They are on their way home. Dahil nga naiwan niya sa Bar ang sasakyan ay wala siyang nagawa kundi dito pa rin sumakay pauwi. Nilingon siya ng lalaki, kanina pa sila walang imikan. Panandalian itong umalis kanina matapos ang eksena nila sa banyo, nang bumalik ito ay inayos nito agad ang mga gamit at nag-aya ng umuwi.
"Saan mo gustong kumain? Let's eat first." he said breaking the silence.
Umiwas siya ng tingin dito, "May malapit na fast food tayong dadaanan doon na lang."
On her peripheral vision, nakita nito ang pag tango-tango nito. Nang bumalik ito sa condo kanina ay wala ng bakas ng galit sa mukha nito, maging ang pakikipag-usap nito ay casual din. Hindi niya alam kung ano bang dapat niyang maramdam. Minsan napapaisip siya, maybe siya lang ang over reacting sa mga nangyayari. Baka naman kasi talagang madadaan ang lahat sa usapan.
Nang madaanan na nila ang fast food na tinutukoy niya ay akala niya mag-park lang ito pero dumeretso ito sa drive thru.
"Mag take-out na lang tayo. Sa bahay na natin kainin. Your dad sent me a message he wanted to discuss something with me."
Bago pa man siya makasagot ay nag salita na muli ito, " What do you want?"
"A rice meal will do."
Sila na ang sumunod na nag take ng order. Akala niya ay rice meal lamang talaga kukuhanin nito para sakaniya ngunit nagulat pa siya ng marami itong kuhanin. Hindi niya mapigilan mag pasulyap sulyap sa supot na nasa kandungan na niya, dahil dito ito ipinatong ng lalaki para hindi matapon. Bigla rin namang kumalam ang sikmura niya. Napahigpit ang kapit niya sa supot, ngayon lamang siya nakaramdam ng gutom marahil ay sa dami niyang iniisip nawala na rin sakaniya iyon.
Kita naman ang pag pigil ng tawa ng katabi nito na lalong nagdulot sakaniya upang makaramdam ng hiya.
"You must have been really tired and hungry from last night." Tila inasar siya nito pero nakangiti lamang ito at hindi sa paraang nanunukso.
But still she couldn't help but feel embarassed, because what he said was half meant truth. Panay siya drama at inarte simula pa kagabi to the point that she forgot to at least grab something to eat this morning. Kung hindi pa ito nag tanong ay baka tuluyan nang nawala sakaniyang isip ang kumain at mag mukmok na lang talaga sakaniyang kwarto pag-uwi.
After a few minutes, they have already arrived at their house. Agad din naman siyang bumaba. As expected ay nakasunod na agad sakaniya ang lalaki. Kinuha nito sakaniya ang dala at dumeretso ng pasok sa loob. Tahimik lamang niya itong sinundan at pinanuod ang bawat kilos. Dahil pag pasok nila ay dumiretso ito sa kusina at kumuha ng mga plato, mula roon ay inilagay nito at inihain ang pagkaing binili.
"Let's eat."
Agad din naman siyang dumulog sa hapag kainan. Mag katapat sila ng upuan kaya hindi niya maiwasang mapatingin sa gawi nito pag nasubo ito. Muli na naman silang binalot ng katahimikan. Parang mas gusto niyang nagsasalita ito kayas ganito na tanging tunog lamang ng kubyertos ang naririnig.
"Liking the view?"
Parang gusto niya atang bawiin ang sinabi niya kanina. Dahil balik na naman ito sa pang-aasasr.
"Yabang." lalo lamang itong tumawa sa itinuran niya. She noticed that he stopped eating, tuluyan nitong ibinaba ang kubyertos sa plato nito at tinignan siya. pakiramdam niya ay lulubog siya sa kinauupuan niya ngayon dahil sa biglang seryosong titig nito.
Nag-iba rin ang kaniyang pakiramdam. Mukhang alam na niya kung saan ito tutungo.
"Letisha..." Malumanay at puno ng kaseryosohan ang tono ng pag tawag nito sakaniya.
Tumungo siya at nagkunwaring abala pa rin sa pagkain. Parang biglang nawala lahat sa utak niya ang plano niyang sabihin dito ngayon. Kanina ay pakiramdam niya na handa na siya makipag-usap, pero ngayong mag kaharap sila ay tila naputulan siya ng dila. Nawala lahat ang kahandaan niya.
