"KUYA?" Pagtawag ni Bria sa anak ng i-alis niya ang tingin sa hawak na cellphone at inilipat niya iyon sa dereksiyon ng kwarto kung nasaan ito ng sandaling iyon. "Bakit po, Mama?" tanong naman nito sa kanya ng lumabas ito ng kwarto. "Your Tito Ervin wants to talk to you," imporma niya. Tumawag kasi si Ervin sa kanya para kamustahin kung ano ang kinalabasan ng naging desisyon niya. Wala naman siyang nagawa kundi aminin kay Ervin ang totoo, sinabi niya ang nangyari na kung saan hindi sinipot ni Frank ang usapan nila at pati na din kung ano ang naging reaksiyon ng anak. Napansin nga din ni Bria ang pagbalatay ng inis sa mukha ni Ervin sa mga kinuwento niya. Mukhang naiinis ito kay Frank dahil sa pagpapaasa nito sa anak niya. Her child approached her. When he got close, she handed over

