GAYA ng sinabi ni Frank sa pamilya nito ay isang intimate dinner lang ang celebrasyon ng birthday nito na ginanap sa mansion ng mga De Asis. Pamilya lang nito at malapit na kapamilya lang ang imbitado sa nasabing okasyon. Ayaw kasi ni Frank sa magarbong okasyon. Para dito ay okay na kasama nito ang mahal sa buhay sa espesyal na okasyon na iyon. At siyempre kasama si Bria do'n, espesyal kasi siya sa buhay ni Frank. At sa isiping iyon ay hindi niya napigilan ang pagsilay ng ngiti sa labi niya. "Bria!" Mayamaya ay napatingin siya sa kanyang likod nang marinig niya ang pamilyar na boses na tumawag sa pangalan niya. At hindi na naalis ang ngiti sa labi niya nang makita si Denisse na naglalakad palapit sa kanya, kasama naman nito si Timothy. "Congrats." Kumunot ang noo ni Bria ng sumuly

