"PASENSIYA na po, Ma'am Bria. Pero mahigpit pong utos na huwag po kayong papasukin." Kahit hindi nakatingin si Bria sa sariling repleksyon sa salamin ay alam niyang kitang-kita niya ang sakit na bumalatay sa mukha niya ng marinig niya ang sinabi ng security guard patungo sa mansion ng mga De Asis. Mukhang hindi lang siya sa kompanya ni Frank naka-ban, mukhang pati na din sa mansion ng mga De Asis. Nagpunta si Bria do'n dahil gusto niyang makausap sina Tita Dana, gusto din niyang humingi ng sorry at magpaliwanag na din. Alam niyang napakalaki ng kasalanan niya, hindi naman na siya umaasa na mapapatawad siya ng mga ito dahil sinira niya ang malaking tiwala na ibinigay ng mga ito sa kanya pero gusto man lang niyang maipaliwanag ang side niya, gusto lang din niyang sabihin sa mga ito na tot

