Some pov"
Matapos ang ilang buwan ng makuha na ni Aryana ang hustisya para sa magulang, unti unti narin ang kanyang pagbabago, ang dating malungkot mula ng mawalan ng magulang, ngayon ay napapalitan narin ng saya,. lalo nat gumaganda narin ang ani nila ngayong taon, .. mga kasama ang dami ngayon ang ani natin, sigurado makakabawi na tayo ngayong taon kumpara noong nagdaang taon, sabi ni Mang Asyong,. ito na ulit ang simula ng magandang ani ng Hacienda Lucas,, mula ng makulong ang mag inang Donia Amara at Oliver, naramdaman na ng mga nakatira sa hacienda lucas ang unti unti nilang pagkabangon, .. ang dating masaganang ani nuong nabubuhay pa ang matandang Don, ay unti unti ulit nilang nararanasan,.Kung buhay lang sana ang magulang ni Aryana, isa sila sa pinaka malaking maani ngayong taon...
para tayong sinumpa nong narito ang mag inang donia Amara, sabi ni aling Isme,. buti na lang nakakulong na sila, sana hindi na sila makalaya pa, kung nagkataon, baka tuluyan na tayong mapapalayas dito, sabi ng kasama.. paano na lang kung makalaya sila at balikan si Aryana at gantihan siya sabi ng isa.. ipasakamay na lang natin sa diyos ang ating kaligtasan at kay Aryana
Aryana"
Habang inaayos ko ang aking gagamitin sa paghahanap ng trabaho, narinig ko ang pagkatok sa pintuan sa sala,. alam kong si Anton iyon,. tumayo ako para pagbuksan siya,. Ngayon kasi ang usapan namin para maghanap ng mapapasukan,, , Tatlong buwan na rin ang nakaraan mula ng makulong ang mag inang Donia Amara ay ito na yung araw na paghahanap namin ni Anton ng trabaho, hindi namag pwedeng, sa hacienda na lang umiikot ang buhay na ming dalawa,. . ito rin kasi ang pangarap ko at pangako ko sa magulang ko na pagkatapos ko mag aral, maghahanap ako ng magandang trabaho, para hindi na lang lagi sa hacienda kami umaasa para mamuhay,.
Pagbukas ko ng pinto, mukha ni Anton ang nakangiti ang nabungaran ko, dahil sa gulat ko diko namalayan, napatitih ako sa kanya..paano naman kasi, gwapo siya ngayon sa paningin ko, bagay na bagay nya ang suot nitong white t shirt at maung na pantalon, ang kisig kisig nitong tignan at ang buhok nito makapal. hindi ko maiwasang isiping may hawig siya kay Coco Martin, Hoy" may problema kaba, para kang nakakita ng multo, aba'y kay aga aga pa ah, sabi sa akin..multong gwapo, bulong ko sa sarili ko" at ang luko binatukan ba naman ako,.anito kami kung mag asaran, nagbabatukan kami..aray ko naman"ano sabi mo,. sabi niya, at yung ngiti kaninang nakita ko sa kanya napalitan na ngayon ng pagtataka, "wala, sabi ko gwapo ka" biglang sabi ko,. Hoy", huwag mong sabihing ngayon ka lang na gwa gwa puhan sa akin,. abay, matagal na akong gwapo,. sabi niya,. talaga namang tutuo ang sinabi niya, parang ngayon ko lang nalaman na may igagandang lalaki pala siya kung pumurma,. napailing na lang ako sa sarili ko,. ang dami mong alam, tara na nga, sabi ko na lang para makaiwas sa pagkahanga ko sa kanya,. hindi ko kasi maramdaman ang tinitibok ng puso ko pagdating sa kanya,. siguro paghanga lang ito,. nadala mo na ba lahat ng kailangan mo, sabi niya.. oo nandito na lahat, kaya tara na para maaga tayo makauwi..
Limang establishment na ang napuntahan namin pero ni isa wala pang tumanggap sa amin, hinahanap kasi nila ay ang may experience na,. . Tanghali na pero wala paring tumanggap sa amin kaya napagpasyahan naming maghanap muna ng makakainan, dahil ramdam ko narin ang gutom ko, isama narin ang nakakapagod na paglalakad.. .
