Chapter 79

2032 Words

ABALA si Bria sa pagtutupi ng mga damit nilang dalawa ni Brylle nang makarinig siya ng mahinang katok na nanggaling sa labas ng bahay nila. Kasabay ng pagtigil sa ginagawa ay ang pagbilis ng t***k ng puso niya. Kahit na hindi pa niya nakikita kung sino ang nasa labas ng bahay nila ay may ideya na siya kung sino ang kumakatok. Sa pamilyar na t***k na lang ng puso niya. Napatingin naman si Bria sa anak niyang abala sa paggawa sa homework nito. Napansin niyang nakatingin ito sa nakasarang pinto ng bahay nila. At gaya niya ay mukhang may ideya na din ito kung sino ang nasa labas ng bahay nila. Alan din nitong ang Papa nito ang kumakatok sa labas dahil ito lang naman ang madalas na gumagawa niyon. At ang lagi nitong excuse? Ay ang pagbibigay nito kung anong-anong pagkain sa kanilang dalaw

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD