinag buksan ko naman at sabay ako nagmano sakanya. . Tahimik lamang ako habang nag kwekwento si tatay, tungkol sa pag uusap nila Mang Asyong,. tatay ni Anton,. ayon sa kwento kay tatay, kaya pala humihina ang ani dahil sa kagagawan ng mag inang si Donia Amara at anak niyang si Sir Oliver..
Naka pawalang hiya talaga ng matandang Donia Amara nayon at ang kanyang anak. yan pala ang matagal na plano ng mag inang iyan, sabi ni nanay,. naku kung hindi lang masama pumatol sa mas matanda, matagal ko nang nilampaso ang pagmumuka ng matandang iyan sa putikan,sabi parin ni nanay,. . matagal na pala nyang plano ang matandang iyan na ibenta ang Hachienda, hindi lang nya natuloy dahil peke ang mga dokomentong hawak niya, kaya pinagnanakawan na lang ng palihim. sabi ni tatay,.eh itay, paano po nalaman ni Mang Asyong ang matagal na nilang plano., sabi ko naman. . . Isang araw daw narinig ng isang kasambahay nila Donia Amara ang pag uusap nilang mag ina,. hindi alam ng Donia na maririnig sila nito, dito rin nalaman ang kasambahay nila na isang taon na pala ang plano nilang ipagbenta ang Hachienda Lucas, hindi matuloy tuloy, dahil peke ang dokomentong hawak nila,. hinahanap nila kung saan inilagay ni Don Lucas ang totoong titulo ng lupa.at ang sabi pa daw ni Sir Oliver, kung hindi man daw maibenta ang lupain, unti unti na lang daw na pagnakawan ito,. patuloy na kwento ni tatay. . . May awa parin ang diyos sa atin inay, itay,. hindi parin tayo pinabayaan, sabi ko.. kahit papaano, hindi parin tayo pinapaalis,at kung mangyari man satin yon, may pang laban na tayo sa kanila, sabi ni tatay,. wala silang karapatang magpalayas sa atin.. ngayong alam na natin ang kanilang plano, kailangan nating maghanda, sabi parin ni tatay.. Pero teka Pablo, kung peke ang hawak nilang titulo, nasaan ang tunay, sabi ni nanay,. yan ang hindi ko alam, dahil ayon sa katulong, wala daw silang makita sa mansyon, pinahaloghog na daw lahat ng matandang Donia Amara ang lahat na pwedeng pagtagoan..
"Some one pov"
Kailangan nating mahanap ang tunay na titulo ng Hachienda at itong mansyon Oliver, at sa ganun, maibenta na natin at mabayaran na ang ating pinagkakautangan, sabi ni Donia Amara sa kanyang anak,. pero mama, san natin hahanapin mga mga titulo, mukhang naitago talaga ng mabuti ng kapatid mo, sabi ni Oliver sa kanyang ina,. yan ang aalamin ko iho, hindi ako titigil hangat hindi ko mahahanap ang mga dukomento, Teka lang mama, hindi bat meron tauhan ang matandang Don na pinagkakatiwalaan nya sa pamamalakad sa Hachienda,.sabi ni Oliver sa kanyang ina,, sa sinabi ni Oliver na yon, biglang nabuhay ng pag asa ang kanyang ina,, at kung bakit hindi niya naisip dito, na marahil sa tauhan ng kapatid nya ang lulutas sa kanilang masamang balak.. batid niyang ang magulang ni Aryana ang mga tauhang pinagkakatiwalaan niya, batay narin ito sa kanyang isang taong pananatili sa poder ng kapatid habang buhay pa ito.. . tama,. bakit hindi ko naisip ito agad.. marahil may kinalaman sila dito sabi ng Donia,. napangiti naman ang anak sa pagsang ayon ng ina..
Humanap ka ng mga tao na magpapaamin sa dalawang tauhan nayon, kailangan nating makuha ang mga dukomento,. tayo lang ang dapat nag mamay ari dito, wala silang karapatang angkinin ang dapat na saakin.. sabi ni Donia Amara sa anak.. pero mama, paano kung ayaw umamin ang mag asawang iyon,.. haloghogin nyo lahat ang buong bahay, at kung wala kayong makita, at ayaw umamin..alam mo na ang susunod mong gagawin, pag uutos ng kanyang ina,.