Pagkatapos naming kumain ay maghanap muna kami ng lugar nabpwede naming pagpahingaan ng pansamantala bago ituloy ang paghahanap ng trabaho.. .
Anton"
Habang nag papahinga kami sa ilalim ng puno dito sa parke, hindi ko maiwasang hinti titigan si Aryana, kita ko sa mga kilos niya na gusto niya talagang makahanap ng trabaho, kung ako lang, mas gusto ko munang manatili sa hacienda, medyo sapat naman ang aking kinikita duon, dahil nga sa lalaki ako, kaya kong magbanat ng buto, samantala siya, mas magandang namumuhay siya na prang isang prensesa,. hindi ko na malayan na napatagal pala ang pagtitig ko sa kanya kung hindi pa ako nito binatukan,, Hoy, bakit ganyan ka kung makatitig ka sa akin, may dumi ba ako sa muka, sabi niya,. ah", wala, sabi ko na lang sa pagkagulat ko.. ah", siguro ngayon ka lang din nagagandahan sa akin ano", sabi niya,. aba gumaganti ng pang aasar, sabi ko sa isip ko.. pero ang totoo niyan, dati ko ng alam na maganda siya, mula pagkabata pa..hindi ah"sabiko.. i mean, you are beautiful for a long time, eh bakit ka ganyan makatitig sa akin, pangungulit niya,, naisip ko lang kung paano wala tayo mahanap ngayon, magpapatuliy parin ba tayo, sabi ko na lang,..try in try until you succeed,,sabi na lang niya.. tara na nga, maghahapon na, baka maabutan pa tayo sa dilim, sabi ko na lang ulit.. tumayo na kami para ipagpatuloy ang paghahanap..
4.00pm narin ng maisipan naming umuwi, bigo nga kami ngayong araw, pero may bukas pa, sabi nga niya, try in try until you succeed.. Pagbaba namin ng sasakyan, ay kunting lakad na lang, makapasok na kami ng hacienda.. niyaya ko muna siya sa bahay para duon na maghapunan,, saktong pagdating namin ay naghahanda na si nanay ng hapunan, magpapaalam muna sana siya umuwi para makapag bihis pero tinanggihan ni nanay, mamaya nablang daw pagkatapos kumain para minsanan ang pag uwi niya.. sa ngayon sampong metro lang ang layo namin sa tinitirhan niya ngayon,. pansamanta siya muna ang nakatira sa bahay ni mang Carding, mula kasi nuon, napagpasyahan na nilang mag anak na lumayo para sa kaligtasan daw nila.. Pagkatapos naming kumain, bago nagpaalam si Aryana, kinamusta muna ni nanay ang lakad namin kanina, walang tumanggap sa amin Aling Isme, si Aryana ang sumagot, lahat ng napuntahan namin ay mga may experience ang hinahanap, sabi ko naman, dibali may bukas pa naman, sabi ni nanay..
Aryana"
Pagkauwi ko ng bahay, agad kong binaba ang hand bag ko at dumeretso na ako sa banyo para makaligo narin,. pakiramdam ko ang lagkit ko,. ikaw ba namang maglakad maghapon sa kalye, hidi ka didikitan ng mga alikabok.. Matapos ako makapag bihis, dumeretso muna ako sa sala para manuod, tutal maaga pa naman.. habang nanunuod ako, pakiramdam ko may nakamasid sa aking sarili, lumingon ako kung saan saan pero wala naman ako nakikita na kakaiba,. binaling ko na lang sa tv ulit, saktong pagtingin ko sa screen ng tv, napatalon ako sa gulat,. hindi nagtagal, may kumakatok sa pintuan,. dahil hindi ko alam ang gagawin ko, nanginginig akong tumayo para makalapit sa may pinto,. habang palapit ko sa may pinto, isang kalabog nanaman mula sa kwarto ko, dahil sa subrang kaba ko, nagsalita ako, sino yan, sabi ko, pero wala sumagot, maya maya ay naging tahimik na ang paligid, nawala ang takot ko ng pusa pala ang salarin.. .