Susubo pa sana siya ngunit hinawakan na nito ang isang kamay niya. Wala siyang choice kundi ang salubungin ang seryoso nitong tingin.
"Will you please listen to me first?"
She took a deep breath. Mukhang ito na talaga iyon.
"W-What do you want to talk about?" She tries to remain calm as much as possible. Ano bang dapat ika-kaba niya? Mag-uusap lang naman sila hindi ba?
"What about us? Don't worry, I also have decided that-"
"Let's try to work this marriage out, Letisha."
Natahimik siya. Iyong balak niyang sabihin kanina ayparang bigla na lang nawala sakaniyang utak at naging blangko na lamang ang kaniyang isip. He wanted to try to work our marriage out. But why? He hated me, right?
She was speechless for a moment. Hindi niya alam niya alam kung anong isasagot niya o ang irereact niya sa narinig niya. Tila na naman siyang napipi. Hindi ito ang nasa isip iya, kahit kailan ay hindi manlang ito sumagi sa isip niya.
"Please, look at me." hinawakan siya nito sa baba at unti-unti iyon itinaas hanggang sa mag tama ang kanilang paningin.
"A-Are you joking? Please s-" hindi niya natapos ang sasabihin na naman when he cut her off again.
"Stop fooling around? Do I look like I'm joking, Letisha? Really?" Nabahidan na ng pagkairita ang boses nito. Nag sisimula pa lamang sila mag-usap ay may pkiramdam na siya na hindi na naman ito sasang-ayon at lalayo na naman ito sakaniya. This is the first time he tried pursuing a woman. Hindi nga rin niya alam kung anong pumasok sa isip nniya kung bakit niya rin naissipan na subukan manlang nila.
"Let's just give it a try. Wala naman mawawala, hindi ba? If it doesn't work, then balik tayo sa dati kung iyon ang gusto mo."
Hindi makapaniwala siyang tinignan ng babae. Is he really out of his mind?
"You know what, Kean. Hindi mo naman kailangan gawin ito if you felt guilty sa mga nangyari, hindi natin kailangan pa umabot sa ganiya. Hindi natin kailangan mag panggap. We both know that this marriage won't work out." Tumayo siya at akmang aalis na pero pinigilan na naman siya nito.
"Where are you going? Hindi pa tayo tapos mag-usap, Letisha. I already expected that from you, that's why I cut you off from speaking earlier. Hindi lang isang beses may nagyari sa atin, Letisha. we have to take this matter seriously. There's no harm in trying."
She bit her lip to stop herself from crying. Ilang beses na ba siyang umiyak dahil sa lalaking ito at dahil sa parehong rason? Pagkaka-alala niya kasi ay hindi ito ang gustong mangyari nilang parehas. They hated each other but why the hell they both ended up sharing the same bed?
Worst of all if it keeps happening, she can never stop herself from being attached with this man. Her plan of having their marriage to be annulled will almost be impossible.
"Is this really about us sharing bed, Kean? Don't tell me you're falling for me for that stupid reason? Or is this just some business deal for you again?"
Kitang kita niya ang pag-tiim bagang nito. Binitawan nito ang kamay niya, pansamantala itong umiwas ng tingin. Hindi niya alam kung bakit iyon ang lumabas sa bibig niya. Maybe that way mapigilan din niya ang sarili niya na mag ilusyon. Baka paraan niya lang din ito upang makatakas muli sa kaniyang sumisibol na nararamdaman.
Pero mas hindi niya maintindihan ang panandaliang pag guhit ng sakit sa puso niya nang isiping isa lamang itong business deal o kaya ay ginagawa lamang niya ito dahil nakokonsensya siya na may nangyari sakanila.
" If that's how you think it is, then be it. But let me remind you that no matter how you run away from me you'll never succeed. Our marriage cannot be revoked, remember? My family and your family had an agreement. I know what you are thinking right now. even if you file for an annulment, I won't sign and agree to it."
Tinalikuran siya nito. Akala niya ay tuluyan na itong aalis ngunnit tumigil ito at muling nagsalita, "By the way, I am not taking a no for an answer."
With that, he left her puzzled.