KINAGAT ni Bria ang ibabang labi nang subukan niyang tawagan si Frank ay hindi nito sinasagot ang tawag niya. She wanted to talk to him, she wanted to explain her side. Alam niyang binantaan siya ng kapatid nito na huwag na siyang lalapit kay Frank dahil kapag ginawa niya iyon ay makikita daw niya ang hinahanap niya. Alam niyang hindi nagbibiro ang lalaki sa pagbabanta nito. Alam niyang kapag sinuway niya ang inutos nito ay gagawin nito ang banta nito sa kanya. Pero hindi natatakot si Bria sa banta ni Franco Dawson, hindi siya natatakot kung ano man ang pwede nitong gawin. At mahalaga sa kanya ay makausap niya si Frank at makapagpaliwanag. At ang mas kinatatakot niya ay ang magalit sa kanya ang lalaking mahal na mahal niya. Ang lalaking hindi niya kayang mawala sa bubay niya. Iyon ang