Naging ganid at makasarili si Donia Amara sa kapangyarihan,. Lahat ng humahadlang sa kanyang kagustuhan ay pinapabura nyq sa mundong kanyang kinagagalawan,. pati ang kanyang asawa ay kaya nyang pinapatay, hindi lamang lumabas ang kanyang masamang gawain,. Anak sa labas si Donia Amara,. Lumaki siyang palaboy laboy dahil itinakwil siya ng kanyang ina, dahil isa daw siyang salot,. natutu siyang magnakaw hanggat pabalik balik siya sa bilanggoan.. hindi nagtagal nakilala nya ang kanyang asawa,. ang akala niya nuon ay siya na ang magpapabago sa kanyang buhay, hindi pala..dahil isang taon pa lang bumalik ulit ang masamang gawain niya, kahit may anak na ito at si Oliver yon ay patuloy parin sa masamang gawain..at mas malala pa don..hindi lang pagnanakaw at pagtay kundi pagbebenta narin ng droga ay pinasok niya..tumagal ng dalawang pong taon ang pagsasama nilang mag asawa,. at sa dalawang dikada nayon wala paring kaalam alam ang kanyang asawa, hangga sa matuklasan nito at sya ang sanhi ng kanyang pagkamatay,. tatlong taon ang lumipas at nalaman nyang may kapatid pa pala ito at hindi lang basta mayaman,. Si Don Lucas Hamon,. siya ang nag Mamay ari ng pinaka sikat na Hacienda sa Bayan ng San Roque.. ang Hacienda Lucas..
Walang sinayang na oras ang Donia,. plinano niya ang lahat para makapasok sa Hachienda at para makamkam niya ito.. at dating gawi, kaya nyang pumatay makuha lang ang nais..
"third person"
alas tres ng hapon, nagpapahinga ang mag asawang Aling Mendez at Mang Pablo,. habang nanonood ng tv. sa oras na yon ay wala pa ang kanilang anak na si Amara, dahil mamaya maya pa ang uwi niya, galing school,. Walang gaanong gawain sa sakahan ang mag asawa kaya nasa loob lang sila ng tahanan nila at hinihintay ang anak.. Isang daang metro ang layo ang bahay nila Aryana mula sa kanilang kapit bahay at sila ang pinakaunang madadaanan kung patungo ka sa pinakaduli ng Hachienda,.. Habang nanonood sila sa tv. Nagpaalam si Mang Pablo sa kanyang asawa na lumabas muna ito para isilong ang mga kahoy na binilad para sa pang gatong,. dumaan ang tatlong minuto, nakarinig ng ugong ng sasakyan si Aling Mendez at tumigil ito sa kanilang harapang bahay,. hindi narinig ni Mang Pablo ang tumigil na sasakyan dahil dalawang metro ang layo nito mula sa kanyang pwesto,. hindi na nagawa pang tignan ni Aling Mendez kung sino ang mga ito, at dahil bigla na lamang bumukas ang pinto, at dali daling nilapitan ang matanda at tinakpan agad ang bunganga para hindi makapag sigaw,. hindi nagsayang ng oras ang iba pa at agad na itong hinanap ang kanilang pakay, ang isa sa kanila ay hawak si aling Mendez habang ang apat, ang patuloy na paghaloghog sa lahat ng sulok ng bahay,. at nang walang makita, binalingan ang matandang babae,. sa kabilang banda, habang palapit na si Mang Pablo at limang metro bago makapasok sa likod ng bahay, may naramdaman siyang kakaiba,, bago mansyang nagpatuloy sa paglalakad, narinig nya ang dalawang putok na nagmumula sa loob ng bahay, hindi pa siya nakaakbang, ay sumalubong na sakanya ang dalawang kalalakihan at dalawang putok din para sakanya dahilan ng pagkawala ng buhay,, dali daling lumabas ang limang kalalakihan, para walang makakita sa kremen, pero lingid sa kaalaman nila, meron pala nakakita sa pangyayari,. at isa sa salarin ay namukahan ng nakakita, dahil, tinangal ang takip sa muka..