Chapter 78

1555 Words

"KUYA, tara na," tawag na ni Bria kay Brylle nang matapos niyang ilagay ang meryenda nito sa lunchbox na dadalhin nito sa pagpasok nito sa school. At mayamaya ay lumabas naman na ang anak sa kwarto, nakabihis na ito at nakasukbit na din ang bagpack sa likod nito. "Kompleto na ang laman ng bag mo, Kuya?" tanong naman ni Bria sa anak niya. Tumango naman ito. "Opo, Mama," sagot naman nito sa kanya. Nang marinig niya iyon ay inilahad niya ang kamay sa harap nito. Agad namang iyong tinanggap ni Brylle. Humakbang naman sila palabas ng bahay. At sabay silang natigilan ng anak ng paglabas nila ng bahay ay agad nilang nakita si Frank nakasandal sa gilid ng bahay nila, mukhang inaabangan nito ang paglabas nila. Wala ito kanina noong lumabas siya nang bahay pagkatapos niyang mabasa ang no

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD