Aryana"
Habang naghihintay kami ni Anton ng hapunan, nag kwentuhan muna kami dito sa ilamin ng puno malapit sa kanila,, kuwinento ko ang tatlong bago kung kaibigan, pati ang pagkagusto nila sa kanya ay kinuwento ko rin, kahit anong pang aasar ko sa kanila, keso bakla ito, ay hindi sila naniniwala.. ikaw talaga, kung ano ano na lang dahilan mo para layuan ako ng mga babae.. eh sa ayaw ko nga sa mga babaeng lumalapit sa iyo,. kung yung tatlo pwede pa, sabi ko,.. saka sino sa kanila ang gusto mo.. may gusto agad,. hindi ba pweding kilalanin muna,. Hahahaha,. eh bakit umalis ka agad sa harapan nila kanina pagkalapit nila sayo,. ah"kung ganon kasama ka nila, ikaw ang nagpa punta sa kanila duon ano, "tumawa na lang ako at nag pis sign na lang,
Maiba tayo sabi ko,. kumusta ang unang araw mo sa pwesto mo, hindi kaba nahirapan,. hindi, ok lang, madali ko lang nasundan mga tinuro sa akin, ikaw ba, kumusta naman sa area mo,. ok lang din, pero yung April na yon, siya nagturo sakin kong ano dapat gawin,. ano problema sakanya,, pakiramdam ko, ayaw niya sa akin,.keso angbilis daw magtiwala sa atin ang matandang Don, nilagay agad tayo sa pagiging inventory clerk,eh sa pag aasimble ng mga kahon naman niya ako nilagay habang pinag aaralan ko pa lang ang pag iinventory.. hmmm,, hayaan mo na lang, kung kailangan nating umiwas sa gulo, layuan na lang natin sila,.para hindi tayo ang pagbuntungan ng sisi..
Hello Aryana, magandang umaga sayo, bati sakin ng tatlo,, pag pasok ko sa area ko, nadatnan ko na sila dito,. habang inaayos ang kanilang mga stack,. magandang umaga din sa inyo, kanipa kayo, ang aga nyo ata. sabi ko sa kanila,. hindi may limang minuto na bago ka dumating,. siguro nga, kung wala pa ako dinaanan, sabay sabay siguro kami nakapasok dito,.. habang inaayus ko ang mga gamit ko, napatingin ako sa bandang kaliwa ko, kung saan dun nakalagay ang mga ibang stack ng box. matapus ko ayusin ang gamit ko, nilapitan ko para makita ito,parang nabago ito sa kalalagyan niya,. kahapon inayos ko pa ito,.matapus ko ayusin ang gamit ko, nilapitan ko ang mga box,. natatandaan ko pa ito na nilabas ko ang mga pangalan ng bawat box at pinagsama sama ko ito, para agad malaman ang kukunin ng tatlo..pero bakit ngayon naghalo halo na, at parang kulang ito,. ginawa ko na lang, mabilis ko itong inayos, pinag sama sama ko ang nararapat,.kahon ng mga canday at dilata,,nang matapos ko, binilang ko ito,. kahapon ginawa kong taglimang layer bawat pangalan ng kahon,. limang kahon bawat pangalan,. pero ngayon, kulang na ng tag isang kahon,. bumalik ako sa lamesa ko para kunin ang listahan ko kung nagkamali lang ako,. pero imposeble, tama ang bilang ko kahapon, pero ang pagtataka ko, bakit nagkahalo halo na, pinuntahan ko ang mga kahon na hindi pa naiaayos,. sa kahon ng mga canday, ok naman, kumpleto. pero sa kahon ng mga dilata, kulang ito ng isang small at isang big,.tinignan ko ulit listahan ko kahapon, hindi nanaman tugma ito..nilapitan ko ang tatlo para mag tanong,. "hey girls,. pwede magtanong, sabi ko.. Oo naman, ano ba yon, si joy ang sumagot,. kumuha na ba kayo sa mga kahon na na asimble kuna,. hindi pa,. hinihintay ka namin para mag paalam, si Analyn ang sumagot,. ah ganun ba, sabi ko na lang,. hindi kuna sinabi ang dahilan, sigina kunin nyo na ang lahat, pwede na yon,. sabi ko sa kanila,.mamaya pagkatapos nyo lagyan lahat ng mga laman,..bumalik na ako sa pwesto ko para magsimula na sa gawain ko,. inayos ko ang mga kahon na hindi pa na asimble para gawin na ito..binilisan ko ang kilos ko para makarami ako, napansin ko kasi na marami rami ngayon ang ipa packing..
