NGINITIAN ni Bria sa Aliyah ng mag-angat ito ng tingin patungo sa kanya ng ilapag niya ang binili niyang kape sa paborito nitong coffee shop. Sa halip naman na gantihan siya nito ng ngiti ay seryosong tinaasan siya nito ng isang kilay. "Sa tingin mo ay madadaan mo ako sa suhol?" wika nito sa kanya sa seryoso pa ding boses. Dahan-dahan namang nawala ang ngiti sa labi ni Bria sa sinabing iyon ni Aliyah. Mukhang hanggang ngayon ay nagtatampo pa din ito sa pagsisinungaling niya. She took a deep breath, about to speak when Aliyah interrupted her. "Madadaan talaga ako sa kape," mayamaya ay wika nito, tinawanan pa nga siya nito nang makita nito ang naging reaksiyon niya. Nakahinga naman si Bria nang maayos, uma-arte lang pala si Aliyah. Akala talaga ni Bria na nagtatampo sa kanya ang babae