matapos ang isang oras, natapos ko narin ang ginagawa ko,. lumipat ako sa mga dilatang stack, dala dala ko ang mga kahon nila...Mga ibat ibang uri na gawa sa prutas,. tulad ng fruitcocktail, at candays, ang tatlo ay sa canday stack ang area nila, ako naman sa mga dilata..ng makita ko ito, tila wala na mang nabago,. ng nasa kalagitnaan ako ng pag pa packing, narinig ko na may tumatawag sa pangalan ko, paglingon ko, si April pala ito.. ikaw pala miss April, may kaylangan po ba kayo, sabi ko sakanya,.parang galit ito,. bakit wala kang naipacking kahapon sa mga dilata na yan, at ngayon mo lang gagawin, sabi niya,. nagtaka ako bakit alam nyang wala akong na i pack kahapon, eh, pagkatapos nya akong iwan dito kahapon, hindi na bumalik hanggang sa nakauwi na kami. ah,, kasi po, inuna ko munang i asimble yung mga kahon, para ngayon, minsanan na lang ang gagawin ko. pagpapaliwanag ko, ang sabihin mo, makupad ka lang, aba, dapat dito mabilis ang galaw mo,. mukha nito,, akala mo naman, madali lang ang pag asimble, mahirap din kaya, sabi ko sa sarili ko,. pasensya na po, sa susunod mas bibilisan kuna,. at ang bruha, basta basta na lang ako ito talikuran,. ano problema non bulong ko.. pinag patuloy ko na lang ang ginagawa ko.. matapos ko ito,. sinimulan ko ng itong ayusin, binilang ko muna bago ko ilagay isa isa sa istante. pero tika, agad gumana ang utak ko.. parang kulang ang nai pack ko,. kinuha ko ang listahan ko,. 444 sa small can at 450 sa big, bakit kulang,..dapat 37box ang na pack ko sa small at 37 din dapat sa big, at subra ng anim ang big can. pero 36 small at big ang na packing ko, bawat isang kahon 12 ang laman,. naku lagot na paano to,.nasa malalim ang aking pag iisip ng marinig ko ang mga yabag na papalapit sa akin, pag lingon ko ay ang tatlo kong kasama, tapos kana ba Aryana, tara lunch break na tayo, gutom na kami, sabi ni Jessica, napaisip ako, sa area kaya nila, wala kayang kulang, sabi ko sa sarili,. ah, sige mauna na kayo, susunod ako,. hmmmp, ganyan ka lang, ayaw mo sumama kasi, ayaw mong dumaan kay Anton para makasabay din namin, gusto mo ikaw lang kasama niya, pagtatampong sabi ni joy,. hindi naman sa ganon, mauna na kayo, susunod na ako, daanan ko na lang siya para puntahan kayo, baka kasi ayaw nya sumama kumain sa labas pag nakita kayo na kasama ko,. sabi ko na lang,. agad naman sila pumayag, sige, mauna na kami sa labas, duon sa unang kainan kami mag hihintay,., ng makalabas na sila, agad kong pumunta sa area nila,. binilang ko ang mga kahon na napack nila,. at mga hindi pa nalagyan na kahon..hindi pa ito nailagay sa istante,. wala na ring laman ang lagayan nila ng mga canday,, lahat na ipack na,. pagkatapos ko ito mailista, agad narin ako lumabas,. mamaya ko na lang ito, titignan kung walang kulang,.
pagkalabas ko, dumaan ako kina Anton para yayain siyang duon na sa labas kumain,. kasama ang tatlo kong kasama,. ng malapitan ko ito, ay agad namang pumayag,. ng malapit na kami sa tatlong kasamahan ko, makikita mo ang malalapad nilang ngiti,. ikaw talaga Aryana, hindi mo sinabi na may kasama pala tayo,. kaya pala nagyaya ka dito sa labas para kumain, sabi ni Anton sa akin, haler,, "kung sinabi ko ba, sasama kaba? umiling na lang ito,.. ng tuluyan na kami makalapit agad namang tinuro kung saan kami uopo,.
Nandito na ako sa lamesa ko para tignan ang mga listahan nila,. kinuwenta ko ang bawat laman ng isang box,. ayon sa bilang nila kahapon sa mga kahon na may laman, wala na mang kulang,. sinunod ko ang mga naiwan na hindi pa na packing,. 600 bawat items, sa kabuoan niya, 3000 lahat na canday,. pero sa limang items dapat 125 ang na ipack nila, bawat isang box 24pack ang laman nito,. pero sa nagawa nila tag 124 box lang ang nagawa,. ibig sabin, kulang din ng tag isang box.. anong nangyari, bakit ganito, kulang.. kung sa area ko lang ang problema, baka ako lang ang nagkamali sa bilang kahapon, pero bakit pati sa kanila, kulang din,. ah", ginugulo mo utak ko,. bigla kong sabi,. hindi ko namalayan nasa harapan ko pala ang tatlo,. hoy,, babaita, sino ang gumugulo sa utak mo,. tara sugudin natin, si miss April ba yan, salitang sabi ng tatlo,. wala,. wala yon, kalimutan nyo na sinabi ko, sabi ko na lang sa kanila,. sabihin muna kasi, sino ba gumugulo sa utak mo. sabi parin nila,. imbis na sagutin ko sila, hinila ko sila sa area nila,. ipinaliwanag ko ang natuklasan ko,. pagkatapos, sa area ko naman sila dinala, at ganun din sinabi ko rin na may kulang,. sa una, baka nga nagkamali sila ng bilang kahapon,. pero ng dinala ko sila sa area ko, napatanong din sila,.. oo nga ano,. paano ng yari yon,. bakit sayo kulang din sabi ni joy,. yun nga ang gumugulo sa utak ko, hindi ko alam.. habang nag iisip kami ng dahilan, mga yabag ang nariinig naming papasok dito, agad kaming napalingon,. si April at limang kalalakihan na kasama,. Anong ginagawa niyo, bakit kayo nag kukumpulan diyan, tapos na ba mga gawain nyo sabi niya.. ah,,opo, sabay sabay naming sabi at mabilis kami nagsibalikan,.. ang tatlo sa area nila, ako naman sa lamesa ko.. sige na, kunin nyo na ang mga stack,. at ikaw Aryana ilista mo lahat ng mailalabas, sabi sa akin,. agad ko naman kinuha ang record book ko at sumunod sa kanila,.